4-Months Ago

5 0 0
                                    


March 2023, 12:00 am


Messenger Conversation,

(SOL) Luna? Gising ka pa ba?

(SOL) Ang totoo kasi niyan matagal ko nang gustong sabihin sayo to 😞

(SOL) Buong akala ko nakabalik nako, buong akala ko nabalik ko na yung sarili ko

(SOL) Pero mali, masyado akong na trauma simula nung sinabi mo sakin na wala na, at pakiramdam ko bumalik yung trauma ko sa pag-ibig and yung time na bumalik ka Sinubukan kong ibalik yung apoy pero feeling ko wala na talaga, pakiramdam ko nawala yung sarili ko😞

(SOL) Gusto ko sanang hanapin muna yung sarili ko and mag focus sa mga bagay bagay, gusto ko'ng maglakbay mag-isa

(SOL) Sana maintindihan mo ko😞

(LUNA) Sigurado ka na ba diyan? Sigurado ka na sa desisyon mo?

(LUNA) Sorry kung lagi na lng ako nakakatulog sa tuwing nag-uusap tayo dahil sa pagod

(SOL) No, walang problema sakin yun, naiintindihan ko naman

(SOL) Yung sarili ko ang problema, yung sarili ko ang dahilan, wala nang iba

(LUNA) sorry din kung ako yung naging dahilan para bumalik Yung past trauma mo

(LUNA) nakakainis ka, sinakto mo pa talaga na mag 3 months na tayo🙁

(SOl) sorry, sana maintindihan mo ko

(LUNA) Kung yan yung decision mo at nakapag decide ka na wala nakong magagawa, i re-respect ko yung decision mo kahit ayaw ko🙁

(SOL) Thankyou Luna😞

(LUNA) last question, yung pagiging sweet mo ba nung mga nakaraan pinipilit mo na lang?

(SOL) Hindi, lahat ng bagay na ginagawa ko is ginusto ko

(LUNA) ah ok, goodluck

(SOL) ikaw din, Goodluck sayo specially graduated ka na sa shs I'm sure kayang kaya mo yan, ikaw pa ba

(LUNA) Mag-iingat ka and goodluck sa college journey mo

(SOL) awit yung calculus.......

(LUNA) 😆

______________________________________________

Apat na buwan na ang nakalipas, Hanggang ngayon sariwa pa din sa aking ala-ala ang maling desisyon na ginawa ko nung gabing iyon. Mas pinili kong ayusin ang sarili ko nang mag-isa kesa ayusin ang sarili ko kasama siya. Buong akala ko mas makabubuti kung mag f-focus muna kami sa sarili namin pero nagkamali ako, Masyado akong naging makasarili.

Gabi-gabi akong minumulto nang nakaraan, Gabi-gabing nagsisisi na sana di na lang ako umalis sa tabi niya, hindi lumayo kay Luna. Nakakatawa lang, Engineering student ako pero palagi na lang palpak kung gumawa ng desisyon, masyado akong mahina at walang pundasyon.

Kung maibabalik ko lang ang oras.....mas pipiliin ko na manatili at ayusin ang sarili ko kasama ka, kesa ang dumistansiya. Kay hirap nang bumalik kay Luna, huli nakong nakabalik, may bagong aninong pumalit. Alam niyo yung pakiramdam na ako yung umalis pero pakiramdam ko ako Yung naiwan. Patuloy pa din akong umaasa na balang araw.....babalik ka, kahit meron ka nang iba gusto kong malaman mo na andito pa din ako, naghihintay sa pagbabalik mo, Mahal na mahal kita....Luna.

- Sol

The Day Since I Distance Myself From Luna Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon