Prologue

1 0 0
                                    

Sa napakalawak na kagubatan ay may nakatayong mga malalaking pader na kulay abo. Maraming mga kabataan na may bitbit na naglalakihang maleta ang nakatingin sa kabuuan nito. Sa gitna ng naglalakihang mga pader ay may napakalaking itim na tarangkahan nagawa sa kahoy at kitang-kita sa ibabaw nito ang mga naglalakihang gusali mula sa loob. Hindi makikita kung ano ang nasa loob dahil natatakpan ito ng tarangkahan.

May grupo ng kabataan na nag-uusap at tila ba'y punong-puno ito ng kuryosidad kung ano ang nasa loob ng napakalaking mga pader na ito at kung ano ang kanilang gagawin sa loob. Nag-uusap ang mga ito kahit na hindi nila kilala ang isa't isa.

"In the sunrise of the 20th of May in the year of our Lord, the gate will open for all of you my dear brothers and sisters in Christ," ani Epimelisthai habang binabasa ang nakasaad sa hawak niyang golden ticket.

Tiningnan niya ang kalangitan at kakasalubong pa lang nilang lahat ng bukang-liwayway. Hindi nagtagal ay tuluyan nang sumilip ang haring araw at agad na tumunog nang napakalakas ang itim na tarangkahan.

Napatingin ang mga kabataan ngayon sa napakalaking tarangkahan na dahan-dahang bumubukas.

"Kontento na sana ako sa buhay ko, pero wala akong magagawa kundi ang tanggapin ang hamong ito kahit na labag man sa aking kalooban. Dahil kung di ko 'to tatanggapin, madedeads ako." sabi ng isang babae na tumabi kay Epimelisthai na nakatingin rin ngayon sa bumubukas nang tarangkahan.

Nilingon naman kaagad ito ni Epimelisthai na naging sanhi rin naman ng paglingon ng babae sa kanya. Bakas sa mga mata ng babae ang labis na lungkot at pag-aalalang nadarama.

"Kahit gaano pa man tayo kakontento sa ating buhay ngayon, we must accept the reality that there are still obstacles in life that we will encounter and we can do nothing but to face them." sagot ni Epimelisthai habang ang blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Eh kasi naman, miss. My dad is running thirty-four branches of bakeshops and I'm currently living on cloud nine. But all of a sudden, this cursed invitation letter knocked our door. As in wait lang ha, I can't explain my emotions ngayon. Nas-stress talaga ako sa mga pangyayari sa life ko like so nakakairita." sabi pa ng babae.

"Eh bakit? Ako rin naman ah. My dad owns a group of companies, the Liza group of companies. But did I complain?" tanong ni Epimelisthai na ngayon ay nakataas na ang kanang kilay saka inirapan ang babae.

"S-So, y-you are the daughter of Regie Liza? Oh my?! Wait, your name is Epimelisthai Liza?!" nagugulantang pang tanong ng babae.

"Yes and you are?" tanong pa ni Epimelisthai sa babae habang blangko ang ekspresyon na parang bang nabobored siya sa taong nasa harap niya ngayon.

"I'm Galatia Tuazon, the firstborn of Bethzaida and Louie Tuazon." nakangiting pagpapakilala ng babae habang inaayos ang sariling buhok nito at nag-abot ng kamay sa dalagang si Epimelisthai.

Napatingin naman ang dalaga sa kamay ni Galatia saka agad na tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Good luck. Magpakatatag ka." tugon pa ni Epimelisthai saka sumilay sa labi nito ang isang ngiti. Saka pinasok ang sariling mga kamay sa bulsa saka nagsimula nang maglakad patungo sa loob kasama ang iba pang mga kabataan.

Napatulala na lamang si Galatia kay Epimelisthai habang nakalutang pa rin sa hangin ang inabot niyang kamay kay Epimelisthai. Nagmistulang hugis bola ang kanyang bibig habang pinagmamasdan ang dalagang unti-unting humahalo sa karagatan ng mga kabataang pumasok sa loob ng napakalaking institusyon. Nang mapatingin siya sa loob ay may napakalaking screen na may nakalagay na "Welcome to Iohara 2023."

May mga naglalakihang mga gusali at kulay krema ang mga gusaling ito. Ang mga bintana ay gawa sa glass at ang disenyo ng mga ito ay parang glass window na mayro'n ang bawat hari at reyna. Ang mga gusali ay parang isang kastilyo na may gothic design at parang binabalik ka sa panahon ng renaissance.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IoharaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon