Chapter 3

34 1 0
                                    


Angelo Dawson:

Hi.

Angelo Dawson:

Wanna chat?

Ilang beses kong pinag-isipan kung ano nga ba ang tamang gawin kay Lewis. I wanted to punch his face but after what he did, parang gusto ko nalang siyang ipatumba.

Angelo fucking sent me a friend request! At ang mas nakakahiya, naniniwala akong masyado lang akong impulsive dahil nakainom ako.

I accepted his friend request!

My face heated when I realize about my shared post. Ngayong friends na kami sa facebook... makikita niya lahat ng mga shared posts ko. Baka mabaduyan siya! Well, karamihan naman do'n ay puro self-love and etsetera.

Bumalik ang wisyo ko dahil sa nangyari. I even forgot the man who asked me about Kae's what abouts. He even understands that I'm maybe drunk kahit ang totoo, nagulat... at masyado akong namangha because of Angelo's request.

After ng iilang shots, umuwi na ako bago pa ako balikan ng kalasingan. I tried to relax, have my evening ritual at humilata sa kama. Then finally, I received a chat from my new friend.

I didn't expect it. Akala ko 'di niya kayang mag-first move kaya 'di ako nakatulog. Nakatunganga lang ako sa kisame ngayon at iniisip kung ano nga bang nakain ni Lewis para totohanin ang mga biro niya.

Sinabi kong ayaw ko sa reto pero heto ako ngayon, nakatunganga sa cellphone ko at naghihintay ng lakas ng loob para tumipa ng isasagot.

Ellisa Santiago:

Hello.

Then the three dots waved. Napakagat pa ako sa kuko dahil sa tense... at binibiling ang segundo bago mabasa ang reply niya. So funny.

Angelo Dawson:

Lewis gave me your facebook link.

Knew it. Bwesit talaga 'tong si Lewis. Masyadong epal!

Ellisa Santiago:

Yah. That asshole.

Angelo Dawson:

Ikaw iyong babaeng grabe makatitig sa akin during recognition.

I rolled my eyes. Oo nga pala. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya kaya that time, gusto ko nalang magpalamon sa lupa. Kasi kung ako rin naman, ang weird lang din kapag may nakita akong nakatingin sa akin na parang babalatan ng buhay.

Ellisa Santiago:

Oh, I'm sorry. Masyado lang akong namangha sa pagiging consistent mo.

Then he replied... segundo lang ata ang itinagal.

Angelo Dawson:

I see. And I thought you're making a fuss. Lol.

Magre-reply na sana ako pero sumunod ulit ang message niya.

Angelo Dawson:

What rank are you?

Ngumuso ako. Normal lang bang itanong 'yan?

I mean, I'm not new naman sa pakikipag chat and trying to know things with other people pero... siya lang ang nagtanong sa akin niyan. Who cares about the rank?

Maybe, siya siguro.

Ellisa Santiago:

Top 8.

He reacted wow pero 'di ko makita na namamangha siya. He's the top 1 kaya medyo nakakaduda kung bakit siya nagtatanong tungkol sa ranking. Ang competitive niya naman kung ganoon?

ART TRILOGY BOOK 1: Art of Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon