Chapter 11: Escape
"Rats are food of cats, sometimes rats is poisonous, that's why sometimes rats win and Cats loose."
-The Book of Veil (2003)-------------------------------------------------------x
KILLER'S POV
Nang tumila na ang ulan ay agad akong nagdahandahan naglakad papunta sa gate ng Hillton Academy, kinuha ko muna ang aking baril sa aking kotse, nang makuha ko na ito, napansin kong nakalabas at papaalis ang Council's car, nakita kong sinakay dito si Ms. Librarian, sigurado akong dadalhin nato sa Mental Hospital, hay, kawawang tigwang! Hahahahaha.
Nang papaalis nato, para bang may umutos saking sundan ko ito kaya agad agad ko itong sinundan, habang nagdidrive ako, nakaisip ako ng magandang paraan, tiningnan ko ang aking relo, mag la-last period na, it means na malapit nang kumilimlim, napangiti ako ng hindi ko alam ang dahilan.
Makalipas ang ilang mga minuto, patuloy ko paring sinusundan ang council's car na pagdadalhan kay Ms. Librarian sa Mental Hospital kahit makulimlim na, ng mapansin kong dadaan na ito sa liblib na lugar, agad kong binilisan ang aking pagpapaandar hanggang sa maunahan ko na ang council's car, nang makahanap ako ng tyempo, agad akong nag break, sa ginawa kong break ay nabunggo ang council's car sa likod ng aking kotse.
Agad akong bumaba para tingnan ang sitwasyon, nakita ko ang dalawang gwardya sa unahang upuan at si Ms. Librarian sa likod na upuan, walang malay ang dalawang gwardya at may sugat sa ulo ang isa sa kanila samantalang si Ms. Librarian naman ay magkakaroon na ng malay, pabangon na sya, agad kong binuksan ang pintuan ng kotse, dinukot ko ang panyo na may pampahilo at itinakip sa ilong ni Ms. Librarian, agad naman ito natablahan ng hilo, kaya nadalian ako saking plano, binuhat ko ang mabigat na si Ms. Librarian, nang mapunta ko na sya saking kotse, agad kong kinuha ang electrical tape at mga lubid, agad kong ginapos si Ms. Librarian, at dinikitan ng electrical tape ang kanyang bibig, nang matapos nako ay agad akong pumunta sa dalawang gwardyang walang malay.
Palalabasin kong pinatay ni Ms. Librarian ang dalawang gwardya nato, at palalabasin ko ring nakatakas sya sa mga gwardya at pagala gala na, isang pagala galang killer, hahahahaha sorry Ms. Librarian pero huli na ang lahat, kasali ka na sa laro ng Unique Section, hahahahahaha!
Agad kong kinuha ang kutsilyo sa toolbox ng aking kotse, nang makuha ko na ito ay agad akong pumunta sa dalawang walang malay na gwardya, agaran kong ginilitan ng leeg ang unang gwardya, agad naman lumabas ang malapot lapot na dugo nito pero sa paningin ko di na ito malasa, dahil sa katandaan ng gwardya, nang matapos nyon ay agad kong tinadtad ng saksak ang mala buntis nitong tiyan, napakalaki ng kanyang tiyan, sunod sunod kong sinaksak ang malaki nyang tyan hanggang bumuo ito ng napakalaking butas, agad kong dinukot ang madulas nyang bituka, nang madukot ko na ito, agad kong hinugot ito at nilabas.
Nang masawa nakong paglaruan ang unang gwardya ay lumipat ako sa pangalawang gwardya, ang driver, agad ko rin itong ginilitan ng leeg, habang ginigilitan ko ang pangalawang gwardya ay may narinig akong kakaiba, parang isang motor na paparating, agad kong kinuha ang gitara saking kotse, at umabang sa harap ng aking kotse, ng maramdaman kong papalapit na ang motor ay agad kong hinampas ang driver nito, nang malakas ko itong nahampas ay agad natumba ang motor, hindi lang pala nagiisa ang naka motor, dahil may nakaangkas pa pala na babae sa likod nito, nakita kong naipit ng motor ang babaeng angkas ng lalaking nag dadrive ng motor samantalang tumalbog naman ang katawan ng lalaking driver sa damohan.
Agad naagaw ang aking atensyon sa babaeng naipit ng motor, sumisigaw ito ng tulong habang umiiyak, nang maingayan ako sa babae ay agad kong hinampas ng gitara ang kanyang ulo, agad naman ito nawalan ng malay, di pa ako nakuntento, hinampas ko pa ng maraming beses ang babaeng naipit ng motor sa kanyang ulo, di ako tumigil hanggang sa mawasak ang ulo nito kaya binilisan ko pa ang paghampas ng gitara sa kanyang ulo, nang mapansin kong umaawas na ang dugo ng babaeng naipit ng motor ay agad nakong tumigil, napansin ko rin na di na ito humihinga kaya tinigilan ko na ang babaeng naipit ng motor.
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Mystery / ThrillerQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.