MAINGAY ang paligid, maririnig mo ang samo't saring mga busena ng mga
sasakyan. Sinasabayan din nito ng mga boses at mga salitang naghahalo halo.Nandito ako ngayon sa waiting shed, nakaupo. Ako lamang ang magisa ngayon dito sa upuan. Ngunit maraming mga tao sa harapan ko ngayong nakatayo at naghihintay ng bus na masasakyan.
Huminga ako ng malalim at sumandal sa inuupuan ko.
Nakakapagod ang araw ngayon. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko, ngunit mas higit ang kasiyahan sa puso ko.
Tapos na ang laban.. kahit wala namang dapat ipaglaban.
Sa wakas, nasabi ko na ang totoo. I came out to my parents. Sa ilang taon ko ng tinatago ang totoong ako ay sa wakas, I'm free.
I'm free to express who I am now. I don't need to hide it anymore.
Noong sinabi ko sakanila lalong lalo na kay Dad na I'm different- I'm Bi, specifically. Hindi ko na sila hinintay pa kung ano ang magiging reaksyon nila kung kaya't halong halo rin ang emosyon na nararamdaman ko ngayon.
But then, at least- alam na nila. And I'm happy for what I have done.
Pinikit ko ang aking mga mata, at pinakiramdaman ko ang aking sarili.
Sa pagpikit kong iyon ay hindi ko na pinansin ang mga ingay, at gumagalaw saaking paligid.
Ngunit ilang sandali lamang ay naramdaman ko namang may humihila sa suot-suot kong polo uniform.
"Kuya, kuya," Agad naman akong umayos ng upo tinignan kung sino ang humihila saakin na iyon.
Nagulat naman ako noong makitang isa iyong batang babae.
Mga walo o siyam na taong gulang yata ito? Ang cute-cute niya, chubby cheeks. Nakadress ito na pink na mukhang nagbaballerina yata at may backpack na suot.
Mukhang galing ito sa practice niya.
Teka, may kasama ba itong magulang?"B-Bakit?"
"Umiiyak ka po,"
Mabilis ko namang hinawakan ang mukha ko at nagulat ako noong may mga luha nga doon na galing saaking mga mata.
"Ah, sorry," Ewan, ngunit 'yon ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
"Ba't ka nagso-sorry?" Hindi naman agad ako makasagot.
"Saan magulang mo?" pagiiba ko ng topic. Ngunit hindi niya rin sinagot iyon.
Nakita kong umupo siya sa tabi ko, at hinubad ang bag na dala dala niya.
Tinitignan ko lang siya habang may kinukuha doon. Maya maya lamang ay may inilabas siyang chocolate, Hershey's Milk Chocolate with Almonds.
"Gusto mo po? Ang sabi ni Mommy, pag sad daw kumain ako ng chocolate," Hindi ko namang maiwasang ngumiti at tumango.
Sinubukan niyang buksan iyon ngunit hindi niya ito mabuksan kung kaya't kinuha ko iyon at binuksan para sakanya.
"Kuha ka po," alok niyang may paggalang. Hindi naman ako tumanggi, at kumuha ng piece sa alok niyang tsokolate.
"Thank you," paghingi ko ng pasasalamat, sabay subo ng tsokolate saaking bibig.
Sa pagsubo ko ay biglang nawala ang mga inaalala kong mga iisipin.
"Hmm! Ang sarap! 'Di ba po?!" Napangiti naman ako at tumango.
Sa isang iglap ay biglang gumaan ang pakiramdam ko noong malasahan tsokolate saaking bibig.
BINABASA MO ANG
Iglap
RandomMy entry for Hershey's 'A Piece of You'- Writing Contest! A story of a highschool guy who turned out to be a bisexual, just came out with his true self to his parents. After confessing who he is, he was scared, and run away from home. He stayed in a...