Chapter 8: Library Murder

37 1 0
                                    

Chapter 8: Library Murder

"Revenge is the key, Death is the punishment."
-Roy Walker.

-------------------------------------------------------x

JENNA'S POV

"Guys may balita na ba kay Dwen at Gaby?" Tanong ko kay Taylor Maxinne, Andrea at Allyson, nagmistulan silang bingi saking mga binanggit, minsan nga, pinagdududahan ko na sila, sunod sunod ang nawawala pero parang normal lang sa kanila, pero masama pagdudahan ang mga besfriends mo, mahirap paniwalaan.

Naputol ang aking pagmuni muni ng biglang napasalita si Allyson.

"Guys! Tingnan nyo oh, nakikita nyo ba yung library sa 4th floor? parang walang tao doon, i have a plan!" Wika ni Allyson, sa pagsasalita nya, kutob kong mapanganib na naman ang plano nya.

"Pasukin natin yan! Diba dyan nakatago yung diary ni Thea? Let----------------" putol na wika ni Allyson ng mag salita si Taylor Maxinne.

"Maghinay hinay ka nga dyan, baka may makarinig sayo! Ang tanga mo talaga kahit kailan!" Bulong na wika ni Taylor Maxinne.

"Papasukin natin? Pero parang creepy naman nyang library nayan, napakalaki at maraming pasikot sikot." Pagtutol ni Andrea sa plano ni Allyson, kita ko sa mata ni Andrea ang pagkatakot.

"Kung ayaw mo, edi wag, it's gonna be fun!" Supladang wika ni Allyson, agad naman niyang hinalungkat ang kanyang bag, at may nilabas na maliit na bagay.

"Taraaaaan!" Wika nya habang nilalabas ang maliit na bagay, isang susi.

"Ang galing mo talaga Ally! Kahit kailan!" Di makapaniwalang wika ni Taylor Maxinne, nagsimula na kaming maglakad papunta sa library ng 4th floor ng old building.

KILLER'S POV

"Exciting nga yung plano nyo! Humanda kayo, hahahaha!" Bulong ko saking sarili, habang nakatago sa malaking puno ng acacia.

Nang makita ko na silang papaalis, dahan dahan narin akong lumakad para sundan sila sa pupuntahan nilang impyerno, hahahaha, humanda sila, dahil sinusundan na sila ni kamatayan! Hahaha!

Habang ako'y dahan dahang umaakyat sa hagdanan ng old building, naalala ko ang sinabi kanina ni Allyson, "Diary ni Thea?" Ano naman ang gagawin nila doon? Mga hangal talaga.

Nang makarating na sila sa 4th floor ng old building, dali dali silang tumakbo papuntang library, ang pinakamalawak na library dito sa buong Hillton, dahil ang library nato ay kasing laki ng 5 o 6 na classroom, dahil nandito na lahat, ang mga files ng mga guro, sinaunang records ng unang estudyante dito sa Hillton Academy at iba pa.

Nang makita kong nabuksan na nila ang library, dali dali ko itong tinungo nago tumiklop, mga bobo talaga, di pa talaga tiniklop.

ANDREA'S POV

Nang makapasok na kami ng library ay bumungad ka agad samin ang kadiliman, kaya agad naming kinuha ang aming mga cellphone, at binuksan ang flashlight nito, sa sobrang lawak nito, mahihirpan kami hanapin ang gusto nilang hanapin.

"Guys, mag hiwalay hiwalay kaya tayo para mahanap natin kaagad yon?" Wika ni Allyson, agad naman akong nagpahayag ng aking saloobin.

"P-pero bakit ba talaga natin yon hahanapin? Ano bang plano nyo don?" Wika ko, agad naman tumaas ang kilay ni Allyson saking mga sinambit.

"Watch and learn Andrea, di ka naman namin pinipilit na sumama, mas mabuti pa nga na dito kalang sa pinto banda, magbantay kung may paparating na tao, sa panahon ngayon Andrea, di makakatulong yung pagiging matakutin mo, yan pa ang magpapahamak sayo." Wika ni Allyson, agad naman akong nagsalita.

"Mas mabuti pa ngang dito nalang ako magbantay, para malaman natin kung may paparating o wala." Mahinahon kong wika kay Allyson, agad naman silang umalis para agad na mahanap ang diary ni Thea.

Napaupo ako sa upuan ng librarian, nang umagaw sakin ng pansin ang pugot na ulo ng isang usa, gawa sa kahoy, at nakasabit sa maiksing bakal.

Bumalik ang aking atensyon sa pintuan ng bigla itong bumukas, na parang may pumasok, agad ko itong sinilip, wala naman tao, sinubukan kong lumabas, napakatahimik ng lugar nato, agad akong bumalik sa loob.

Pagkapasok na pagkapasok ko, nakita ko ang taong nakamaska ng pusa, bigla akong nagulat, nagulat ako ng ilabas nya ang tinago nyang dos por dos sa kanyang likod, napagpasyahan kong tumakbo pero huli na ang lahat, naramdaman ko ang malakas na pagdampi ng dos por dos saking ulo, bigla akong napatumba, nanlabo ang aking paningin, at biglang nawalan ng malay.

KILLER'S POV

"Oww kawawang Andrea!" Natatawa kong bulong sa aking sarili, agad kong hinila ang walang malay na katawan ni Andrea, hinila ko ito sa napakadilim na kwarto para walang makakita sa kanya, naramdaman kong papalabas na ang tatlo nya pang kasama.

"Nakuha mo ba?" Tanong ng nakasalapid na babae, namukaan ko ito, si Taylor Maxinne.

"I found it!" wika naman ng babaeng may bangs, si Allyson.

"Umalis na tayo dito, t-teka? Nasan si Andrea?" Tanong ng babaeng naka hairbond, si Jenna.

"Sigurado akong nauna na yon, sa sobrang takutan nyon, di nya matitiis ang kadiliman, kaya tara na, baka maabutan tayo dito ng librarian!" wika ni Allyson, agad naman sumangayon si Jenna at Taylor Maxinne, at agad umalis.

Pagalis na pagalis nila, agad kong sinimulan ang aking plano, agad kong nilabas ang kitchen knife at tupper ware na lalagyan ko ng aking koleksyon.

Sinimulan ko ang kanyang leeg, agad kong tinaga ang kanyang leeg, agad namang tumalsik sakin ang malapot ang mapula nyang dugo, binilisan ko pa ang pag chop chop sa kanyang leeg, nahirapan ako sa kanyang buto, ang buto sa kanyang leeg, kaya pinuwersa ko ang kutsilyo, nilakasan ko ang pagchop chop, nang maputol na ito, agad namang umawas ang malapot nyang dugo.

Nagisip ako ng magandang paraan sa paggamit sa kanyang ulo, nilibot ko ang aking mata, nakita ko ang pugot na ulo ng usa na gawa sa kahoy, kaya agad ko itong inakyat, madali ko lang ito natanggal dahil hindi naman nila inayos lagay ang disenyong ito.

Nang mababa ko na ang ulo ng usa, agad kong pinutol ang dalawang sungay nito, kinuha ko ang martilyo at isang malaking pako saking bag, agad kong tinutok ang malaking pako sa kanyang ulo, at agad minartilyo ito, naglikha ito ng malaking butas na kakasya sa kahoy na sungay ng usa, agad kong tinusok sa butas ng kanyang ulo ang kahoy na sungay, nang diniin ko ito, agad agarang lumabas ang malapot nyang dugo, lumipat nako sa kabila nang kanyang ulo, katulad ng ginawa ko sa una, minartilyo ko rin ang kaliwang ulo gamit ng malaking pako, at naglikha din ito ng butas, agad agad ko ring tinusok ang kahoy na sungay sa kabila ng kanyang ulo.

Nang matapos ko nang lagyan ng sungay ang pugot na ulo ni Andrea, agad ko itong pinalit sa nakasabit na pugot na ulo ng usa na gawa sa kahoy kanina, bago ko ito nalagay, tinanggal ko muna ang kanyang dalawang mabibilog na mata at nilagay sa tupper ware.

At ang pugot na ulo ng usa na gawa sa kahoy ay ipinalit ko sa pugot na ulong katawan ni Andrea, nagmistulan syang taong usa, hahaha, nakakatawa.

Paalis na sana ako ng maramdaman kong mag bumubukas ng pintuan ng library, agad akong pumunta sa tabi ng pinto at kinuha ang dos por dos na kahoy, nang nabuksan na ang library, nakita ko na ang papasok, ang librarian, bago pa ito nakapasok ay agad ko itong hinampas, at biglang natumba.

Gumawa ng bagong plano ang aking isipan, papalabasin kong killer ang librarian.

Agad kong binuhat ang walang malay na katawan ng librarian at pinaupo sa kanyang desk, agad kong pinunasan ng dugo ang kanyang puting uniform, pinuno ko ito ng dugo para siya talaga ang mapagbintangan sa nangyari, agad kong ipinahawak sa kanya ang kitchen knife at nilagay ang martilyo at malaking pako sa kanyang desk, pinatong ko ang dos por dos sa paahan ng kanyang lamesa.

Paalis na sana ako ng bigla kong naalala ang death list kong ginawa, agad ko itong ipinahawak sa kaliwa nyang kamay, pinatong ko ang mga kamay nya na may hawak ng death list at kitchen knife sa desk para di ito mahulog, goodluck sayo librarian!

Agad kong nilagay ang tupper ware saking bag na may lamang dalawang mabibilog na mata ni Andrea.

--------------------------------------------------------x

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now