Chapter 2: First Blood

86 2 0
                                    

Chapter 2: First Blood

"Some Cats are Pretending Rats and Some Rats are pretending to be Cats."
-Ali Red II

----------------------------------------------------x

QUEENIE'S POV

6:00 AM nang biglang magalarm ang alarm clock ko, wala nakong choice kundi bumangon kaya agad agad akong bumangon, nung una ay nakaramdam pako ng hilo ngunit ng tuluyan konang maibangon ang aking buong katawan, agaran naman itong nawala.

Pangalawang araw na ng klase at gusto ko na agad matapos ang semester na ito, nakakaramdam ako ng masamang pakiramdam sa school nato.

Naalala ko ang panaginip ko kagabi, lahat ng mukha ay hindi ko makita ngunit may sabay sabay silang sinasabi, parang chant ito dahil paulit ulit nilang binabanggit ito papalapit sakin, nakita kong pabilog sila at unti unting lumalapit sakin.

"Meaxtre di liviero! Meaxtre di liviero! Meaxtre di liviero! Meaxtre di liviero!"

Ano kayang salita yun?
Dahan dahan akong lumapit sa ref habang iniisip ko kung anong ibig sabihin ng salitang iyon, dahan dahan akong kumuha ng makakain sa loob ng ref.

Agad akong umupo at kinain ang nakuha ko sa loob ng ref, para bang may isang mahika ang aking kinaing sandwich galing sa ref at nawala saking isipan ang aking kanina pang tinatanong.

Nang matapos kunang makain ang dalawang malalamig na sandwich galing sa ref, agad nakong kumilos, una ay niligpit ko ang aking hinigaan at pagkatapos nyon ay naligo.

Mga ilang minuto din akong naligo, nakasanayan kona kasing maligo ng matagal.

Pagkatapos na pagkatapos kong maligo ay agad nakong nagbihis, habang ako'y nagbibihis ay kinuha ko ang aking cellphone, mag se-seven na kaya pagkatapos kong magbihis ay agad nakong naglakad papuntang room namin.

Pagdating ko sa room, naabutan ko ang babaeng kasama ni Taylor Maxinne kahapon, ang hindi tumulong sa pagpapahirap sa babaeng taga ibang seksyon.

Pagkakita na pagkakita nya sakin, agad syang lumapit sakin.

"Queenie! Buti nandito kana! Ito oh, may itinabi ako sayong pagkain, nasan pala si Tiffany? kasi may itinabi din ako sa kanya eh." Mabait na wika nya sakin, na may kasamang matamis na ngiti.

Bigla akong nanibago sa kanya, napaka FC nya, pero mabuti nayon, keysa sa maging isa siya sa magiging kaaway ko.

May inabot sya saking pagkaing nasa styrofoam, agad ko naman itong inabot, at binigyan sya ng napakatamis na ngiti.

Biglang nalang bumuka ang aking bibig at tumanong sa kanya ng hindi inaasahan.

Ah, bakit ka pala nagpakain? Birthday moba?" Mabait na wika ko sa kanya. na may kasama ring matamis na ngiti.

"Queenie, Just call me Ashlyn."
Mahinahon nyang wika sakin.

Ashlyn pala ang ngalan nya.

"Ah hindi! Aalis na kasi ako, lilipat na ako ng ibang school, nakakapanghinayang nga eh kasi katatransfer nyo palang ni Tiffany lilipat na ako kaagad, kung di pa sana ako lilipat ngayon, baga maging close tayo balang araw!" Masiglang wika ni Ashlyn sakin, bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot.

"Sige Queenie, kumain kana, habang mainit pa ang pagkain." Mabait na wika ni Ashlyn sakin.
"Sige." Tipid kong sagot sa kanya na may kasamang matamis na ngiti.
Nakikita ko sa kanyang mata ang kabaitan nya, kaya pala kahapon, di sya tumutulong na mambully ng nakasagi kahapon kay Taylor Maxinne, napakabait nya pala.

"Ah Queenie, nakasabay moba si Max papunta dito?" Wika ni Ashlyn.
"Hindi Ashlyn, hindi ko sya nakasabay." Pangiting wika ko kay Ashlyn, nakikita ko sa kanyang mukha ang pagaalala.

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now