Ako si Kara at isa ako sa milyong-milyong taong nagpo-post sa facebook at nag t-tweet sa twitter na 'walang forever' period. Totoo naman talaga eh! di naman talaga nag eexist ang forever, lahat ng bagay ay di nag eexist ng pang habang-buhay.Parang unli sa mga mobile sim, ang sabi unlimited daw pero nag eexpire din pala. Parang yong pelikulang 'forevermore' nina Agnes at Xander, akala mo forever na talaga pero natapos din pala.
Parang yong pagmamahal nya para sakin, sabi nya forever nya kong mamahalin at walang kahit na sino ang makapaghihiwalay samin pero ngayon, asan sya?? buhay na buhay pa nga ako pero iniwan nya na.
Ang pakshit diba? Nasaan na ang forever na sinasabi nila?!?
Ilang beses na akong nagmahal at ilang beses narin akong nasaktan at ilang beses narin akong nabigo dahil naniwala ako noon sa lintek na forever nayan. So i stop believing dahil kahit ang bestfriend na akala kong andito lagi sa tabi ko na sya nalang sana ang meron ako, iniwan din ako.
Naniniwala nalang ako na lahat ng taong darating sa buhy ko eh, iiwan din ako. Katulad narin ng bestfriend ko na dapat sana andito sa tabi ko, iniwan din ako dahil lahat ng bagay na kahit akala mong di mawawala eh, iiwan ka rin pagdating ng araw. Naniniwala rin akong walang pagmamahal ang tumatagal ng forever.
Naniniwala akong katulad ng call and text, na darating talaga ang oras matatapos ang tawagan nyo, na may expiration din ang mga taong magmamahal sayo.
Wala nga kasing forever diba??
BINABASA MO ANG
Totoo nga ba ang Forever?
FantasyAng pag-ibig, minsan hindi mo makikitang darating pero kapag aalis na, bukas mata mo pang mapagmamasdan. Ganun kasakit ang mawalan ng taong minamahal. Para kang mababaliw sa sakit. Para kang tangang umaasang maaayos pa ang lahat. Para kang naghihin...