Chapter 46: End?

38 1 0
                                    

Chapter 46: End?

"Rest in pieces."

-------------------------------------------------------x

QUEENIE'S POV

Maluha luha akong tumatakbo palayo habang nakasunod saking likod si Taylor Maxinne, di mabura saking isipan ang aking nasaksihang pagpatay ni Tiffany saming mga kaklase.

Di parin ako makapaniwalang si Tiffany ay ang kapatid ni Thea Aquino, ang baliw niyang kapatid na si Amanda at ang ginawang pagtakip ni Dad sa kaso ni Thea.

"Bilisan mo ang pagtakbo, baka maabutan niya tayo." pagmamadali kong wika kay Taylor Maxinne.

Patuloy parin kaming tumatakbo hanggang sa makaramdam ako ng pagod at huminto saglit.

"Tumago nalang tayo Don." wika ko kay Taylor Maxinne habang nakaturo sa malaking punong aking nakita, di parin siya umiimik, sigurado akong nabigla din ito tulad ko saming nasaksihan.

"Pagod nako, huminto muna tayo." tangi nyang tugon, agad naman kaming pumunta patungo sa malaking puno.

"Itigil mo na to please." paiyak na wika ni Taylor Maxinne, agad naman akong napalingon sa kanyang sinambit.

"Kelangan natin tumago, para di tayo mapatay ni Tiffany, isa siyang delikadong tao, isang baliw." bulyaw ko sa kanya.

"Sinong Tiffany?" patanong nitong wika, nawindang ako sa kanyang sinambit, mukhang sinusumpong nanaman ito ng sakit niyang bipolar.

"Yung kasama kong nagtransfer dito, Ako to si Queenie." pagpapaalala kong wika, baka nabigla lang ito sa mga nangyayari.

"Nahihibang kana." paiyak nitong wika.

"Nag-iisa kalang nagtransfer dito Thea!" paiyak na sigaw niya saken, bigla akong nabigla sa kanyang mga sinambit.

"T-Thea?" utal kong wika sa harap ni Taylor Maxinne.

Mas lalo pakong nabigla nang maramdaman kong may hawak akong kadena saking mga kamay at ang kaliwang parte nito ay nakatali sa braso ni Taylor Maxinne.

"Please Thea wake up! maawa ka for once." pagmamakaawa nito saken.

"pakawalan mo nako." hagulgol nitong wika.

naguguluhan ako sa kanyang mga sinambit.

"You killed them one by one, pinatay mo lahat ng mga kaklase ko." pagpapatuloy na wika niya.

"You all poisoned them to death sa prom natin! Tapos kinadena moko para di ako makatakas, demonyo ka!" pasigaw nitong wika saken habang umiiyak.

"Thea please may solusyon pa ito." pagmamakaawa niya.

"A-ako si Thea Aquino?" gulat kong tanong saking sarili "At ako ang killer?" dagdag ko pa.

"Queenie and Tiffany are just fiction in your head Thea." pagpapaliwanag niya saken.

Starting of flashbacks-----------------------x

"May D.I.D o Dissociative Identity Disorder si Thea Mommy." Wika ng doktora kay Mommy, nakasilip ako sa nakatiklop na pinto at di nila namamalayang nakikinig ako sa kanilang pinag uusapan.

"Nagkaroon ng 2 other personality si Thea, based on her past traumas, maagapan pa naman ito mommy, just give her some attention, she badly needs some attetion right now." wika ng doktora kay Mommy.

Naputol ang kanilang pag uusap ng tumunog ang cellphone ni Mommy, agad akong bumalik sa upuang aking kinauupuan kanina nang makita kong papalabas si mama sa pinto.

Ganyan naman palagi ang parents ko, palagi silang busy sa business, at palagi silang wala sa bahay.

Kami lang palagi ng yaya ko ang nasa bahay, mukha lang niya palagi ang aking nadadatnan paggising sa umaga.

Isang araw, habang naglalaro kami ni yaya sa banyo ay di ko inaasahang matulak siya ng malakas, nabagok ang kanyang ulo sa sahig, umawas ang dugo niya kasabay ng pag agos ng tubig.

Doon nabuo ang una kong personalidad, si Tiffany, natrauma ako sa aking nasaksihan ngunit nakaramdam ako ng saya ng makakita ng dugo, paborito ni Tiffany ang kulay na pula at gustong gusto niya ng dugo.

Ang pangalawa ko namang personalidad ay nabuo ng nabully ako saming paaralan, natrauma ako ngunit napagpasyahan kong maging matapang ang lumaban, doon nabuo si Queenie, ang pangalawa kong personalidad.

Naging matalik kong kaibigan ang dalawa kong personalidad at pumalit sa pagkakaulila saking mama at papa.

Mas lalo pakong nangulila ng malaman kong magkakaroon ako ng kapatid, imbes na saya ay napuno ng poot at pighati ang aking katawan lalo na saking bunsong kapatid, si Amanda.

Nagkaroon pako ng kahati sa atensyon ng aking mga magulang.

Lumipas ang ilang taon ay dumating na ang ikaw 4 na birthday ni Amanda, masayang masaya sila mama at papa ngunit kabaliktaran ng kanilang nararamdaman ang aking nararamdaman.

Puno ito ng galit at poot.

Nagpasakop ako kay Tiffany at pinatay ni Tiffany ang aking mga magulang gamit ang kutsilyo, at sa huli ay sinaksak nya rin ang aking sarili upang lumabas na si Amanda ang pumatay saming mga magulang at tinangka nya rin akong patayin.

Nagtagumpay ang aming plano.

Napunta si Amanda sa Mental Hospital at doon na siya lumaki.

Makalipas ang ilang taon ay Nag aral ako sa Hillton Academy, napunta ako sa Unique Section.

Napaka bait nilang lahat, ngunit inisa isa kong pinagpapatay ang aking mga kaklase sa tulong ng dalawa kong personalidad.

Gumawa ako ng buong kwento saking isipan upang maging masaya ang aming pagpatay saming mga kaklase.

Ginawa kong bida si Queenie at Killer si Tiffany ngunit sa realidad ay kaming tatlo ang pumapatay saming mga kaklase.

End of flashbacks----------------------x

"Please Thea, wake up! wag ka magpadala sa iba mong katauhan." Pakikiusap sakin ni Taylor Maxinne habang tumutulo ang kanyang luha.

"May panahon pa para magbago." dagdag pa neto.

"Wag ka maniwala sa kanya Thea, kami ang paniwalaan mo." Wika ng mga boses saking ulo, napatakip ako ng aking tenga habang gulong gulo sa nangyayari.

Napatigil ako sa pagtakip ng aking tenga nang para bang may mabigat na prisensyang sumakop saking ulira.

"T-thea??? Pakawalan mo na'ko!!" Pagmamakaawa ni Taylor Maxinne, agad naman natuon ang pansin ko sa kanya.

"Wag kang maingay!! Baka marinig tayo ni Tiffany!" Pabulong ko na wika, kasalukuyan parin akong nasa aking ilusyon, nasa kwentong tanging ang aking utak ang gumagawa.

"TULONGGGG!!!" Malakas na sigaw ni Taylor Maxinne, agad ko naman siyang pinuntahan at pinilit na patahimikin sya.

Sa ingay na aking naririnig ay nakaramdam akong ng irita, agad ko siyang hinawakan sa ulo at walang alinlangang pinilit na iikot ang kanyang ulo.

Nakarinig ako ng malakas na lutok galing sa kanyang leeg, napatahimik din siya.

"Yan, wag kana sumigaw at baka marinig niya tayo." Pabulong ko na wika habang kinakausap ang nakahigang bangkay ni Taylor Maxinne.

Agad akong tumayo at naglakad papunta saking kotse habang naguguyod ang bangkay ni Taylor Maxinne, habang nililingon ko ito ay aking nasasaksihang nagkakalasog lasog ang katawan nito at naiiwan ang kanyang mga balat sa daan.

Nang makarating nako saking kotse ay agad kong tinali ang hawak hawak kong kadena sa likod nito at agad sumakay at pinaandar ang kotse.

Mabilis akong nagpatakbo habang nakikita sa side mirror ng aking kotse ang nahihilang bangkay ni Taylor Maxinne.

Unti unti itong nagkakalasog lasog at isa isang naiiwan ang parte ng kanyang katawan sa daan.

Napangiti ako habang nagdi-drive ng aking kotse, Sigurado akong proud saken ang dalawang katauhang nakatira saking katawan, si Tiffany at Queenie.

------------------------x

UNIQUE SECTION (2017)Where stories live. Discover now