Chapter 10

105 10 4
                                    

          PAKIRAMDAM ni Luisa ay namumula ang kanyang mukha, ramdam niya ang pag-iinit niyon. Hindi maipaliwanag ng dalaga kung bakit ganoon na lang ang kinilos niya kanina pagkakita kay Levi. Para siyang wala sa kanyang sarili, she hugged him and clung onto him, na para bang siya ang girlfriend. Kaya nang matauhan ay agad siyang lumayo at nagdahilan na may gagawin sandali sa kuwarto. Pero ang totoo, kinailangan niya na lumayo sandali para ayusin ang sarili at ipaalala ng paulit-ulit ang dahilan kaya sila nagkakilala ni Levi.

Ilang sandali pa, matapos makabawi ay kinondisyon niyang muli ang sarili at tumikhim bago lumabas ng kanyang kuwarto. Naabutan ni Luisa na nakaupo sa tapat ng mesa at halatang hinihintay siya.

"I made a sandwich for you," sabi pa nito.

Nahihiya siyang ngumiti. "Thanks."

"Halika na dito, maupo ka na. Hindi na masyadong masarap yan kapag lumamig."

Sinunod niya ang sinabi nito at naupo na nga sa harap ng dining table.

"Mmm..." napaungol na reaksyon niya matapos kumagat nang matikman ang masarap na lasa niyon.

"Ang sarap!"

Ngumiti si Levi. "Thanks."

"'Di ba sabi mo Chef ka? Dalhin mo naman ako doon, para matikman ko lahat ng pagkain niluluto mo," sabi pa niya.

Sa halip na sumagot agad, nanatiling tahimik si Levi, bukod doon ay para pa itong natigilan na tila nagulat sa kanyang sinabi. Biglang bumalik sa alaala ni Luisa ang laman ng isip kanina. Binaba niya sandali ang sandwich pagkatapos ay uminom ng tubig.

"Sorry, masyado na yata akong nagiging komportable sa'yo. Nakakalimutan

ko na kaya ka pala nandito ay dahil hinihintay mong bumalik ang girlfriend mo."

"Luisa, it's not that," sagot nito.

Nahihiya siyang ngumiti. "Hindi, iyon naman ang totoo. Kanina, 'yong ginawa ko kanina na yumakap ako sa'yo. I am sorry kung medyo awkward. Ayokong mag-isip ka ng masama sa akin. Wala akong planong mang-agaw."

Napatingin siya dito nang marinig na mahina itong natawa. Kumunot ang kanyang noo.

"Teka, tinatawanan mo ba ako?" medyo iritableng tanong niya.

Lalong natawa si Levi. Sa pagkakataon na iyon ay mas malakas ang tawa nito.

"Sorry, nakakatawa ka kasi. Hay... minsan mga babae talaga mahilig mag-overthink."

"Kainis ka," natawa na rin na sagot niya. "Kanina pa ako nagi-guilty dito eh."

"No, just kidding. Tungkol sa restaurant, sige, minsan dadalhin kita pero hindi pa ngayon. Naka-indefinite leave ako dahil may mga inaayos pa ako sa personal na buhay ko. Kaya habang hindi pa ako nakakabalik, dito muna ako magluluto sa kusina mo. Ikaw muna ang ipagluluto ko."

Tumalon ang puso ni Luisa nang gumuhit ang magandang ngiti ng binata. Muling nagwala ang kanyang damdamin. The way Levi stares at her reaches through her heart.

"Hindi ba siya magseselos?"

"Hindi nga, believe me. Siya ang pinakahuling magseselos sa mundong 'to. Kaya huwag mo nang isipin masyado 'yong pagiging komportable mo sa akin. I like it this way, Luisa. Gusto ko 'yong nakakapag-usap tayo nang hindi ka naiilang sa akin. Gusto ko 'yong komportable ka na nakakapag-kuwento sa akin. And I do not want to change anything between us."

Midnight RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon