ERRORS AHEAD
-
-
Still living but barely breathing.That's the best words to describe what I feel right now.
He's too close but too far to hold.
Alam kong karapatan lang niyang magalit saakin dahil sa mga nagawa ko sakaniya. Marami akong pagkukulang lalo na sa anak namin, kaya wala akong karapatang magreklamo.
"S-saan ka pupunta?" Tanong ko.
Tinapunan niya ako ng malamig na tingin at nakapamulsang humarap saakin.
"Why would I tell you?" He icily said and turned his back on me.
Malamig. Simula nang mapadpad akong muli sa Tore ilang araw na ang nakakalipas ay nakakanginig at nakakangilo ang trato niya saakin sa sobrang lamig. Parang nagyeyelong karagatan ang kaniyang mga mata, masiyadong malalim na hindi maabot ng aking isipan ang kaniyang mga iniisip.
Nilunok ko ang bakag na bumara sa lalamunan ko at tumingala upang bumalik ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
Dalawang araw silang walang paramdam at mag-isa lang ako rito at inaalagaan ang anak namin, nabalitaan ko nalang na pinuntahan nila si Pain sa underworld.
Pagkatapos ng dalawang araw na paghihintay sakaniya ay nilinis ko ang buong Tore habang natutulog si Grant. Kinagabihan ay siya namang dating nila kasama ang dalawang babae na sina Canah at Rukia.
Nginitian lang ako ni Canah at tinaasan ako ng kilay ni Rukia bago lumapit saakin.
"Inaartehan ka pa ba ni Jelal?" Tanong niya ng samahan niya akong maglakad papunta sa kusina.
Tinikman ko ang menudo na niluto at okay naman ang lasa.
"Hindi ko naman siya masisisi eh." Sagot ko at binigyan siya ng apologetic na tingin.
Bumuntong hininga siya at umirap sa kawalan.
"Wag mong suyuin. Arte-arte, samantalang kulang nalang mawala sa sarili 'yan ng hindi ka niya mahanap. Hmp!" Natawa ako sa reaksyon niya na para bang nandidiri ito.
"Ay—correction nga pala, nabaliw talaga 'yan noon."
Nagpaalam na siya dahil may aasikasuhan pa daw. Kaya nakakapunta ngayon dito si Rukia ay dahil wala si Trae, hindi na ako magtataka kung bakit. Simula ng magkita kami ulit ay umaakto siya na para bang wala siyang nagawang kasalanan saamin, though, humingi naman na siya ng sorry but still that's not enough for me. I'm still longing for Sassa.
Naghain ako ng mga pagkain sa lamesa habang naka-dekwatro sa single sofa si Jelal at mataman namang nanonood sa bawat galaw ko.
"Para saan ang lahat ng 'to?" Sabi niya na tinutukoy ang mga hinanda ko.
Lumingon ako sakaniya at binigyan siya ng matamis na mga ngiti.
"Wala lang, g-gusto ko lang ipaghanda ka—"
Halos mapatalon ako sa gulat ng kalampagin niya ang lamesa habang nanlilisik ang mga mata.
"Bullshit!" Nanginginig akong nag-iwas ng tingin habang pinipigilan ang nagbabadyang luha.
"Ikuha mo nga ako ng tubig!" Pabulyaw na utos niya na agad ko namang sinund.
Naninikip ang dibdib ko at gusto ko nalang magkulong sa kwarto at umiyak. Pero kung mananatili akong gano'n, paano ko maipapanalo ang loob niya ulit?
Nang malapit na ako ay rinig ko mula sa kinatatayuan ko ang pag-uusap nila.
"Ano na? Still pabebe ka parin hanggang ngayon? Oh com' on, men!" Panunuya ni Acre habang ngumunguya ng isinubong patatas.
BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
FantasiDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...