CHAPTER 13: CRESTFALLEN TALE

104 5 0
                                    

CHAPTER 13: CRESTFALLEN TALE

THIRD PERSON'S POV

“Hala, himala ay buhay pa si Rastelli”

Napatingin si Mary sa tinutukoy ng mga estudyante sa lobby. May tinitingnan sila sa ibaba habang naglalakad. Hindi din mapigilan ni Mary na tumingin doon at makikita ang isang lalaki na maraming sugat sa katawan 'lalo na ang mukha nito.

“Binugbog na naman siya?”

“Halata naman diba?”

“Grabe nakakalakad pa siya”

“Ilang beses na ba 'yan nangyari sa kanya?”

“Araw-araw ay may pasa siya sa mukha”

“Infairness gwapo pa rin niya”

“Boba! Iniisip mo parin 'yan”

“Kawawa naman siya noh?”

“Ano kaya ang dahilan kung bakit siya ganyan palagi?”

“Hindi natin alam. Tanungin mo kaya”

“Nah, nakakatok siya”

Matagal na kilala ni Mary si Marcellus dahil iniligtas na nito noon ang kanyang buhay. Muntikan ng mamatay si Mary kasi may kumuha sa kanya na isa palang serial killer, akala niya ay katapusan ng kanyang buhay. Gulat siya noon ng makatakas ng tinulungan siya ni Marcellus dahil napadpad siya lugar na 'yon.

“Tumakbo ka na ng mabilis! Dumiretso ka lang diyan sa maliit na pathway! May mga pulis sa daan ngayon! Bilisan mo bata! Ako na ang bahala dito!”

Hindi inakala ni Mary na makikita niya ulit si Marcellus matapos ang ilang taon na lumipas ngunit hindi niya inaasahan na ganito ito lumaki. Palagi niyang nakikitang nakipagbasag ulo halos kahit saan mapunta sa siyudad.

“Sino ang tinitingnan mo?” tumabi si Leona sa kanya sa railing. Sinunod din niya ang tingin ni Mary. Kumunot ang noo niya. “Bakit mo tinitingnan si Rastelli?”

“Huh?”

“Gwapo naman si Marcellus. Mula din sa mayaman na pamilya pero ang problema niya ay sobrang liit ng pasensya at palaging solusyon sa problema ay violence” pahayag pa ni Leona sabay isinandal ang dalawang siko sa ibabaw ng railings. Pinanood nilang dalawa na naglalakad si Marcellus papasok sa main building ng kanilang university. “May pasa na naman siya? Mukhang grapes na ang mukha niya”

“Bakit palagi siyang ganyan? Diba mayaman ang pamilya niya?” nagtatakang tanong ni Mary. 

Leona shrugged her shoulders. “Malaking palaisipan 'yan dito sa university kung bakit siya ganyan. As far as I know his family is really not that kind of people”

Pumasok na sa loob ng main building si Marcellus kaya't hindi na niya makita. Nasa second year na siya na nag-aaral habang bago pa lang si Mary.

“Are you curious about him?” Leona asked.

The Crimson PainterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon