Chapter 29: Decoration
"Two can keep a secret if... one of them is dead."
-Pretty Little Liars--------------------------------------------------------x
LAURA'S POV
KAYBILIS lang ng mga araw, bukas na ang Christmas Party namin, pagkatapos non ay wala nang pasok, sa January na ang balikan, pero kasabay naman ng mabilis na araw ay ang mabilis ding pagkamatay at pagkawala ng mga kaklase namin.
Habang patagal na patagal, ang Unique Section ay nagiging section ng kamatayan.
Agad kong kinuha ang attendance sheet na nakalagay sa lalagyanan ng mga folder, banda sa mesa ni Ma'am Balesteroj, ang aming adviser, pero parang wala naman syang pake, di nga nya nauupuan ng lima o sampung minuto ang desk nya dito eh, takot sya sa advisory nya, takot sya sa Unique Section.
Nang makuha ko na ang attendance sheet ay agad kong chineck ang mga present at absent kong mga kaklase.
Maraming absent, yung iba, di ko alam kung absent paba o nawawala na, o baka patay na, mag sesecond period na pero wala parin ang first subject namin sa hapon, parang ayaw na niya pumasok, pati sya takot narin ba?
Nang matapos ko nang maicheck ang attendance ng aking mga kaklase ay agad kong ibinalik ang attendance sheet sa lalagyanan nito at agad gumawa ng pulong, dahil wala namang klase at di pumasok ang first subject namin sa umaga, sayang ang oras.
Pumunta ako sa harap, malapit sa black board at agad nakiusap na makinig saking mga sasabihin, lahat sila ay may sari sariling mundo pero nagsalita parin ako.
"Please pwedeng makinig muna ang lahat? Kahit saglit lang?" Malakas kong wika, agad naman natuon ang kanilang mga atensyon sakin.
"Alam naman natin diba na bukas Christmas Party na, yung mga foods, okay na yun lahat, diba magoorder nalang tayo, pero sa ating Christmas Tree ay wala pang disenyo, tutal wala rin tayong klase kaya ituon nalang natin ang ating paggawa sa Christmas Tree, andoon ang mga Christmas ball and light sa table ni Ma'am, marami rami yon at saktong sakto na christmas tree natin, ayos ba yon sa inyo?" Tanong ko sa buong klase, agad naman silang napatango at agad bumalik sa kani kanilang mga ginagawa, mga wala talaga silang pake.
pero di naman lahat ay bumalik sa kani kanilang mga ginagawa, agad lumapit si Mylene at Jessica sakin at tinulungan ako saking plano.
Agad naming kinuha ang mga christmas ball at light sa ilalim ng table ni Ma'am, nagkabuhol buhol na ang mga Christmas light dahil sa tagal na nitong hindi nagamit.
Pero sa tulong ni Mylene at Jessica ay natanggal din ito sa pagkabuhol buhol.
Agad naming tinungo ang Christmas Tree sa gilid ng blackboard, may nakatakip ditong napakapulang tela, nang tanggalin na namin ang pulang tela ay agad lumabas ang napakaraming alikabok.
Bumungad samin ang napakasimpleng christmas tree, at kung dadagdagan pa ito ng maraming palaputi ay mas gaganda pa ito lalo.
Agad naming inayos ang christmas balls at christmast light, habang inaayos nila Jessica at Mylene ang mga ito ay agad kong ipinaalala ang mga gift na binili nila at binalutan.
"Mamaya, dalhin nyo na ang mga gift na ieexchange gift nyo bukas." Pagpapaalala ko saking mga kaklase, agad sila uling tumango at bumalik sa kanilang pinagbubusihan.
Agad akong tumulong kila Jessica at Mylene nang mapaalala ko na ang mga gifts na dadalhin nila mamaya.
Habang nagaayos kami ng Christmas tree ay di ko naramdaman na nandyan na pala ang aming second subject, agad naming tinakluban uli ang christmas tree ng pulang tela at agad bumalik saming mga sari sariling upuan, agad namang nagsimula ang aming second teacher sa pagdisscus ng bago naming topic na pagaaralan.
KILLER'S POV
umagaw saking pansin ang dalawang nagmamagaling na sina Mylene at Jessica.
Kahit andyan na ang guro namin ay nagaayos parin ito ng Christmas tree, bigla akong nakaisip ng magandang plano habang nagmamagaling ang dalawa.
Lumipas ang hapon at natapos narin ang walang kwentang diskusyon ng mga guro namin sa PE at AP, antok lang ang dala nila sa klase namin.
Umuwi ang lahat maliban Kay Mylene at Jessica, narinig ko sa usapan nila na tatapusin nila ang pagdedecorate ng Christmas Tree ng aming section, mga pabibo.
Umabang ako hanggang sa sumapit na ang gabi, nang bumagsak na ang araw ay agaran akong pumasok sa room namin.
pagpasok ko ay agaran nila akong napansin.
"Uy? may naiwan kaba dito? gabi na ah" tanong ni Jessica, sa boses palang nya ay naiirita na ako.
"hmm wala gusto ko lang tumulong nakakabored sa dorm e pwede ba? " plastic kong wika.
"sige pasara nalang ng pinto para safe tayo." pakiusap ni Mylene, ngumiti nalang ako ng paplastic at sinunod ang kanyang utos.
Nang bumalik na ako ay narinig ko ang usapan nila tungkol saken mga impokreta.
Hindi lang pabida mga chismosa din.
"pwede pakihanap nalang yung malaking gunting?" utos ni Jessica, sinunod ko nalang mga utos nila upang di sila makahalata sakeng gagawin.
Habang hawak hawak ko ang malaking gunting ay tinawag ko si jessica.
"Jessica di ko makita, pwede paturo? " pagsisinungaling ko, agad namang pumunta ang tanga tanga, ng wala nang makakakita samin ay agaran kong ginilitan ng leeg ang pabibong si Jessica, titili sana ito ngunit naunahan ko sya sa pagtakip ng aking kamay sa kanyang bibig.
sinaksak saksak ko ang kanyang tagiliran upang mamatay agad at ako na ang makapag decorate ng Christmas Tree namin.
Nang masigurado ko nang patay na sya ay lumabas na ako para isunod si mylene.
Abala ito sa pagkabit ng Christmas Balls sa taas ng Christmas Tree kaya di siya nakaramdam na nasa likod nya nako.
walang patumpik tumpik kong sinaksak ang kanyang likod at agad siyang natumba.
di ko na siya hinayaang sumigaw at ginilitan ko agad ito ng leeg.
Nang naghihingalo na ito ay sinaksak ko sya sa tagiliran ng ilang beses upang gamitin ang kanyang bituka sa Christmas Tree.
Matapos kong masiguradong wala nang pulso si Mylene ay agad kong hinila ang katawan ni Jessica katabi ni Mylene.
Agaran kong tinusok ng dulo ng gunting ang eye balls nilang dalawa at hinugot, matagumpay kong nalabas ang apat na eye balls sa kanilang mukha.
Tinadtad ko ng saksak ang tiyan nila upang hilain ang kani kanilang bituka
Nagmistulang bakang walang lamang loob ang itsura ng kanilang mga tiyan.
Nang magawa ko na ito ay tinanggalan ko ng disenyo ang Christmas Tree at sinabit kong parang Christmas Lights ang kanilang Bituka at ginawang Christmas Balls ang kanilang eyes balls.
Matapos nito ay di pako nakuntento, di makukumpleto ang Christmas Tree Kung walang stars kaya gumupit ako ng balat sa tiyan ni Jessica dahil siya ay mas mataba Kay Mylene.
Nakagawa ako ng limang Star na gawa sa balat ni Jessica, sinabit ko ang apat at inilagay sa taas ang isang star, and highlight ng Christmas Tree.
Naging satisfy ako saking ginawa, tinakpan ko ito ng pulang telang pantakip dito.
Agarang kong niligpit ang kanilang mga katawan, pinunasan ko ang mga dugo at iniwan ang mga bangkay nila sa ilalim ng Christmas Tree.
Nang malinis ko na ito ay umalis na ako at bumalik sa dorm, maaga pa bukas ang Christmas Party.
----------------------------------------------x
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Mystery / ThrillerQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.