Chapter 5: Groupings

48 1 0
                                    

Chapter 5: Groupings

"The more you stare into the dark, the more you see something staring back at you"
-Lucy Jeans

--------------------------------------------------------x

TIFFANY'S POV

Pagkatapos na pagkatapos ng lunch break ay agad akong bumalik saming room, di kasi ako sanay malate or may mamiss na lessons ng mga subject teachers, pagkaapak na pagkaapak ko sa room namin ay agad humarang ang grupo ni Jayden sakin, nasa kaliwa nya ang mga basagulerong sina Axel, Arthuro, at Billy, nasa kanan naman si Taylor Maxinne, Allyson at Dwen.

"Ow look who's here, Ms. Transferee, Loser Transferee!" Panglalait na wika ni Taylor Maxinne sakin, agad akong napayuko, senyales na nasaktan ako sa kanyang mga sinabi.

"P-pwede na ba akong makadaan?" Utal utal kong wika habang nakaharap sa kanilang grupo.

"Sure, why not?" wika ni Allyson, napataas pa ito ng kilay habang nagaayos ng kanyang buhok, tumabi sila para ako'y makadaan, nang nakatabi na sila ay mabilis akong naglakad papasok ng room, ng hindi ko namalayang tinisod ako ng paa ni allyson, agad akong bumagsak.

"Oww, pasensyahan mo na ang paa ko ha, naninisod talaga yan ng loser, haha!" Patawad na wika ni allyson na may halong pangungutya, napatawa naman si Taylor Maxinne sa nangyari.

"So Tanga." Wika ni Taylor Maxinne habang mahinang tumatawa, agad naman akong tinulungan ni Laura tumayo.

Nang makatayo nako ay agad akong dumiretsyo sa aking silya, agad kong pinagpagan ang palda kong may dumi na, at ang aking bag.

QUEENIE'S POV

"Guys! Malapit na si Ma'am Helen!" Sigaw ni Axel, ang barkada ni Jayden, agad agad naman silang bumalik sa kani kanilang silya na parang walang nangyari, sa iksi palang ng pamamalagi ko dito ay napatunayan ko na silang mga plastic.

Inikot ko ang aking mga mata sa paligid, umagaw saking pansin ang lalaking may headset sa kanyang leeg, nakaraan ko pa syang napapansing tahimik at walang imik, wala siyang ginawa kundi gumuhit sa kanyang sketch book, nagulat ako ng may kumalabit saking balikat, agad akong napaharap.

"Uy, parang nahawakan ka yata ng multo, parang gulat na gulat ka? Nagugulat kaba sa taglay kong kagwapuhan?" wika ng lalaking disente ang mukha, wala lang man kahikaw hikaw sa kanyang tenga at ilong, naka army cut pa, bigla akong napatawa sa kanyang sinabi.

"Bakit ka natatawa? Natatawa kaba saking kagwapuhan Miss?" Tanong ulit ng lalaking napakadisente ang mukha.

"Nahihibang kaba? Wag mo ngakong kausapin." Sungit kong wika sa kanya, agad naman niyang nilapit ang kanyang mukha saking mukha.

"Di ka ba talaga nagwawapuhan saken ha?" Yabang nitong wika habang nakatitig sakin mga mata, agad naman akong napangiti dahil sa kakapalan ng kanyang mukha.

"Kinilig rin, haha confirm may gusto ka saken." Wika pa nito habang hinihimas ang kanyang malilit na balbas sa kanyang baba.

"Stop messing with me." wika ko sa kanya, agad ko namang syang tinulak palayo saking mukha.

"Pahawak hawak sa dibdib ko para makachansing yieeee" wika pa nito, agad ko namang nilakasan ang pagtulak sa kanya at tumagilid.

Ilang minuto ang lumipas ay pumasok narin ang AP teacher naming si Ma'am Helen, may nakasunod sa kanyang dalawang estudyanteng may dala dala ng mga libro sa Araling Panlipunan, agad itong nagpakilala at nagleksyon kaagad.

"Hi Section Unique! I'm Helen Marisse Lumayag, ang inyong magiging AP teacher sa Taong ito." Pagpapakilala ni Ma'am Helen sa amin.

Binigay na nya ang libro samin, dahil sa konti lang daw ang mga libro dahil itong libro daw ay sinauna pang AP book kaya napagpasyahan ni Ma'am Helen na dalawang tao nalang sa isang libro, napalingon ako saking katabi, bigla akong napayuko, dahil ang seatmate ko pala ay ang kaninang disenteng lalaking nagpipiling gwapo.

Agad nyang dinikit ang kanyang silya saking silya.

"Pinaglalapit talaga tayo ng tadhana" wika nito habang makapatay saking tumititig, agad naman akong sumagot sa walang kwenta nyang sinasabi.

"Well kung ganon, habang maaga pa pipigilan ko nayon." wika ko sa kanyang kasama ng mapangasar na ngiti.

"Well ako ang pipigil sa pagpipigil mo Ms. Carbonelle" wika nito na may kasamang napakatamis na ngiti at malamig na titig sakin.

Agad ko naman siyang dinedma at kinuha ang inaabot na libro ni Teacher Helen.

"Type mo ba yang si Kent ha? kanina ka pa dyan makatitig eh!" Pabulong na wika nito sakin, Kent pala ang ngalan ng tahimik na lalakeng naka headset at nagdadrawing sa kanyang sketch book.

Agad ko naman hinarap ang lalaking pilyong katabi ko at tinaasan ng kilay.

"Okay class, ibuklat ang inyong aklat sa pahina 176." wika ni Teacher Helen, agad ko namang binuklat ito sa pahina 176.

Nang nabuklat ko na ito ay bumungad sakin ang isang litrato, litrato ng masayang magbabarkada, di ko na ito tiningnang mabuti at inipit nalang sa aking notebook.

"Tahimik na basahin ang nilalaman ng pahina 176, at maya maya ay magkakaroon tayo ng isang aktibidades." Wika ni Teacher Helen.

"What kind of activity Teacher Helen?" Tanong ni Taylor Maxinne.

"Finding Snake Taylor, kung saan ikaw ang hahanapin." Sabat ni Ysabelle kay Taylor Maxinne, di naman nagpatalo si Taylor Maxinne.

"If that was the cast, that must be boring, we should play kill the sluts, inshort patayin ka." pananakot ni Taylor Maxinne kay Ysabelle.

"Pity on me Taylor, I'm so scared!" patawang wika ni Ysabelle kay Taylor Maxinne, napataas pa ito ng kilay.

"Class tama na." Mahinahong wika ni Teacher Helen.

"Kung tapos na kayong bumasa, simulan nyo na ang activity, group yourself into 15, dahil 45 kayo sa room nato, magkakaroon tayo ng tatlong group, ang gagawin nating activity ay pagsasadula, malaki ang nakasalalay sa grade nyo dito, kaya pagpraktisan nyo talaga ang pagsasadula nyong gagawin." Pagpapaliwanag ni Teacher Helen.

"Ms. Carbonelle? May kagrupo ka naba?" Tanong ni Laura sakin, ang President sa room nato.

"Wala pa." Maikli kong sagot.

"Pwede bang kagrupo ka nalang namin?" Wika nito, agad naman akong tumango sa kanya, wala naman akong ibang choices.

"Uy laura? Kumpleto naba kayo? Pasali rin!" Wika ng katabi kong feeling gwapo.

"Di pa naman, sige Prince kagrupo ka na namin." wika ni laura, prince pala ang pangalan ng katabi kong nagfefeeling gwapo.

Ilang minuto ang nakalipas ay nagdissmiss narin si Teacher Helen sa kanyang subject.

Agad kaming nagpractice nina Laura at ang iba ko pang ka grupo sa Gym para wala na kaming poproblemahin, hindi parin tumitigil ang kanina pang nangkukulit sakin na si Prince, buset.


------------------------------------------------------x

Author's Note:

-may duda ba kayo kung sino ang killer? just comment below.

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now