Chapter 26: Scorpion

16 1 0
                                    

Chapter 26: Scorpions

"There are two kinds of people in this world, son. Those who save lives, and those who take lives."
-Brandon Lee

------------------------------------------------------x

KILLER'S POV

Malapit nang mag lunch break pero wala paring klase, habang nakaupo saking upuan ay umagaw saking pansin ang nasa harapan kong kaklase na si Arthuro, may kausap ito sa telepono.

"Babe? Ano? Walang tao sa bahay mamaya, ano? Dun tayo lunch?" Wika nito habang may kausap sa telepono, sa tinig at pananalita nito, sigurado akong girlfriend nya ang kanyang kausap sa telepono.

Napatawa ako sa aking isip, hahaha mga tanga.

Nang biglang mag bell, agad akong lumabas dala dala ang aking bag at susi ng aking kotse, kasabay kong lumabas si Arthuro.

Tahimik akong sumabay sa lakad nya habang siya naman ay may kausap sa telepono.

"Babe sunduin nalang kita sa room nyo? okay lang ba?" Tanong ni Arthuro sa telepono, para syang tanga sa lakas ng kanyang boses, parang baliw.

Agad akong lumiko pa kanan at sya naman ay kumaliwa, wala naman akong pake sa kanya at sa wala nyang kwentang shota.

Agad akong dumiretso saking kotse, nang makasakay nako dito ay agad ko itong pinainit, habang pinapainit ko ang kotse ay bigla kong napansin si Arthuro na may kasamang babae, sigurado akong yun ang shota nya.

Nang makita ko ang mukha ng babae, labis akong napuot, sya ang taga kabilang section, Section Cherish, si Kenia, ang pinakamayabang sa Section Cherish.

Habang pinagmamasdan ko ang mukha ng Kenia nayan ay lalo akong naiinis.

Nang sumakay na ito sa kotse ni Arthuro ay bigla kong naalala ang sinambit ni Arthuro kanina.

"Babe walang tao sa bahay." Naalala kong nasambit ni Arthuro sa Room.

Sa naalala ko ay nakaisip ako ng maganda at madugong plano.

Nang mapaandar na ni Arthuro ang kanyang kotse ay agad ko naring pinaandar ang sakin, balak ko sa kanila ipalasap ang kani kanilang malalapot na dugo, hahaha.

Habang nagdidrive ako ng aking kotse ay tuloy parin ang pagsunod ko sa kotse ni Arthuro, ang tanga talaga, di parin nakahalata.

Agad kong kinuha ang blood juice na aking baon saking bag habang nagdidrive, sa ininom kong blood juice ay mas lalo akong naging malakas at masigla.

Kasalukuyan ko parin sinusundan ang magsyotang si Arthuro at Kenia sa kanilang pupuntahan.

Sigurado akong magiging masaya ang araw nato.

Nang dumahan dahan na ng paandar si Arthuro ay bigla nakong naganahan.

Malapit na sya sa bahay nya, hinanda ko na ang laman ng bag ko, dalawang kutsilyo, malaking garapon ng mga matang naipon ko sa pagpatay at imbudo, baka sakaling magamit ko ito kaya dinala ko narin ito.

Nang huminto na si Arthuro ay agad na akong huminto kahit malayo palang, para di sila makakutob at magduda.

Agad silang bumaba kasama ng Girlfriend nya, malaki din pala ang bahay nila Arthuro, malaki ang gate nito at malawak pa.

Nang makapasok na sila ay agad nakong bumaba kasama ng aking bag na may laman ng mga gamit pangpatay.

Nang nasa harap nako ng gate ay humanap agad ako ng maaakyatan para makapasok, nakita ko ang sementong bakod na may katamtamang taas lang.

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now