Chapter 27: Investigation

17 1 0
                                    

Chapter 27: Investigation

"Confession is nephew of weakness."
-LawrenceThePsycho

--------------------------------------------------------x

QUEENIE'S POV

Handa na ang lahat, papaalis na sana ako papunta saming room ng mapansin ko ang naiwan kong notebook sa AP, agad ko itong kinuha sa mesa dahil naalala kong meron kaming klase kay Ma'am Helen.

Nang makuha ko na ito ay agad ko itong isinuksok saking bag, pero bago ko pa ito naisuksok ay may napansin akong isang manipis na bagay na nahulog mula saking AP na notebook.

Nang mapasok ko na ang AP notebook ko ay saka ko kinuha ang manipis na bagay na nahulog kanina.

Nang makita ko na ito ay agad ko itong dinampot, isa pala itong lirato, lumang litrato.

Agad ko itong tiningnan, nakita ko ang isang buong barkada na masayang kinuhanan ng litrato.

Nang masdan ko ito nang mabuti ay bigla akong nabigla saking nakita, mga pamilyar ang kanilang mga mukha.

Nakita ko ang mga napakabatang mukha ng aking mga kasalukuyang mga kaklase, di pala ito normal na litrato.

una kong napansin ang nakaupong si Ysabelle, meron siyang bangs, nakaakbay naman si Taylor Maxinne sa kaniya na merong hairbond, napakaikli ng buhok nito at di mo aakalaing siya iyon.

napansin ko naman ang tatlong lalaking nakatayong nagaakbayan, sa likod ni Ysabelle at Taylor Maxinne.

Tiningnan ko itong mabuti at biglang tumaas ang aking balahibo, nakita ko ang mga napakabatang mukha nila Prince, Jayden at Kent.

Naka army cut si Jayden at wala man lang kabutas butas ang kaniyang mga tenga, sa tingin ko ay di pa sya basagulero nang mga panahong iyon.

Kagaya ng gupit ni Jayden ay ganon din ang mga gupit nina Kent at Prince, kung titingnan sa litrato silang tatlo ay napakasaya nila at napakaclose sa isa't isa.

nakita ko rin ang nasa tabing sina Allyson at Axel na magkatabi, napakalapit nila sa isa't isa at para silang magkasintahan, naging sila ba? ang buong akala ko ay sina Axel at Ayah ang magkasintahan? marami pa pala akong di alam sa mga kaklase ko, sa Unique Section.

Agad kong hinanap si Ayah, at nagtagumpay ako dahil nahanap ko sya sa litrato, napakabata pa nito at napakaganda, may salamin ito at nakatabi kay Jenna, Samantalang si Jenna ay naka dikwatro pang upo at nakaakbay kay Ayah.

At tumungo na ang aking mga mata sa gitnang parte ng litrato, nakita ko si Apple na nakapeace sign ang kanyang kanang kamay at ang kaliwang kamay naman nito ay nakaakbay sa isang babae, di ko kilala, nang tinitigan ko itong mabuti ay agad tumaas ang aking balahibo.

Kung hindi ako nagkakamali, ang kaakbay ni Apple ay ang litrato ng babaeng nakalagay sa pulang box, kasama ng pugot na ulo ni Ashley, ang una kong kaklaseng namatay.

Biglaang pumasok ang napakaraming tanong saking isipan.

Agad akong pumasok nang may dala dalang mga sariwang tanong saking isipan, gusto kong alamin ang nasa likod ng babaeng katabi ni Apple, gusto kong makausap si Apple.

Dinala ko ang kanilang litrato at agad naglakad papunta saming room, nang nakarating nako saming room, agad akong pumasok, tulad ng akinh inaasahan ay wala na naman kaming klase, dahil siguro ay malapit na ang Christmas Party, di ako sigurado.

Nang pagpasok na pagpasok ko palang ay agad kong hinanap si Apple, gusto kong malaman ang ngalan at kwentong nakapalikod sa babaeng katabi nya sa lumang litrato.

Agad kong inikot ang aking mga mata sa loob ng room, kahit saang sulok ng room ay wala siya, parang di pa sya nakakapasok.

Nang nakita kong wala siya ay agad akong tumungo saking upuan at inilagay ang aking bag.

Bumungad saking umaga ang palaging nangungulit sakin, si Prince.

"Oh? Badtrip ka nanaman? As usual." Patawa nitong wika.

Nang makita ko ang inosente nitong mukha ay naalala ko ang mukha niya sa lumang litrato, sigurado akong may alam sya sa babaeng kaakbay ni Apple, kilala niya siguro iyon.

Agad ko siyang hinila palabas para alamin ang mga di masagot sagot kong mga katanungan.

Nang palabas na kami ay bigla saming sumalubong si Tiffany, papasok palang ito sa room.

"San kayo pupunta?" Tanong nito, agad naman akong nagdahilan.

"May hahanapin lang kami." Mahinahon kong wika, agad naman napatingin ang walang alam na si Prince sa sinabi ko.

Agad ko si prince hinila palayo sa room ng Unique Section, wala dapat makarinig sa itatanong ko sa kanya.

Nang malayo layo na kami ay agad ko siyang dineretsya, binitawan ko ang kanyang kamay at agad agad tinanong, agad kong dinukot ang litratong nakita ko sa aklat saking bulsa.

"San mo yan nakita?' Wika nito, napalitan ang kasiyahan ng katakutan at pangamba ang expression ng kanyang mukha, halatang tarantang taranta sya sa kanyang kinikilos?

"S-sino yung kaakbay ni Apple? Prince?!" Utal kong tanong kay Prince, nauuhaw ang aking mga di maubos ubos na tanong sa kanyang munting sagot.

"Si......... T-thea!" Taranta nitong sagot, Thea pala ang kanyang ngalan, "S-san mo ba yan nakuha!?" Taranta nitong tanong, di ako sanay na ganyan ang kanyang galaw, parang kinakabahan na natataranta, ang pagkakakilala ko sa kanya ay napakasayahing tao.

"B-bakit nandoon yung litrato ng t-theang yon loob ng... box ng pugot na ulo nating kaklase?!" Utal at taranta kong tanong kay Prince, agad naman itong pasagot.

"Bakit ako tinatanong mo? wala naman akong ginagawang masama ah, bakit ako?! Bakit?" Utal nitong sagot, parang di ko na sya kilala, sa expresion ng kanyang mukha ay takot at taranta sya sa mga nangyayari.

Agad itong naglakad papalayo sakin, sa mga tinanong ko sa kanya, parang lumabas ang tunay niyang kulay.

Tama, di ko pa talaga sya kilala, ang tunay na Prince Villamayor, lahat naman tayo may tinatagong baho eh, kahit ako, lahat tayo may bahong pilit na pinagtatakpan.

Agad akong umalis at dumiretso sa library, baka sakaling may magturo ng sakin ng daan patungo ng katotohanan.

habang papalakad ako para bumalik saming room ay hindi ko inaasahang makasalubong si Apple, agad ako lumapit sa kanya at nagsimulang magtanong para mabawasbawasan naman ang mga tanong na naiipon saking isipan.

"Apple? pwede kabang makausap?" nagugulumihang kong tanong kay Apple.

"Ano yun?" pagtataka nyang tanong, di nako nagpaligoy ligoy pa at agad kong ipinakita ang litratong kanina ko pang hawak hawak.

agad siyang napabiglang tanong sakeng ipinakita sa kanya.

"S-san mo yan nakita?" Tanong nito.

-------------------------------------------------------x

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now