Tinigil ko na ang pagkalog sa hairspray can baka kasi, instead na guest, pagkamalan akong batang-hamog na nagbabandalismo. Hindi malabong mangyari 'pag 'di ko na-tamed 'tong buhok ko.
Then, idinikit ko ang mukha sa wide mirror, umanggulo, at napahinto. Halata pa rin ang tigyawat ko sa ilong.
Nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Video call from Monchi, ang kaibigan kong oso. Pagka-accept ko ng tawag wari siyang nabulaga.
"Monchi, marami na bang tao riyan?"Binudburan ko pa ng concealer ang ilong.
"Umaapaw na," aniya. "Parang makeup mo."
"Ah!" Napaatras ako nang madiinan ko ang pagbubudbod. Eh, taklesa din. Iyon, lagapak!
"Panalo talaga! Sa Book launch pa nga, oo!"
"Nasaktan ka ba?"
Padaing pa lang sana ako no'n, eh, pero para akong nahiya sa lalim ng boses ng nagtanong kaya 'di ko na lang tinuloy. Iba ang nasa camera. Guwapo.
"Edmundo! Ang lampang 'to!" May paglait muna si Monchi bago akayin ang walking disaster. Kinapitan ko kasi 'yong wardrobe rack na katabi ay makeup rack kaya iyon pati dressing room na-rock.
"Cellphone mo, sis, iniwan mo!" Tinapat ko ang phone.
"Ay, oo nga!" Takbo agad ang beshy ko.
Nagtanong muli ang lalaki sa vc. "Ayos ka lang ba, Edmundo?"
"Maka-Edmundo ka naman!"
I heard him chuckling bago isauli ang phone kay Monchi na akala ata ay na-end call na pero hindi pa.
He asked Monchi what's wrong with me na sinagot din naman ni beshy. 'Iyon, kinakain ng insecurity.'
"S.M., is everything alright?" Si Ms. Lyn, event organizer.
"Everything's perfect, Ms. Lyn."
Everything's far from perfect though. Ang daming mali sa araw na 'to.
Sa mukha ko.
Sinubukan kong titigan ang sarili sa salamin but two seconds in, iniwas ko ang tingin.
You're too hard to look at, Self.
Then came knocking. And another. And another. Sa pang-apat, hindi na ako nakatiis. Binuksan ko ang pinto. Kaliwa't kanan, walang tao. Pero may Hershey's sa paanan ko. May note din.
I kneeled to read:
You are not just a face let alone a body. Mag-iba man packaging mo tulad nitong Hershey's, your sweetness remains the same.
-I.L.Y.
Kumuha ako nang piraso. And as I ate it, the mirror began reflecting back my smile. I picked up some wipes, stripped off the makeup until my face was bare.
Until I began to bear its bareness.
Sa huli, naging maayos ang event.
Later on, one particular guy approaches the table, holding a copy of my book while grinning. Teka, siya 'yong nasa video call!
"Salamat sa pagbili ng libro. Ano name mo para ma-personalize ko message ko."
"Ian Luigi Yamson."
Napakurap ako until my eyes caught sight of a dirt near his lips. Instinctively, tumayo ako, leaned forward and rub my thumb to get rid of it. I only realized what I've done when I met his gaze.
"May ano kasi -"
"Don't worry." He held my hand and took his hanky to wipe it. "It's Hershey's."
The acronym. The chocolate. The nerve! Could it be siya 'yong nag-iwan ng note at ng Hershey's?
Maybe.
Maybe not.
Regardless, bumalik ako nang upo, smiling as I penned my message to him:
Thanks for reminding me who I am, I.L.Y.
Sincerely,
Sweet_Me
BINABASA MO ANG
I.L.Y.S.M
Short StoryBig day ni S.M. today but it seems like luck is not in his favor. Or is it? credits to vie studio (pexels) for the free to use cover.