Chapter 45: Last kNIGHT
"We feel most alive when we are closest to death."
-Nenia Campbell, Terrorscape (Horrorscape, #3)------------------------------------------------------x
APPLE'S POV
Abot tenga ang aking ngiti nang aking makita ang walang buhay na bangkay ni Ysabelle saking harapan, simula palang ito, nagsisimula palang ako.
Mabilis akong tumakbo na para bang isang biktima na hinahabol ni kamatayan, kelangan na namin tong tapusin ni Amanda.
Sa bilis ng aking takbo ay di ko namalayang nabundol ko na pala ang grupo nila Prince, kasama niya si Jenna at si Queenie.
"Apple!" Gulat na wika ni Jenna nang makita niya ako, ramdam ko sa kanyang prisensya ang labis na kaba,
"A-anong nangyari? nasaan si Jayden?" Dagdag pa niya."Nakawala si Ayah, di namin namalayan ni Jayden, b-binaril nya si Jayden sa ulo." Paluha kong wika, sa aking nakikita ay paniwalang paniwala sila sa mga kasinungalingang aking sinasambit.
"Sila Ysabelle? nakita mo ba? naghiwa hiwalay kami, nasaan na kaya sila?" Wika ni Prince, agad ko namang iniling ang aking ulo na para bang di ko nakita at pinatay si Ysabelle.
Di na kami nagpatumpik tumpik pa at agaran na kaming umalis sa aming kinaroroonan, pilit nilang hinahanap ang highway ngunit di nila iyon nakita.
Masyadong matalino si Ayah at dito nya pa talaga kami tinangkang patayin, pero mas matalino ako, nabaril ko sya sa ulo.
"Kelangan na natin makaali-----" putol na wika ni Jenna nang bigla kaming makarinig ng putok ng baril, nakita naming nadaplisan sa braso si Prince.
Agad namin hinanap ang pinanggalingan ng putok ng baril at nagulat kami ng aming makita ang nakangiting si Kent sa gilid namin.
Agad kaming napaatras papalayo sa kanya habang papalapit ng papalapit siya sa Amin.
"Naboboring nako, should I killed you all na?" nakangiti niyang wika habang nakatutok ang baril samin.
"Bored my ass!" Sagot ni Jenna, agad naman siyang napaatras sa likod ko. "Do you think makakatakas ka dito? you are going to jail Kent!" dagdag na sigaw pa nito.
"Gwen not Kent." pabalang na sagot ni Kent, agad naman itong napatawa "Do I look I care? hahahhaa" dagdag pa nito.
Agad naman niyang kinasa ang hawak niyang shotgun. Labis kaming nabigla ng biglang sinugod ni Prince si Kent at agarang sinuntok ito sa Mukha.
Masyadong mabilis Ang mga naganap.
Agad niyang nabitawan ang hawak niyang shotgun at natumba sa pwersang ginawa ni Prince.
"Rest peacfully Kent" Agad namang kinuha ni Queenie ang shotgun at walang pag aalinlangang binaril si Kent sa ulo "Gwen Rather." dagdag pa nito.
Napabugtong hininga si Queenie sa kanyang ginawa.
Agad kaming umalis at iniwan ang bangkay ni Gwen, sa aking nakikita ay mukhang Akala nila ay tapos na ang lahat, dun sila nagkakamali, nagsisimula palang ang kasiyahan.
KYLE'S POV
"Putok yon ng baril ah?" Gulat na wika ni Taylor Maxinne, agad ko namang hinawakan ng mahigpit ang natatakot na si Tiffany.
Nagulat nalang din ako saking kinilos, sa tingin ko ay nagugustuhan ko na sya, nahuhulog nako kay Tiffany.
Tuloy parin ang aming paglalakad at paghahanap sa iba naming kasama, umaasa parin akong sana ay ligtas sila at matapos na ang katarantaduhang ito.
YOU ARE READING
UNIQUE SECTION (2017)
Gizem / GerilimQueenie Carbonelle and Tiffany Sanches are transferees in the Unique Section. They notice that things are starting to get weird and have witnessed their classmates being killed one by one by mysterious killers.