Chapter 25: Amanda

15 1 0
                                    

Chapter 25: Amanda.

"Queenie, The Valiant."

--------------------------------------------------------x

APPLE'S POV

AYOKONG Tumambay sa room kaya lumabas muna ako ng room at dumiretso sa cafeteria, tutal wala naman klase, palagi nalang.

Naalala ko tuloy si Samantha, kami ang huling magkasama bago sya nawala, nasan na kaya sya? Buhay pa ba sya o patay? Tanong na di ko masasagot kailanman.

Agad akong umorder sa kahera ng Cafeteria, wala masyadong tao sa cafeteria at mabibilang ko lang saking kamay ang tao dito.

"Isang milktea nga po, at isang gravy with spaghetti." Order ko sa kahera ng Cafeteria, agad niyang nilista ang aking mga order, habang tinitingnan ko sya ay may napansin ako sa kanya.

"Amanda?" Bulong ko saking sarili, amanda pala ang ngalan nya.

Nang makita ko iyon sa maliit nyang nametag ay agad sumagi saking isip ang ngalang amanda.

Si Amanda, ang nagiisang kapatid ni Thea, Thea Aquino, ang matalik kong kaibigan.

Starting of flashback------------x

Habang kami'y nagrereview ni Thea, agad siyang may naalalang importanteng tao sa kanyang buhay.

"Miss ko na si Amanda." Wika ni Thea.

"Amanda?" Tanong ko sa kanya, agad naman itong napasagot sa pagtataka kong tanong.

"Kapatid ko." Napatigil ako sa pagrereview nang bigla nyang sinambit iyon.

"Meron kang kapatid?" Tanong ko dito

"Nagiisang kapatid." Sagot niya, napatanong naman ako uli.

"Nasan pala sya?" Tanong ko, sa mga mata nya ay kitang kita ko ang pang uulila nya sa kanyang kapatid.

"Baka pag sinabi ko kung nasan sya, layuan mo nako." Wika ni Thea, napaharap ako sa kanya at agad napangiti.

"Bakit naman kita lalayuan? Ano kaba!" Biro ko dito, agad naman naging seryoso ang kanyang mukha.

"Nasa Ospital." Wika nito, napatigil ako ng bigla nyang sinambit iyon.

"Ospital? Kelan pa?" Pagaalala kong wika, agad naman siyang napasagot.

"3 years na." Wika nito, nagulat ako sa kanyang sinabi, akala ko nung una ay nagbibiro lang ito pero lahat ng kanyang sinambit ay pawang katotohanan pala.

"A-anong sakit? Malala ba?" Utal kong tanong kay Thea, bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot.

"Malala." Tanging tugon nito sa mga katanungan ko.

Nagkaroon tuloy ako ng interes sa buhay nya, marami pakong di alam tungkol sa kanya.

"Anong sakit Thea?" Tanong ko dito, napasagot naman agad ito.

"Sakit sa utak." Nang marinig ko ang tugon nito ay nagkaroon ng palaisipan saking pagiisip.

"Cancer sa isip?" Pagtatakang tanong ko kay Thea.

"Hindi." Tanging tugon nito, marami tuloy nabuong tanong saking isip.

"E ano?" Tanong ko dito, agad naman siyang napasagot.

"Sakit sa utak....... baliw." Tugon nito, bigla naman akong nagulat sa kanyang mga sinambit.

"Ba-baliw" Utal kong wika kay Thea.

"Ano? Lalayuan mo naba ako?" Wika ni Thea, napailing naman ang aking ulo sa kanyang sinabi.

"Syempre hindi! Diba bestfriends forever tayo?" Masayang wika ko dito, napangiti naman si Thea saking sinambit.

"Talaga?" Ngiting wika nito.

"Syempre!" Wika ko, napayakap naman ako kay Thea at katulad ng kanyang sinabi, ang sikreto nya ay magiging sikreto korin panghabang buhay.

-------------------x

"Exited nakong makita ang kapatid mo!" Masaya kong wika, bibisitahin kasi namin ang nagiisang kapatid ni Thea, si Amanda.

"Nasan nga uli yon?" Tanong ko kay Thea, agad naman siyang rumesponde saking tanong.

"Josefine Hospital, este Josephine Mental Hospital." Wika sakin ni Thea, agad naman akong na exite, sigurado akong magkamukhang magkamukha sila, pareha silang maganda.

Agad kaming sumakay ni Thea sa kanilang service, at agad tumungo papuntang Josephine Mental Hospital, kung saan nandon ang kapatid ni Thea na si Amanda.

Umabot ang byahe ng limang oras sa layo ng Josephine Mental Hospital, nang makarating kami ay agad kaming bumaba ni Thea.

Napakalaki ng Mental Hospital nato, kita ko sa mata ni Thea ang kasayahan dahil sa aming pagbisita sa kanyang minamahal at nagiisang kapatid.

"Diba sinabi mo nakaraan na namimiss mo na si Amanda, ito na yun, makikita mo na sya."  Pagpapalakas ng loob kong wika kay Thea, agad itong huminga ng malalim at agad naglakad paakyat ng Josephine Mental Hospital.

Pagpasok namin ng Josephine Mental Hospital ay bumungad samin ang ingay ng mga pasyente dito, inikot ko ang aking mga mata, nakita ko ang mga babaeng nakakadena at nagwawala.

"Parating na siya HAHAHAHA!" Paulit ulit na sigaw ng matandang baliw na nakakadena.

"Baby diba susunduin mo pako dito, yehey!" Ingay naman ng isang dalagang baliw na gulong gulo ang buhok, may hawak itong teddy bear at laruang cellphone, kausap nya ang laruang telepono.

"Row row row your boat gently down the street, merrilyn, merrilyn, merrilyn, merrilyn life is but a dream, HAHAHA!" Kanta ng baliw na babae habang nakasakay sa duyang gawa sa kumot, paulit ulit niyang kinakanta ito habang tumatawa.

Sinundan ko lang si Thea hanggang sa may nakasalubong syang doctora.

"Hi doctora! Nasan po yung kapatid ko? Si Amanda Aquino?" Tanong ni Thea sa doctorang may salamin at nakapusod ang buhok, matanda na ito at kunot na ang balat.

"Oww Ms. Thea Aquino, nasa Room 64 ang kapatid nyong si Amanda Aquino." Wika ng Doctora, agad naman nagpasalamat si Thea at agad hinanap ang Room 64, sa kilos nya ay gustong gusto na nya talagang makita ang kanyang kapatid.

Nang mahanap na nya ito ay agad niyang binuksan ang rehas na parang kulungan nila, agad pumasok si Thea sa loob, sumunod narin ako.

Nakita ko ang babaeng napakaganda, nakaupo lang ito sa kanyang kama at nakakadena sa kamay.

"Siya naba yan Thea?" Bulong kong tanong kay Thea, agad naman itong tumango.

"A-amanda?" Utal na tawag ni Thea sa babaeng nakaupo sa kama.

"Ate! Buti andito kana!" Wika ng Amanda sa kanyang Ate na si Thea.

"Diba nangako ako sayo, bibisitahin kita!" Masayang wika ni Thea sa kanyang kapatid na si Amanda.

Mala anghel ang mukha nito at napakaamo.

"Ano ate? Malalabas nyo naba ako dito?" Mahinahong wika ni Amanda sa kanyang ate, "At ate? Sino sya?" Tanong nito ng makita nya ako.

"Malapit kanang makalabas Amanda, basta magpakabait kalang dito, promise mo yan kay ate ah? Siya pala si Apple, bestfriend ko." Wika ni Thea, agad naman akong ngumiti kay Amanda.

"Ate Kailan kaya ako makakaaral sa Hillton Academy?" Tanong ni Amanda sa kanyang ate.

"Malapit na Amanda." Tanging tugon ni Thea sa kanyang kapatid.

Nagyakapan naman sila, kita ko sa kanilang mga mata ang pagmamahal sa isa't isa.

Napakaswerte ni Thea dahil may kapatid pa sya, samantalang ako, namatay, namatay dahil sakin.

Naiinggit ako habang pinagmamasdan ko sila, puno sila ng pagmamahal, pagmamahal sa isa't isa.

Sana mabalik ko ang dati, ang dating dapat natama ko pa, dapat di ko nagawa iyon, kung di ko sana iyon nagawi ay buhay at masaya siguro kami ng pamilya at kapatid ko.

Kasalanan ko ang lahat, ba't kasi ang tanga tanga ko.

End of flashback-----------------x

--------------------------------------------------------x

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now