CHAPTER 49: Fine!
Matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Erick kanina. Ang sabi niya ay dapat kong kausapin si Damian. Ang sabi niya makipag-ayos ako at ipaliwanag sa kanya ng mabuti. Ang sabi niya kung aawayin pa rin ako ni D at kapag nakita pa niya akong ganito, hindi na raw sisikatan ng araw si D.
Isang oras na akong naghihintay sa harap ng bahay nina Damian. Kaya naman agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko nang makita ko ang sasakyan niya. Magulo ang buhok niyang bumaba ng sasakyan at para bang ngayon lang siya umuwi dahil nakasabit lang sa balikat nito ang polo na gamit niya kagabi.
"D." Huminto siya sa harapan ko.
"Not now JL."
"Pero D. Kailangan nating mag-usap." Lumapit ako sa kanya pero bahagya itong umatras kaya naman hindi ko na itinuloy ang paglapit ko. Galit siya. Ramdam na ramdam kong galit pa rin siya at hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan.
"Wala tayong dapat pag-usapan." Ngumiti siya pero hindi ko gusto ang pagngiti niyang iyon. "Pagod ako, JL. Kung pwede sana—-"
"Damian." Umiling ito at nilagpasan niya lang ako at nagtungo na sa harap ng pinto nila. Dahil sa inaasta niya ay napipikon na ako.
"Kahit alam mong buntis ako, ganyan ka pa rin?" Oo hindi ako buntis pero ang kapal ng mukha niyang hindi ako kausapin gayong kung sakali ay siya naman talaga ang ama ng ipinagdadala ko.
Pero sa tanong kong iyon agad na nagbago ang hitsura ni D. Nilapitan niya ako at hinigit hanggang sa isandal niya ako sa pader ng bahay nila. Nanlilisik ang mga mata nito at hindi ko mawari kung bakit ba galit na galit siya ngayon. Masakit din ang pagkakahawak niya sa akin pero hindi ako makapalag.
"Talaga? Akin ba talaga 'yan?" Agad ko siyang sinampal dahil sa tanong niya at nagawa pa niyang ngumiti sa kabila ng pagsampal ko sa kanya ng malakas.
I give up. Para akong binibuhusan ng malamig na tubig dahil siya pa talaga ang ganito mag-isip sa akin ngayon. Kung magtanong siya parang hindi niya ako nakilala ni minsan.
"Buntis ka... Pero alam mo bang gulat na gulat ako nung sabihin mong buntis ka. Alam mo kung bakit? Kasi wala naman talagang nangyari sa atin. Kasi JL..." Palakas na nang palakas ang boses nito dahil sa galit niya. "Kahit na willing ka pang ibigay ang sarili mo noong gabing iyon ay hindi pa rin kita gagalawin. Kasi nirerespeto kita. Kasi ayaw kong isumbat mo sa akin na baka pinagsamantalahan kita. Kasi JL, hindi ko ugaling nambabastos ng babae. But damn it! Nang marinig ko 'yun hindi ko alam kung paano aasta sa harapan mo."
"Walang nangyari? Pero bakit mo sinabi—-"
"Kasi sabi mo ako yung ama! Tangina! Alam mo ba yung gulat ko? Sige, ayos lang sakin na akuin ko 'yan..." Itinuro niya ang tiyan ko na para bang hindi niya talaga tanggap kung sakaling buntis nga ako. "pero alam mo yung masakit? Yung makita ko na nakayakap pa sa 'yo 'yung Cole na 'yun. Tinanong naman kita kung sino yung ama pero tinawag mo lang akong tanga at syempre sinabing ako. JL, hindi naman ako lasing na lasing noon. Hindi naman ako katulad mo na nawawala sa sarili tuwing lasing. Baka nga mamaya nagpapasok ka sa kwarto mo ng hindi mo alam."
That's it. Masyado na niyang ipinagdidiinan na madumi akong babae. Na nangangaliwa ako kahit na kami na.
Hinila ko ang kamay ko na ngayon ay pulang-pula na dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya. Ilang beses akong huminga nang malalim dahil naiiyak na ako sa mga pinagsasabi niya. Pinipigilan ko 'to na dahilan ng pagbigat ng pakiramdam ko.
"Sinasabi mo bang nakikipagsex ako sa kung sinu-sino? 'Yun ba ang tingin mo sa akin?" Halos pabulong ko itong itanong sa kanya.
Hinintay ko siyang sumagot pero hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala na ako pa talaga ang parang may ganang magalit ngayon sa kanya.
"Sinasabi mo bang kahit may boyfriend ako ay nakikipagsex ako sa kung sinu-sino? Na maski hindi ko kakilala ay papatulan ko?" Hindi pa rin siya sumagot. Muli ay huminga ako nang malalim at ipinikit nang mariin ang mga mata ko... doon pa lang ay naramdaman ko na ang luha ko na pumatak.
"Fine! Niloloko kita." Halos pumiyok na ang boses ko nang sabihin ko iyon. Crap! Ang sakit. "Nakikipagsex ako sa kung sinu-sino. Nagpapagamit ako sa hindi ko kilala. 'Yun ba ang gusto mong marinig? Na nakikipaglandian ako sa ibang lalaki kahit ikaw karelasyon ko? Fine! Ginagawa ko ang lahat ng iyon." Pinunasan ko ang luha ko. "Paniwalaan mo ang gusto mo. Kasi alam mo kung ano ang totoo? Hindi ako buntis."
"What?"
Itinulak ko siya para makaalis na ako. Sobrang bigat nitong nararamdaman ko. Para akong pinagtaksilan. Mas matatanggap ko pa kung ibang tao ang nagsabi niyon sa akin. Mas tanggap ko pa kung husgahan ako ng mga hindi nakakakilala sa akin at hindi ko nakakasama.
"Anong sinasabi mo?" Muli nitong hinawakan ang kamay ko pero nagpumiglas ako.
"Mas alam pa nga ni Erick na hindi ako buntis kaysa sakin mismo, e." Tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha. "Mas kilala pa nga niya ako kaysa sarili ko mismo. Sinamahan niya ako kanina at ang sabi ng OB ay hindi ako buntis. Mabuti pa siya kasi kahit hindi ko sabihin ang mga ayaw ko at ng mga ginagawa ko ay napapansin niya pa rin ang lahat. Dapat nga pinilit ko na lang ang sarili ko na mahalin siya kaysa sa 'yo. Dapat nga siya na lang edi sana hindi ako ganito ngayon." Binitiwan niya ako nang marinig niya ang mga sinabi ko.
"Alam mo kung ano ang pinagsisisihan ko? Yung pinakawalan ko siya para sa 'yo. At alam mo kung ano ang gustong-gusto kong hilingin ngayon? Na sana siya na lang at hindi na lang ikaw." Lumayo ako sa kanya. Nasaktan ako noon pero sa hindi sa ganitong paraan. "Mas gusgustuhin ko pang malaman na may ibang mahal ang mahal ko kaysa kung anu-ano ang hinuhusga ng taong mahal ko sa akin."
"Ang sama mo, D. Ang sama-sama mo."
*****
A/n: Jadrick na ituuuu hahahahahaha echos.
BINABASA MO ANG
Not So Boy Next Door (COMPLETE)
ChickLitIf you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz