"Hindi na kita tatanungin kung ayos ka lang ba kasi nararamdaman ko na hindi"Napatingin ako sa gilid ko.
Napaurong ako ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti"Alam mo malalampasan mo din to.Magtiwala ka lang"Biglang sambit niya na nakatitig sa akin.
Napangiti ako sa mga binitawan niyang salita.
Hindi ko mawari kung nalulungkot ba siya o naaawa sa akin.
"Naaawa ka ba sa akin?"Hindi ko napigilang itanong at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin na naging dahilan ng aking paghagulgul.
"Okay lang umiyak.Hindi lahat ng mga umiiyak ay mahina."Sabay tapik sa likod ko.
"Sa-la-mat"Sambit ko.
Ngumiti lang siya at naglakad na paalis.
Napatingin ako sa panyong inabot niya sa akin at napangiti ako ng may makita akong tatlong chocolate.
HERSHEY'S
Mas napangiti pa ako lalo ng may nakasulat na "Life is all about learning, growing,and being happy.Always smile because I know that you are beautiful in and out like HERSHEY'S"
Nawala yung lungkot na naramdam ko ng tinikman ko yung Hershey's na binigay niya.
Bawat kagat.Naaalala ko aking mga pangarap.Na dapat hindi ako hihinto sa kahit anong hirap.
Nakakagaan ng loob.Ang sarap.Tulad ng Hershey's kailangan kung magpatuloy sa buhay.
Mahigpit kung hinawakan ang Hershey's na nasa kamay ko at nakangiti ko itong nilagay sa bulsa ko.
Inayos ko yung sarili ko."I need to keep going.Habang may Hershey's ako sa bulsa hindi dapat mawalan ng pag-asa"
After 4 years
"Hindi na kita tatanungin kung ayos ka lang ba kasi nararamdaman ko na hindi"Sambit ko at unti-unti siyang napalingon sa akin.
Nginitian ko siya tulad ng kung paano niya ako nginitian noong una naming pagkikita.
Meron siyang mga pasa sa mukha.Parang galing siya sa away.
Bago ko ginamot yung mga pasa niya may kinuha ako sa bulsa ko at inabot sa kanya.
"HERSHEY'S"Mahinang sambit niya pero sapat lamang para marinig ko.
"Noong nakita mo akong umiiyak binigyan mo ako ng hug with Hershey kaya ngayon bago ko gamutin tong mga pasa mo.Kumain ka muna ng Hershey's para hindi mo maramdaman ang sakit.Big help yung Hershey's sa lahat ng sakit kayo ito pa"Sabay abot ko sa kanya ng tatlong Hershey's "Ilagay mo sa bulsa mo.Kasi I believe habang may Hershey's sa bulsa may pag-asa"Nakangiti kong sambit at ginamot ang mga pasa niya.
"Noon iyakin kalang ngayon nurse ka na"Sambit niya sa gitna ng paggagamot ko sa mga pasa niya.
"Thanks to Hershey's binago niya buhay ko kaya ikaw din mag Hershey's ka para itong mga pasa mo mawala"Sambit ko na nakangiti at nagulat ako ng hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Pwede ba kitang ligawan?"Seryoso niyang tanong.
"Kaya mo bang punuin ng Hershey's yung bulsa ko?"Seryoso ko ding tanong.
"Oo naman.Baka nakakakimutan mo ako ang nagpakilala sayo nag Hershey's noong panahong iyakin ka pa"At napatawa ako sa mga huling sinabi niya.
Ang dating maiyakin kung mundo ay napuno ng tawa sa Hershey's na nagbigay sa akin ng pag-asa.
End
YOU ARE READING
Basta May HERSHEY'S Sa bulsa May Pag-asa
Short StoryNapatingin ako sa panyong inabot niya sa akin at napangiti ako ng may makita akong tatlong chocolate. HERSHEY'S Mas napangiti pa ako lalo ng may nakasulat na "Life is all about learning, growing,and being happy.Always smile because I know that you a...