Kung may babaguhin ka sa buhay mo , ano yun? At bakit? Siguro ako kung meron man, siguro yun yung araw na natutunan ko siyang mahalin kasi ang sakit niya pa lang mahalin, ang sakit pa lang mahalin ang bestfriend mo
' Amadeus!" Tawag ko sa bestfriend ko na ngayon ay nakatulala "Hoy! Ano-- Bakit ka ba nakatulala jan?!"
"Wala naman, naisip ko lang , bakit kaya ang pogi ko?" Tumawa siya
Ayy ang hangin talaga neto
"May bagyo ba? Para kasing meron eh. Ang hangin kasi dito." Sabi ko saka tumawa, narinig ko ring tumawa siya ng mahina
"Sus! Bakit di mo na lang aminin na nagwa-gwapuhan ka sakin? Ha? Sofia?"
Luh?
"Dos, pagsabihan mo nga yang kapatid mo na itiigil na ang pagdadrugs, grabe na siya eh. Nalulong na ata." Natatawang sabi ko.
"Drugs? Baka ikaw ang nagdudrugs. Di mo makita yung ka-gwapuhan ko eh." Tss pero tama naman siya , gwapo talaga ito. Mapupungay ang pares ng kulay brown nitong mga mata. Matangos ang ilong tapos may mapupulang labi pero over confidence eh at mahangin siya eh kaya kailangan ko nang putulin ang kahanginan
"Sure ba talaga kayo na mag-bestfriend lang kayo?" Tanong ni Dos na kinagulat ko
"Huh? A-anong-- Oo naman." Sabay naning turan sa tanong ng kapatid niya
Actually hindi totoo ang sagot ko dahil sa totoo lang , gusto ko talaga siya. Di ko alam kung saan, paano, o kailan. Gumising na lang ako isang araw na siya na ang tumatakbo sa isip ko at laman ng puso ko , cringe man pakinggan pero yun ang nangyari at kung tatanungin niyo ako sa tingin ko naman may pag-asa ako. Sa tingin ko may kunting pagtingin din siya sa'kin because of his action and words.
"Ahh okay, sabi niyo eh" Sabi ni Dos at nag smirk. "By the way I need to go, may class pa ako eh. Maiwan ko na kayo dito." Tumayo na siya at naglakad palayo.
Naiwan na nga kaming dalawa ni Amadeus na nakaupo sa cafeteria. Tahimik at walang kumikibo.
"Ahm so? Ano?" Basag ko sa katahimikan at tumingin sa kanya
"Ano?"
"Ano kasi may s--" Naputol ang sasabihin ko nang bigla na lang niyang ihinarang ang isa niyang daliri sa bibig ko
"Shhh, alam ko na ang sasabihin mo."
"Ano?"
"Ang pogi ko."
"Yuck, dun ka na nga." Sabay palo sa braso niya. Tumawa lang ito ng mahina at ginulo ang buhok ko.
Isang linggo na ang nakalipas at nandito ako sa bahay nila ngayon,wala lang bumisita lang ako sa kanila. Andito pala yung kuya niyang si Azrael kasama ang girlfriend niyang naglalampungan sa harap namin. Habang si Dos naman ay nasa kwarto, nag-aaral "daw"
"Tingin mo, ano kayang feeling ng ma-in love?" Biglang tanong niya sa'kin
"Siguro... masaya" Sagot ko naman
"Have you ever been in love with someone?"
'Oo, sayo.' Sagot ng isip ko.
"Hmmm, hindi ko alam." Sabi ko na lang
"Bakit hindi mo alam?"
"Kasi hindi ko alam kung kaibigan lang ba talaga o in love na ako sa kanya." Sabi ko sabay lingon sa kanya.
Di ko alam kung anong gagawin niya pag nalaman niyang gusto ko siya, I mean, liligawan niya kaya ako at kaya niya tinatanong sakin to? Eh kung ganun sana, wag na niyang pataggalin ang pag-amin o sana ako rin ang gusto niya. Sana kung may aaminan man siya ng naramdaman niya,sana ako rin yun.
