Chapter 10: Blender

32 1 0
                                    

Chapter 10: Blender

"Don't find your death, let the death finds you."
-LawrenceJune

--------------------------------------------------------x

SAMANTHA'S POV

"Uy? Naaadik ka na yata dyan sa cellphone mo ah, kainin mo na pizza na inorder mo para makaalis na tayo dito." Pangungulit ni Apple sakin, agad ko munang tinigil ang paggamit ng aking cellphone at inilagay sa loob ng aking bag.

"Oh? Ikaw? Papanoodin mo lang ba ako kumain ng pizza? Umorder kana!" wika ko kay apple, agad naman sumabat si apple.

"Hoy tapos nako kanina pa, naubos ko na yung milktea ko, antagal mo talagang kumilos samantha, bilisan mo babalik pa tayo sa room!" Wika ni Apple, agad ko namang binilisan ang pagkain ng pizza na inorder ko, nang matapos na ako agad tumayo si apple.

"Apple ikaw nalang bumalik sa room ha, susunduin kasi ako ng boyfriend ko." wika ko kay Apple, agad naman ito pumayag, agad syang nagmadali pumunta sa room.

Agad akong lumabas ng canteen, habang naglalakad ako, naramdaman ko ang pagpatak ng ambon, agad kong kinuha ang aking payong at tumakbo papunta sa gate.

Nang nakapunta nako sa gate, agad ako nagpaalam sa guard para lumabas, nahirapan ako doon pero pumayag naman ito katagalan, kala mo naman sa kanila tong school, tsss.

Agad akong umabang sa labas sa pagdating ni alvin, habang nagaabang ako, nakita ko ang kotse na nakaparada sa harap ng lumang pensionadong bahay, napakaluma na nito at sigurado akong malamok na sa loob ng lumang pension house nayan.

Umagaw saking pansin ang nakatiklop na pintuan ng lumang pension house, agad akong tumakbo sa kotse ni alvin, baka kanina pa sya naghihintay, sinilip ko ang loob ng kotse, bakit wala si alvin dito? nabuong tanong saking isipan.

agad namang bumagsak ang malakas na ulan, kaya agad akong nagpasilong sa lumang pension house, napagpasyahan kong pumasok, nakatiklop naman ang pintuan nito kaya sinamantala kona ang pagkakataon, kaysa naman mabasa ako sa ulan, napakalakas ng ulan, agad kong tiniklop ang aking payong at iniwan sa labas ng lumang pension house, dahan dahan akong pumasok sa loob, napakadilim dito, umagaw saking pansin ang isang kwartong nakatiklop, nakita kong may liwanag dito, agad akong lumakad papunta doon, nang nasa harap nako ng nakatiklop na pintuan, agad ko itong binuksan, agad bumungad sakin ang napakalaking kusina at napakaliwanag, marami nang sapot ito pero napakarami nitong gamit pangkusina, umagaw saking pansin ang tatlong blender na may laman, dahil transparent ang blender nato, nakita ko ang pulang bagay na nakalagay dito, agad akong pumunta doon para tingnan ang laman ng mga blender.

KILLER'S POV

Nang natapos nakong humugas ng aking duguang kamay dahil sa napakalapot ang mapupulang dugo ni alvin, ang boyfriend ni Samantha, agad kong binalikan ang kusina, nakita kong nakabukas na ang pintuan, bumungad sakin ang babaeng kulot ang buhok, si samantha, lumalapit sya sa mga blender, hala sige, tingnan mo ang mga bituka ng boyfriend mo sa mga blender, hahahhaha

Agad akong lumakad papalapit sa kanya, tinago ko ang kutsilyo na hawak ko sa aking likod, bigla siyang sumigaw, nakita na nya siguro ang laman ng mga blender, hahahahaha
Agad akong tumakbo habang sumisigaw pa sya sa takot, at agad kong tinutok ang dulo ng kutsilyo sa kanyang likod.

"Bagay nga talaga kayo ni Alvin, mga Tanga!" sigaw ko, agad naman itong lumingon paharap sakin, natusok ang dulo ng kutsilyo sa kanyang braso dahil sa kanyang paglingon patalikod.

Agad naman sumigaw ang gaga, wala ring makakarinig sa gagang yan, anglakas lakas ng ulan at nasa loob sya ng kulob na kusina.

Agad ko syang tinulak papuntang stove, sinusubukan ko parin syang saksakin pero nakakailag sya, ng makarating na sya sa harap ng stove ay agad kong sinaksak ang saksakan nito sa bakanteng saksakan.

"Ba-bakit mo ba to ginagawa? Ano bang kasalanan namin sayo!" Sigaw ni Samantha sakin, agad ko naman sinagot ang walang kwenta nyang tanong.

"Because it's fun! at tsaka malaki ang kasalanan sakin ng magaaral ng Unique Section, tama lang kayo mamatay lahat! hahahaha at ikaw na ang susunod! Ikaw na!" Mapangahas kong pananakot kay samantha, agad naman itong humanap ng ipapangdipensa nya sakin.

Agad nyang kinuha ang kawali sa kanyang likoran, habang abala sya dito, agad kong i-non ang stove, at agad naman itong gumana, bago nya pa naabot ang kawali ay agad kong hinila ang kaliwa nyang kamay papunta sa bumabagang stove, agad ko itong diniin, napasigaw si samantha sa sakit, di ko napansing nakuha na nya ang kawali, agad nya itong hinampas saking ulo, agad nyang kinuha ang kamay nya sa stove, tumikit ang balat nya sa stove, nang hinila na nya ang kanyang kamay, naiwan ang balat ng palad nya sa maiinit na stove, napasigaw uli ito sa sakit, tatakbo na sana sya ng bigla kong hinawakan ang kanyang paa, agad syang nadapa at nabitawan ang kawaling hawak hawak nya, agad kong hinila ang saksakan ng blender at tinusok ang dalawang matutulis na saksakan ng blender sa kanyang mata, agad ko itong binaon.

Napaluha ang kaliwa nyang mata ng diniin ko pa ang pagsaksak ng dalawang matutulis na saksakan ng blender sa kanyang kanan na mata, agad pinigilan ng kanan nyang kamay sa pagdiin ko sa saksakan ng blender sa kanyang mata, pinuwersa nya ito at nakabitaw ako sa hawak hawak kong saksakan, nakita ko ang blender na papahulog at nakaisip kaagad ako ng magandang plano.

Agad kong kinuha ang blender at binuhos ang laman nito sa isa pang blender, agad akong lumapit kay samantha dala dala ang hawak kong blender, agad agad kong binasag ang babasaging parte ng blender sa kanyang ulo, agad syang nanghina saking ginawa, nang makita ko na ang elesi ng blender, agad kong sinaksak sa taas ng ulo ni samantha ang blender pabaliktad, diniin ko pa ang basag na blender sa kanyang ulo hanggang marating ng elesi ng blender ang kanyang ulo, ng marating na ng elesi ng blender ang ulo ni samantha, dali dali kong sinaksak ang saksakan ng blender sa isa pang bakanteng saksakan, agad namang umikot ang elesi ng blender sa ulo ni samantha, agad tumirik ang mata ni samantha dahil sa unti unting pagbutas ng elesi ng blender sa kanyang ulo, agad naman tumatalsik ang napakalapot ang pulang pulang dugo ni samantha galing sa kanyang ulo.

Ilang minuto ang nakalipas ay tuluyan na ngang nabutas ng elesi ng blender ang ulo ni samantha, agad naman nawalan na ng malay si samantha.

Nang nakita kong patay na at di na humihinga si samantha, agad kong binunot ang saksakan ng blender sa saksakan at tinanggal ang basag na blender sa ulo ni samantha, sinilip ko ang nagawang butas ng elesi sa kanyag ulo, napakalaki ng butas na nagawa ng elesi ng blender, halos makita na ang maliliit na ugat ng utak ni samantha at tumatalsik parin ang malapot na dugo ni samantha.

Agad akong naglinis ng sarili sa gripo at agad namang nilisan ang kusina sa lumang pension house sa harap ng Hillton Academy, hinintay ko munang tumila ang ulan bago ako umalis.

------------------------------------------------------x

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now