Chapter 41: The Sinless

19 1 0
                                    

Chapter 41: The Sinles

"Prince, The Sinless."

-------------------------------------------------------x

PRINCE POV

"Uulitin nyo rin ba kay Tiffany ang ginawa nyo kay Thea?" wika ni Kyle na narinig ko kanina na pilit na di matanggal saking isipan.

Di ko makakalimutan ang araw nayon, ang araw na naging bingi bingihan ako at nag bulag bulagan sa krimeng aking nasaksihan.

Ang aking nasaksihang pagkamatay ni Thea Aquino.

Starting of flashback-----------------------x

Malakas ang tugtog na nanggagaling saking headset nang bigla kong napansing pumasok si Apple sa room.

Night class namin non at last subject, sabi ni Laura ay wala daw ang teacher namin kaya tumambay nalang ako habang nakikinig ng paborito kong tugtog.

Napalingon ako ng Bigla kong napansing bumagsak si Thea sa sahig ng aming room, nakatayo nito sa harap niya si Apple at nasa gilid naman si Taylor Maxinne.

Mukhang nagaaway sila, ngunit impossible dahil matalik silang magkaibigan.

Hininaan ko ang tugtog ng aking headset para marinig ang usapang nagaganap saking likod.

"Pano mo nagawa sakin to? tinuring kitang kapatid!" Sigaw ni Apple kay Thea, mukhang tama nga ang aking hinuha na  nag aaway sila.

Nakinig lamang ako sa kanilang away, ganto naman palagi ang senario, isa lang akong tahimik na estudyante na palihim na nakikinig sa mga usapang nagaganap sa section namin.

Hindi ako nangingialam dahil ayokong may nakakaaway ako at nagkakaroon ng sama ng loob saken.

ganon ang personalidad ko, tahimik ngunit alam ang buong pangyayari sa paligid ko.

Nakita kong lumabas si Apple ng galit saming room, mukhang mabigat ang galit niya kay Thea.

Kilala ko na ang personalidad ni Apple, matagal na kaming magkaklase, masayahin at friendly sya ngunit iba siya magalit, kahit ako ay natatakot makitang magalit sya.

Nakikinig lang at nanonood ako sa away nila, at napukaw ang aking pansin kay Thea.

Tatlong buwan palang siya dito ay naging malapit silang kaibigan ni Apple, di ko pa sya nakikitang magalit at matalino sya, tumakbo sya kalaban ni Laura sa election at nanalo sya, bonus na ang kagandagan nya.

"Alam ko ang mga mababaho nyong sikreto, lahat kayo." wika ni Thea, napa off ako ng aking tugtog ngunit di ko inalis ang headseat saking tenga.

naging interested ako sa sinambit nya, kay bago bago palang niya ang marami na syang nalalaman

Nakinig ako ng mabuti sa mga sinabi nya at nabigla ako sa mga sikreto ng aking mga kaklase.

Di ko inaakalang kaya nila gawin iyon.

Ngunit wala naman akong pake sa kanila, sarili ko lang ang kelangan kong isipin.

Nang mawalan ako ng gana ay binalik ko nalang ang malakas na tugtog ng aking headset, nang ipaplay ko na ang tugtog ay nakarinig ako ng malakas na kalabog.

Agad akong napatayo at tumingin sa likod, labis akong nabigla saking nasaksihan, nakita kong nakahiga sa sahig si Thea habang inaapakan ni Ysabelle and hita nito, nakakita din ako ng parang pulang likidong lumalabas sa gitnang bandang parte ng ulo ni Thea.

Agad kong naisip na ang malakas na kalabog na aking narinig ay and pagkabagsak ni Thea sa sahig at ang nakita kong pulang likido ay isang dugo.

Napansin ko ang gulat at takot na reaksyon ng aking mga kaklase habang nakatingin sa nakahigang si Thea, nang mapansin kong napasulyap sakin si Taylor Maxinne ay agad kong hinila ang aking bag na para bang uuwi na.

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now