Masaklap man isipin na kailangang mamili,
Dahil sa nabuong tamang pag-ibig sa oras na mali,
Sumibol na pagtitinginan sa bilang na panahon,
Walang ibang hiling kundi isang pagkakataon.
May mapapala ba sa pagtitiwala?
Kung ang katapusan ay isang pagbaliwala.
Ito ba ay may magandang kahahantungan?
Kung lahat ng ito'y walang kasiguraduhan.
Batid ng aking puso ang kaligayahan,
Na mailahad ang ating munting kasaysayan,
Mauwi man ang lahat sa hiwalayan,
Ang mahalaga tayo'y naging magkaibigan.
Baunin mo ang salitang "salamat" sa iyong paglayo,
Hiling kong pangarap mo'y lalo pang lumago,
Masaya akong makilala ka, sinta.
Ayaw ko man na mawala ka, wala akong magagawa.
Palagi mong tandaan, kahit saan.
Mahal kita maging sino ka man.
Hadlangan ko man, di ko makakaya,
Kung pwede ka lang angkinin, ginawa ko na sana.