Chapter 28 " NIGHT OUT "

27 3 1
                                    


THIRD PERSON'S POV:

" Mom, di ba books to ni ate? saad ni Yvonne sabay turo ng mga libro sa ibabaw ng sofa.

" Oo nga , hay, ngayon lang sya nakaiwan ng gamit ah, nag aalalang sabi ni Mila.

" Oo nga mom, ngayon lang din sya nalate magising, tugon ni Yvonne.

" Pa'no kasi pati project ng  boyfriend nya sya yung gumagawa, iritang sabat ni Martin.

" Talaga? Hay, kaya pala lagi syang puyat," saka nagtaka nga ako gumagawa sya ng reviewer eh . Kung ganon pala kay kuya Reggie yun? pag uusisa pa nito

" Ano pa nga ba! Di magtatagal matutulad lang din sya sa mga ate nating maagang nagsipag asawa. Inis na wika ni Martin.

" Hay, mbabawasan na naman tayo sa bahay, malungkot na sabi ni Yvonne.

" Wag nga kayong ganyan sa ate nyo. Mabuti pa Martin idaan mo to sa University . Sigurado ako sirang sira ang araw ng kapatid mo. Alam mo namang OC yun, for sure kanina pang aligaga yun, pahayag naman ni Mila.

" Mom, naman si ate Yvonne na lang, pag tanggi ni Martin.

" Hello, on the way mo yung University. Ako sa kabilang side pa ng kalsada, saad ni Yvonne

" Oo nga naman anak, sige na! Di ka ba naaawa kahit konti sa ate mo? malambing na pakiusap ng kanilang Ina.

" Hay , sige na nga! Boyfriend kasi lagi ang iniisip eh, iritang sabi ni Martin sabay kuha ng mga libro.

LIZA'S POV

" Hay , san ko ba kasi naiwan yun? Ang alam ko kasi kasama yun ng mga folders na dala ko eh, aligaga kong sabi habang hinahanap ang books ko.

"Baka naman kasi naiwan mo sa bahay nyo. Wala ka namang dalang libro mula ng dumating ka dito, paliwamag ni Helen.

" Hay, baka nga. Kainis! Ang sakit kasi ng ulo ko . Late na'ko nagising kaya puro sablay na ang lahat, irita ko pang sabi.

" Eh bakit ka kasi sumama sa night out nila Reggie and friends , di mo naman pala kaya , wika ni Helen sa akin.

" Eh , nakakahiya kasi eh, lagi na lang akong tumatanggi. Di ba mas okey na friends kami ng mga kaibigan nya? Saka tapos na naman ang exam natin so pwedeng mag relax muna, paliwanag ko sa kanya.

" Wala naman akong against don eh. Kahit ako lumalabas rin to unwind. But to drink, i don't think so, Maraming pwedeng gawin to relax kisa mag bar hopping, pangangaral niya sa akin.

" Alam ko naman yun eh, kaya lang nahiya lang talaga akong tumanggi. Saka konti lang ang ininom ko. Si Claire nga yong nalasing eh, kwento ko pa sa kanya.

" Andon na ko, konti lang yung ininom mo pero pano kung maisahan ka. Alam mo bang maraming babae ngayon ang naaagawan ng virginity dahil sa pag inom inom, muli nyang pangangaral sa akin.

" Kasama ko naman ang boyfriend ko kaya di yun mangyayari sa kin . Mababait naman ang mga kaibigan nya
at mapagkakatiwalaan, saad
ko kay Helen.

" Hay , sana nga alagaan ka nya . Basta wag kang iinom ng marami. Get your own drink at wag kang tatanggap ng galing kung kani kanino. Ingatan mo ang sarili mo, sabi pa mi Helen sa akin.

" Yes, Mom! Noted po, hirit ko pang sabi sa kanya.

" Madalas ka na kasi lumabas kasama nila.Tapos lagi pang sa bar kaya nag aalala ako, tugon sa akin ni Helen

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon