CHAPTER 51

66 3 2
                                    

Patak ng patak ang mga luha ko habang masakit na tinititigan ang picture frame namin noon makaraan ang apat na taon.

Ayaw mawala sa isipan ko ang sitwasyon na may kapiling na siyang iba. Apat na taon akong naghintay eh. Why, Charles?

Nandito ako sa pinaka gitna ng kagubatan, ayaw ko ng may kasama, at para narin makalayo sa anak ko. Kinakailangan ko ng panibagong lakas bago siya harapin ulit ng masabi ko sa kaniya ang totoo.

Pero ang pinoproblena ko kung paano. Paano at sa anong paraan ko mababalik muli ang lakas ko. Lakas na muling maipakita ko sa harapan ni Lucky ang inang kilala niya noon. Ang hirap magpanggap.

Mahigpit na nakapalupot ang kamay ko sa buong mukha ko habang sumisigaw sa kalagitnaan ng dilim. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang natatanging gusto nitong mangyari.

Ang gulo-gulo ng isipan ko hatid ng mga nakaraang kasiyahan namin. Lahat na ginawa ko; uupo, tatayo, lalakad, susuntok at sisipa. Pero hindi parin matigil ang guhit ng kutsilyo sa puso ko.

Ng maramdaman ang labis na pagod ay tuluyan na akong napaupo sa lupa at napahawak nalang ng kalmado sa batok ko habang patuloy parin sa pag-agos ang mga luha.

Ilang minuto akong tulalang nakatinghala sa malayo habang lumalanghap ng malamig na hangin na pinapasok ko sa loob ng puso kong unti-unti ng nawawalan ng pag-asa.

*Ringggggggg

Bigla akong napatuon ng tingin sa phone ko. Nanlaki bigla ang mga mata ko ng makita ang naglalakihang pangalan na nag-appear dito. 'HUBBY'

Mabilis ko itong kinuha tyaka na sinagot. “Hello?” mabilis na aniko.

“Giana?” Malumanay na tono niya.

Nanlamig bigla ang mga kamay ko at nagsimulang sumimangot ang mga labi.

“C-Charles, why?”

“Pwede ba tayong magkita?” Mabilis akong napatango tyaka na ipinikit ang mga mata.

Nais kong mabuo ulit tayo, Charles. Lahat ng bagay may paraan naman eh, ayos lang baka mabibigyan pa ng pagkaunawa an at naaayon na solusyon ito.

“Sige.” Mabilis akong umalis.

Walang dala na kung ano, tanging cellphone ko lang at ang mukha kong buo ng pag-asa.

Sa isang private garden mismo sa likuran ng Gardenia Resort. Makikita si Charles na tahimik na umuupo sa isang swing habang seryoso na nakatitig sa malayo.

Nakalantad sa harapan nito ang napaka gandang tanawin ng mga puno at nagagandahang pananim.

Bago paman lumakad palapit sa kaniya ay buong lakas kong kinalma muna ang sarili ko at inayos ang mukha ko. Lahat ng mga luha ko ay pinahiran ko tyaka na naglagay ng kaunting ngiti at galak sa mukha ko.

Baka magbago pa ang isip ni Charles, I know he always choose me no matter what, I know he love me so much.

“C-Charles?” Nauutol kong tawag sa pangalan niya.

Napabaling siya ng tingin sa akin at makikita sa mga mukha niya ang kaunting ngiti habang inaabot ang palad niya sa akin.

Mahinhin ko naman itong hinawakan at napatayo ito saka na hinawakan ang mga palad ko ng kay higpit habang palakad-lakad kami papasok sa kalagitnaan ng nagagandahang rosas.

Parang mag nobya kaming naglalakad at nagmamasid sa paligid habang mahinang lumalakad sa lugar na kung saan walang nakatambay na mga tao.

“I miss you, Charles,” nasambit ng mga labi kong sabik ng mayakap at mahalikan siya.

The Prostitute Wife Of the Mafia Lord (The Unwanted Wife's Revenge) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon