CHAPTER 14: SHADES OF RED
Ilang sandaling binalot ng katahimikan ang buong condo unit ko. Ngayon ay nandito ang tatlo ko na nakakatandang kapatid na gustong malaman kung ano ang totoong nangyari kaya pumunta sila dito para magusap kami.
Nagsinungaling pala si Kuya Benedict na wala dito sa amin ang dalawa namin nakakatandang kapatid. Walang isa sa amin ang makapagsalita matapos ko kinuwento 'yung nangyari sa amin noon ni Marcel. Halos maiyak pa ako ng sinasabi sa kanila iyon dahil matagal ko din kinikim ang sakit na nararamdaman ko.
Tahimik akong niyakap ni Ate Catalina. Mas naiyak ako sa kanyang ginawa. She didn't spoke anything after listening and just gently caress my back. Sumunod na tumayo si Kuya Benedict na yumakap din sa aming dalawa. Napapikit ako ng ulit na tumulo ang mga luha ko.
Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon ngayon. Parang kakaiba na maramdaman ang mainit nilang mga yakap.
We hugged for a few moments before they let me go. Both of them smiled so bitterly.
"Sorry kung wala kami doon nang naghirap ka" Ate Catalina gently patted my shoulder. "I never knew you went through this. You don't deserve all of this pain, Mary"
Napatakip nalang ako sa aking mukha. Mas humagulgol ako. Both my siblings comforted me once again while Kuya Darius was silently watching over us. Huminga muna ako ng malalim habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko.
"Hindi ko siya nakausap kahit sa huling sandali" pagamin ko, mariin akong napakagat sa aking ibabang labi ng naramdaman ang hapdi sa puso ng maalala ang hitsura niya ng nagsimula ang lahat.
His eyes were begging to not leave him but I turned my back and runaway from him. That scene always haunts me since I never got to meet him again.
"Mary" mahinang pagtawag ni Ate Catalina.
Inangat ko ang aking ulo. Nakita ko na ngumiti siya tapos ay nilapit ang mukha niya. Mahina ang boses niya na may binulong sa tenga ko.
"Give us a moment alright? Maguusap lang kaming tatlo. Pumunta ka muna sa kwarto mo. Iiyak mo lang ang lahat na naramdaman mo at magusap ulit tayo kung maayos ka na"
Bago ako umangal ay ulit na nakangiting tumango si Ate Catalina. She glanced over to my bedroom. Tumingin naman ako ni Kuya Benedict na tumango din. Hindi ko tiningnan si Kuya Darius na sigurado na umiwas na ng tingin.
Tumayo na ako sa kinaupuan, dumiretso na ako sa kwarto ko na katabi lang ng living room. I throw a last glance over them where both Ate Catalina and Kuya Benedict faced to Kuya Darius with serious expression.
Pumasok na ako sa loob ng kwarto pero hindi ko masyadong sinirado ang pintuan para marinig ang kanilang pinagusapan. Tumabi ako sa gilid para makinig ng nagsimula na silang magusap.
"Why did you never told us about this?" I heard Ate Catalina questioned. "Alam ko na nagkaroon ng stalker incident si Mary ilang buwan na ang nakalipas. But you never told us about this part. Bakit mo nagawang maglihin sa amin tungkol dito Kuya Darius"
BINABASA MO ANG
The Crimson Painter
Misterio / Suspensomystery series #1 complete | unedited As the saying goes, "To see is to believe." Amarylis Castellaños doesn't believe in people or things readily in life; she only trusts what she can see. She also thinks that people will believe what they see, so...