Mahal kong Z,

17 0 0
                                    

Isang love story ang nais kong ikwento.

Tungkol sayo at sakin na nag-susulat nito.

Ikaw at ako. Tayo.

Ako si Ana

Simple lang ako't ordinaryo,
Mula sa pangalan hanggang sa postura ko.
Sumasakay ng dyip at kumakain lang dyan sa kanto.
Ordinaryong tao na di pansin kahit madapa man ako.

Tulad ng iba,
Tulad nila,
Tulad ng ilan.

Oo tama ka, opposite nga tayo.

Ikaw si Zian.

Gwapo, mayaman at matalino.
Pang telenovela lagi ang entrance mo.
Ferrari ang sasakyan mo't magarang kainan lang ang kinakainan mo.
Sikat ka at bawat galaw mo'y laging laman ng dyaryo.

Maaaring ang kwentong ito'y gasgas na sa iba.
Isang clićhe story na laging mababasa.
Ngunit anong magagawa nila?
Kung ganito lagi ang umpisa?

Naalala ko nang mabunggo ako sayo
Di ko sinadya 'iyon upang mapansin mo.
Sadyang nagmamadali ka lang at ako nama'y nahaharangan ng dala kong san' bundok na libro.

Nalaglag ang lahat ng dala ko.

Sabi ko na nga ba't masungit ka!
Umismid ka kasi't nagreklamo.
Ni hindi ka man nga lang pumulot kahit isa sa mga gamit ko.

Simula non' ay mas naging madalas ang ating engkwentro

Nag-aaway tayo at nagsasagutan,
Simpleng bagay lang naman ang dahilan.

Madalas, lagi ako ang talo.
Ang dami mo kasing dahilan,
Nag mukmukha ka na ngang abugado.

Pero madalas din akong napapangiti sayo,
Lalo na't pag namumula ang tenga mo at halatang pikon.
Di ko lang pinapakita't kunyaring inis ako sayo.

Madami mang oras na aso't pusa tayo,
Minsan ramdam ko naman ang halaga ko sayo.
Nagagalit ka sa tuwing lalapitan ako ng iba.
Hindi mo pa nga ako kinausap ng makita mong niyakap ako ng taong di ko kilala.

Ikaw ang kasama ko sa lungkot at saya,
Hindi ko inakalang darating ang araw na mayayakap kita.
Langit at lupa nga tayo di ba?

Kahit pawang problema ang lagi kong dala,
Lagi ka paring nandyan sa tabi ko sinta.

Hindi ko alam kung kelan nag umpisa?
Ang alam ko lang, na sa bawat oras na kasama kita,
Pintig ng puso ko'y tila nagwawala at nag kakarera.

Hanggang isang araw, buwan ng Hunyo ay napag desisyunan ko na.
Sabi ko nga sa sarili ko "bahala na"

Umuulan ng araw na iyon at naiwan na naman tayo na tayo lang na dalawa.
Palagi nalang ganito ang eksena.
Inaamin kong isa 'to sa masasaya kong sandali, basta ikaw ang kasama.

Tahimik ang paligid ng bigla akong nag salita
Nagtapat ako sayo kahit hindi ko alam kung pano mag mag sisimula.
Basta nasabi ko sayong "mahal kita".

Natakot ako nang di ka umimik.
Hindi ko mabasa kung galit ka ba o masaya?
Alam kong di na dapat ako umasa,
Sino nga lang ba naman ako di ba?
Ngunit ayokong mag sisi sa huli at maging duwag,
Kahit na wala kang imik at tila natulala.

Nalanta ang tuhod ko sa sumunod na eksena,
Hinila mo ko't kinabig ang aking mga braso.
Kinulong mo ako sa mainit mong katawan.
Rinig ko ang pintig ng puso mo,
Mabilis ito't tila pareho tayo ng nadarama.

Tumigil ang oras nang panahon na iyon,
At tila nakakabingi ang bawat tibok ng puso nating dalawa.
Lalo na ng sabihing mong "mahal na mahal din kita, matagal na".

Simula non' ay kapwa tayo nagtanim ng masasayang alaala,
Walang sandaling nakakapang hinayang basta ikaw ang kasama.

Maraming pagsubok sa relasyon nating dalawa,
Ganon namn talaga lalo na't maraming gustong makipag kumpetensya

Ngunit pag-ibig mong wagas ang laging nangingibabaw sinta.
Minsan nga naitanong ko nalang kung "deserve ba kita?"
At ang sagot mo "di ba dapat ako ang nagtatanong nyan, Ana?"

Hindi ko inakalang darating ka,
Minsan iniisip kong panaginip lang ang lahat.
May ganun pala?
Na hanggang sa mga oras na ako'y naghahanda sa ating paghaharap sa altar,
Bumabalik sakin ang bawat alaala.

Nakikita mo ba Zian?
Buwan na namn ng Hunyo, umuulan na naman sa labas.
Kinakabahan na naman ako,

Bawat hakbang ko papasok sa simbahan ay tila dekada,
Walang patid na luha ang tumutulo sa aking mga mata.
Ang araw na ito'y dapat ang pinakamasaya,
Ngunit kahit nakangiti'y sumasalungat parin ang aking mga luha.

Pako ang tanaw ko sayo,
Siguro nga'y naiinip ka na.
Naiimahe ko sa isip ang namumula mong tenga.
May mga alalang bumabalik na naman sinta. Lahat pawang alaala.

Nang makarating ako sa harapan mo'y napapikit ako ng mata.
Dapat sa oras na ito'y hawak mo na ang kamay ko di ba?
Ngunit ang reyalidad sa mga oras na ito ang nagpamulat sa akin,
Dahil kahit anong isip ko'y alam kong hindi mo kaya.

Dahil may malamig na salamin ang nakaharang at tila pinag hihiwalay tayong dalawa.

Nagmamahal,
A.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Let me tell a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon