I

9 1 0
                                    

Nabanaag sa kaakit-akit kanyang ganda,
Agad nabighani sa kanyang mukha.
Dalisay at inosente, silakbo ng damdamin.
Tinatangi ng buong purok-aralan,
Kinikilig sa bawat karipas ng mga mata.
Para siyang isang anghel,
tumatakbo sa bahaghari at alapaap.
Isa ngang tunay na mutya ang aking nakita.
Naiisip t'wing takip-silim, ako'y nahumaling
Naaalala ko ang kanyang mukha sa bawat bukang liwayway,
Ngunit sa kabilang dulo ng aking istorya,
Naglilihim ng isang makisig na ginoo,
Isang paraluman, hindi ko kayang tapatan.
Hinarana, ako'y naduwag.
Naluha at nalungkot sa aking nasaksihan,
Ngunit ika'y kailanganang kalimutan,
sa likod ng mga luha at ngiti.
Ang mga gunita ng iyong mga ngiti at tingin,
magpakailanma'y isasapuso.
Siguro nga ito ang hataw ng tadhana,
Magsimula ng bagong yugto,
Kailangan kong umalpas sa lumbay na aking nararamdaman.
Ito na ang aking huling pahimakas, giliw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula na para sa KanyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon