Chapter 28: Diary.
"Knife is my bestfriend till the end."
-PsychoXenon--------------------------------------------------------x
QUEENIE'S POV
BUMALIK ako sa room dahil alam kong magsisimula nang magklase si Ma'am Heria, ang Math Teacher namin kaya agad akong nagmadaling pumasok kasama si Apple na tulalang tulala parin sa kanyang nakitang litrato.
Nakita kong parang natatakot ito kaya nagpasya nakong umupo sa kanyang tabi, parang absent naman ang seatmate nya kaya ako muna ang papalit dito.
"Apple? Say something?" Pabulong kong wika, napatingin naman ito sakin at kapansin pansin ang namumutla nyang mukha, sa di inaasahang pangyayari ay agad itong tumumba saking balikat.
Agad natuon ang pansin ng aming mga kaklase sa nahimatay na si Apple.
"Apple? what happened?" Pagaalalang wika ni Ma'am Heria, agad naman lumingon ang pansin nila kay Apple.
"Boys at the back buhatin nyo si Apple papuntang clinic, faster!" Pasigaw na wika ni Ma'am.
Agad namang sumunod ang mga kaklase kong lalaki at binuhat palabas si Apple papuntang clinic, habang pinagmamasdan ko silang lumabas ay nakatuon parin ang aking atensyon kung bakit takot na takot sila at ano ang connection nila kay Thea Aquino.
"Anyare dun? " Sulpot na wika ni Prince, nagulat ako ng bigla syang lumitaw sakin kinauupuan.
Di ako umimik at nakinig nalang sa lesson ni Ma'am Hernia.
Natapos ang klase at umiwan si Ma'am ng assignment, balak kong dumiretsyo sa library upang humiram ng libro tungkol sa Math.
Habang papunta nako sa library ay nakasalubong ko si Tiffany, niyaya ko syang sumama saken at agaran naman itong pumayag, mukhang naka adjust na siya dito at ibang iba na di tulad ng kanyang kilos nung nagtransfer kami dito.
"Ayos kalang?" Tanong niya saken, dahil sa malalim kong pagisip sa nangyari kanina ay di ko sya agarang napansin.
"I guess tungkol yan sa nangyari kanina" wika niya, agad naman akong napalingon sa kanyang sinambit.
"May alam kaba dito? " wika ko habang ipinapakita ang litratong kanina ko pa pinagtutuunan ng pansin.
"Yung tungkol ba kay thea? ang alam ko lang nagtransfer sya dito tapos one year later nagsuicide daw sya" wika ni Tiffany.
Napatigil ako sa paglalakad.
"Pano mo nalaman yan?" patanong kong wika kay Tiffany, nagkaroon ako ng interest sa kanyang sinambit.
"Uhm bago ako mag transfer dito naririnig ko na ang usapan na yan, some people believe nga na pinatay daw sya, maraming theories yung narinig ko tungkol sa storya nya." wika niya, napalipad ang isip ko sa kanyang sinambit, may posibilidad kayang pinatay sya?
Naputol ang aking pagmumuni muni ng biglang lumitaw si Prince sa likod namin.
"Haha bagal nyo naman maglakad" patawang wika nito, agaran kong itinago ang litrato saking bulsa.
Nang makarating na kami sa library ay agad akong pumili ng Math book sa bookshelves, napahiwalay ako kala Prince at Tiffany dahil pumunta sila upang kumuha ng English Books.
Habang inaabot ko ang libro ay may napansin akong notebook, nakapagtataka dahil nagiisa lang ito at nakapagitna sa mga Math books.
Agad ko itong kinuha at marahan na binuklat.
Nagulat ako saking nakita, pagmamayari ito ni Thea Aquino at puno ito ng kanyang hand writings.
Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang notebook, nabigla ako ng biglang kumalat ang napakaraming punit ng papel at mga litrato, may nakaipit pala doon at Di ko iyon napansin.
Dali dali ko itong dinampot at ibinalik sa pagkaipit sa notebook.
inipit ko ito sa Math Book upang di nila mahalata name akin itong kinuha.
JAYDEN'S POV
"Haha pre ang ganda ni Queenie no?" wika ni Alex.
"Dalawa na nga babae mo mang bibingwit ka nanaman hahaha" patawa kong wika, alam kong pinagsasabay nito si Ayah at Allyson.
"Boring naman ng buhay mo pre haha, patusin mo na kasi si Ysabelle pakunwari kapa e hahaha alam mo namang baliw na baliw yon sayo." wika nito habang humihithit ng vape.
"Gago" maikli kong tugon.
"hahaha meron akong challenge sayo if malakas ka talaga" panghahamon ni Axel.
"hinahamon mo ba ako? hahaha ano pustahan? " wika ko, tagal ko nang di nakapag sugal kaya napahamon ako sa kanya.
"50k? If mapapakagat mo isa sa mga transferees hahaha" halakhak na wika nito.
"haha deal" tangi kong tugon, naka suspend ang mga cards ko kaya nauubusan nako ng budget para pambili ng weeds, kaya kinagat ko ang kanyang hamon.
Mukhang palaban si Queenie kaya si Tiffany ang aking pupunteryahin, madali lang to hahaha.
KYLE'S POV
"haha deal" rinig kong tugon ni Jayden sa hamon ni Axel, pag pera talaga, nasisilaw ang lahat.
Nauulit lang ang lahat, dati wala akong nagawa, ngayon may pagkakataon nakong pigilan ito, mauulit at mauulit lang kay Tiffany ang pagpupustahan, ang nangyari din kay Thea.
Hanggang ngayon ay sinisisi ko parin ang aking sarili sa pagkamatay nya.
Starting of flashback----------------x
"wala mahina to si Kyle" pambibiro ni Jayden saken, napangisi lang ako sa sinabi nya
"Pafall-in mo nga si Thea kung malakas ka talaga hahaha."
wika nito "Yung transferee hahaha" dagdag pa nito."hahaha easy" pagmamayabang ko.
Ginawa ko ang lahat para mapafall si Thea ngunit naging baliktad ang sitwasyon at ako ang na fall sa kanya.
Ayoko sirain ang namumuong pagkakaibigan ni Thea at Taylor Maxinne, matagal nang may gusto saken si Taylor Maxinne at kilala ko sya magalit, ngunit di mapigilan ng aking damdamin ang pagmamahal ko sa kanya.
At nangyari na nga ang kinakatakutan ko.
------------------x
"Thea si Kyle to, pwede ba tayong magusap nang tayong dalawa lang." pakiusap ko sa call.
"sige san ba." tugon into, tinuro ko ang lugar ng pagkakakitaan namin, sa classroom.
Nang makararing na ako sa room ay naghihintay na pala si Thea don.
"andito kana pala kyle, ano palang sasabihin mo. " wika ni Thea.
"Thea! May ipagtatapat sana ako sayo." matapang kong wika, gusto ko nang ipagtapat ito sa kanya ng maaga.
"Ano yun kyle?" pagtataka nitong wika.
"i like you." pangiti kong wika.
Nabigla ako ng biglang lumabas si Taylor Maxinne sa ilalim ng desk.
Kilala ko ang ekspresyon nya kapag siya ay galit, sobrang galit, naglakad ito ng mabilis at binangga si Thea, di napigilan ni Thea na sumunod sa nag walk out na si Taylor Maxinne.
End of flashback------------x
Ngayong may pagkakataon, gagawin ko ang tama, para naipaghiganti kita mahal ko, Thea.
-------------------------------------------------x
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Misteri / ThrillerQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.