Chapter 54: Forgiveness

203 4 0
                                    

"Okay ba 'tong suot ko? Hindi ba ako mukhang jejemon?"

Aligagang inayos-ayos ni Kaiden ang kanyang suot na plain maroon na tshirt na tinernuhan niya ng gray na korean trouser. Talagang pinaghandaan niya ang araw na 'yon para makausap ang taong kinamumuhian niya ng ilang taon. Nakaharap siya sa gawi ni Dreams na tapos nang magbihis at hinihintay na lamang siya. Sa tagal ng pagbibihis nito at pagpili ng susuotin ay inabot na sila ng hapon.

"Kakausapin mo lang naman siya, hindi ka naman rarampa sa harapan niya e." Usal ni Dreams at tumayo saka nilapitan si Kaiden. "Okay naman 'tong suot mo e. Ang gwapo-gwapo mong tignan. Napakadisente. Panigurado lahat ng makakasalubong natin ay hindi maiiwasang lumingon sa'yo."

Nahihiyang ngumiti si Kaiden at hinayaan niyang ayusin ni Dreams ang postura ng kanyang buhok. Sumilid pa pababa upang maabot ni Dreams ang kanyang ulo gawa ng may katangkaran nga siya.

"Syempre, magaling 'tong stylist ko e."

Kinurot ng bahagya ni Kaiden ang pisngi ni Dreams nang mapansing ngumiti ito. Bago pa sila maglandian ng todo ay gumayak na silang dalawa patungo sa restaurant na napagkasunduan nila na meeting place.

Sa byahe pa lamang ay kapansin-pansin na ang pagkaaligaga ni Kaiden. Hindi siya mapakali sa kinauupuan at hindi lang tatlong beses na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kapansin-pansin rin ang pamumutla niya ng bahagya dahilan para kabahan si Dreams.

"Daddy Dok, okay ka lang ba?"

Ngumiti ng sapilitan si Kaiden dahil ayaw niyang mag-alala ang babae sa kanya kahit kapansin-pansin na hindi naman talaga siya okay.

"Yeah, I'm fine."

"Sus! Halata namang kinakabahan ka e. Kanina ka pa 'di mapakali dyan at para kang natatae dyan sa postura mo. Kumalma ka nga, hindi ka namam niya kakainin ng buhay e. Mag-uusap lang naman kayo."

Sinusubukan niyang pakalmahin ang doktor dahil baka mapano pa ito dala ng matinding kaba. Baka hindi pa sila nakakarating ng restaurant ay nahimatay na siya sa takot. Kahit papaano ay gusto niyang pagaanin ang pakiramdam nito upang makapag-usap sila ng maayos. Nakailang beses niya pa nitong kinumbinsi kagabi na pumayag sa gusto niya.

"Hindi ko maiwasan ang kabahan. Damn! Ngayon ko lang ulit siya makakausap ng harap-harapan, ng kami lang dalawa. What if may masabi ako na hindi niya magugustuhan. What if mainis ako sa mga paliwanag niya't makapagsabi na naman ako sa kanya ng masasakit na salita? Anong gagawin ko? Dreams, I told you, I'm not ready for this."

Kahit hindi sabihin ni Kaiden ay ramdam ni Dreams yong kaba at takot niya. Sa tagal ng panahon na walang imikan sa kanila, alam ni Dreams ang ilang at hirap na makausap nila ang isa't isa. Lalo pa at yong huling pag-uusap nilang mag-ina ay naging mainit. Hindi man niya nakikita pero alam ni Dreams na iniiwasan ni Kaiden ang kanyang ina kapag ganon na nasa iisang ospital sila at nagtratrabaho.

"Kailan ka magiging ready? Kailan mo siya balak kausapin ng maayos? Kapag matanda na siya? Kapag naramdaman na niya yong mga hirap na pinagdaanan mo? Kapag bingi na siya? Kapag nasa hukay na siya, hmm?"

Natigilan si Kaiden. Kahit galit siya sa kanyang ina, hindi naman siya makakapayag na mangyari iyon. Galit siya oo pero mayroon pa rin sa kanya ang katiting na pagmamahal para sa ina. Hindi man niya yon maiparamdam, gagawin niya pa rin lahat para maayos ang sa kanila. Walang sugat ang hindi kayang maghilom.

"Sa lahat ng ginawa ko sa kanya, mapapatawad pa kaya niya ako? I don't think so. I'm such a asshole son to her."

"Hindi kaya. Ako nga napatawad kita kahit nakagawa ka ng bad sa akin, siya pa kaya. Alam mo, walang kasalanan ng anak ang hindi kayang intindihin ng magulang. Saka, nanay mo yon, tiyak maiintindihan ka niya. Tao ka lang naman e, nagkakamali."

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon