Chapter 5

3 0 0
                                    

Chapter 5 Work

Hindi pa man nag iingay ang paligid at ang orasan ay gising na ako. Maraming bumabagabag sa aking isipan isa na dun ay kong kumusta na kaya ang pamilya ko?

Hindi pa nga ako dito umabot ng isang araw ay agad ko na silang gustong makita. Umupo ako sa higaan habang pinagmamasdan si Ria na natutulog sa kabilang higaan. Mahimbing ang tulog nito at talagang hindi naisip na malapit nang sumapit ang bukang Liwayway.

Sandaling pumasok sa aking isipan ang aking kuwentas. Ang bigay ni Hiro na kuwentas.

"Nako!" Kinakabahan kong bulong.

Inisip kong maigi kong saan ko ba talaga iyon nailagay. Ang pagka-alala ko'y huli ko itong nahawakan nu'ng nagkagulo ang aming bayan. Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay nawala na kaagad iyon sa aking isipan.

Paano kung...

Hindi ko naman siguro iyon nahulog. Maaaring naitago iyon ni Mama o kaya naman ng mga kapatid ko. Pero hindi ko naman naibigay sa kanila at papaanong matago nila iyon?

Ang tanga lang.

"Hayyyyy..... Saan ko ba talaga nailagay iyon?" Problemadong tanong ko sa aking sarili.

Pumikit ako para alalahanin kong kailan ko nga ba huling nakita iyon. Pero tanging wala ang naging tugon sa lahat.

Kinaumagahan ay hindi maiguhit ang aking mukha. Buhaghag ang aking buhok at maitim ang ilalim ng aking mata. Napuyat talaga ako kakaisip kong saan ko nga ba talaga nailagay iyon.

"An'yari sa iyo?" Si Ria.

Preskong presko ang kan'yang paggising at may ngiti pa ito sa labi samantalang nagmukhang asawang naman ako. Iba'ng iba nga talaga ang panaginip sa bangungot.

"Wala." Mahinang tugon ko.

Bumuntong hininga na lamang ako at binuksan ang bintana sa aming silid. Kakatunog lang ng orasan. Ibig sabihin alas singko na sa umaga.

"Maliligo muna ako," aniya.

Tumango ako.

Mag sarili kaming paliguan. Hindi na naman kailangan pa ang mag-igib ng tubig sa balon. Mabuti at kompleto sila sa kagamitan dito, iyon ngalang ay limitado.

Pagkatapos naming maglinis ng katawan ay naghintay muna kami ilang oras upang makalabas. Sarado ang pinto.

Alas sais nang awtomatikong bumukas ang pintuan. Nagulat pa nga kaming dalawa ni Ria dahil akala namin ay mayroong taong bumukas nito.

"Ayos!" Bungisngis ni Ria.

Napatawa nalang din ako sa babaeng 'to. Minsan ko lang siya nakakausap noong nasa bayan pa namin kami dahil masyadong maraming trabaho doon. Minsan nalang kami kong magkaroon ng oras para sa aming sarili kaya't kapag tapos na sa gawain ay pagliliwaliw ang siyang ginagawa ko.

Pangalawang anak siya ni Tiyo Lito at siya din ang inaasahan sa lahat. Maliliit pa ang ang tatlong kapatid nito na sina Julian, Jeje, at Ashley. Ang nakakatanda naman nilang si Yannie ay ginawang alipin ng isa din sa mayaman na pambira dito sa Eastwood. Matagal na din nang huli namin siyang nasilayan, bata pa lang siya noon nang nilisan niya ang kanilang tahanan.

Nagsilabasan na din ang iba pang mga alipin sa kanilang mga silid. Lahat kami'y nakasuot ng puting damit at itim na palda na hanggang tuhod. Nakatali ang aming mga buhok.

Agad naming nakita si Aleng Sisa at ang magkakapatid dahil katabi lang namin sila ng silid. Mayroon din akong kakilala na nakasalamuha.

May mga bantay sa paligid namin kaya hindi namin magawang makipag usap. Masyadong mahigpit ang palasyo, tulad ng aking inaasahan.

Dahil nga nakatalaga na kami sa kan'ya kan'ya naming mga trabaho ay agad na kaming humiwalay. Sa pangalawang palapag si Ria. Siya ang tagalinis. Samantalang ako naman ang sariling alipin ni Prinsipe Loala. Kailangan kong gawin ang ipinapagawa niya.

Hindi ko parin maiwasang mapalibot nang tingin sa paligid. Ganitong ganito ang buhay na gusto namin.

Kailan nga ba?

Kailan kaya darating ang araw na iyon?

Hayss....

Nasa gitna ako ng dalawang hagdan. Kaharap ko ngayon ang matangkad na istatuwa. Babaeng walang damit. May hawak itong lampara at malungkot ang ekspresyon nito. May luha sa kanang bahagi ng kanyang mata.

Mga apat na limampung hakbang ang aking ginawa hanggang sa nakarating ako sa ikalawang palapag. Sa kanang hagdan ako dumaan dahil ang kabila'y hindi ko pa alam. Ang paalala sa'kin ni Prinsipe Loala ay huwag lumapit doon dahil namumugad daw ang kasamaan sa sa silid na iyon. Minsan hindi ko maintindihan kong nagbibiro ba siya o talagang seryoso ang mga sinasabi niya.

Sabi niya'y kakatok lang daw ako pang limang beses sa kan'yang pinto. Inayos ko muna ang aking sarili bago kumatok. Maya maya ay bumukas ito at bumungad sa akin ang kulay pulang mata nito. Presko ang dating niya ngayon. Iba'ng iba ang pananamit niya sa tuwing bibisita sa amin. Nakasuot lamang ito ng sando na hapit na hapit sa kan'yang katawan at isang kulay itim na salawal.

Ngumiti ako't bumati sa kanya. "Magandang umaga, Prinsipe Loala." Yumuko ako.

"Magandang umaga din, Cielo." Tugon nito.

Pinapasok niya na ako pagkatapos ng kaunting pag uusap. Walang ilaw sa kanyang silid. Nakasarado ang kanyang bintana kaya tanging lampara at isang kandila lamang ang nagbibigay ilaw sa paligid. Kahit pa man sa kadiliman ay nakikita ko parin ang pag-kamalinis niyang tao. Plastada ang kanyang mga gamit at hindi kakalat kalat sa kong saan. Maayos din na nakalatag ang kanyang libro sa lalagyan nito.

"Ehemm"

Agad akong lumingon sa aking kaharap. Nakataas ang makapal nitong kilay at pinapanood ang aking galaw. Agad akong napayuko sa kahihiyan na nagpatawa sa kan'ya ng mahina.

"Dahil nga wala namang lilinisin sa aking silid ngayon ay ipapalagay ko nalang ito sa sa silid ni... Prinsipe Everette." Usal niya sabay abot sa mga papeles. Makapal na papeles.

"Sige po."

Sandaling nagkadikit ang aming mga kamay. Agad kong kinuha ang papeles dahil sa gulat. Agad na naman nagsi-awitan ang paru-paro sa aking tiyan habang palakas nang palakas naman ang tibok ng aking puso.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Tumalikod na ako. Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. Ngiting hindi maiiwasan na naiisip ang pangyayaring iyon.

"Cielo." Tawag niya.

Agad kong iniba ang aking ekspresyon. Lumingon ako sa kan'ya gamit ang nagtatakang mga mata. Nakaupo siya sa kan'ya lamesa at may sinusulat. Hindi ito tumingin sa akin bagkos ay patuloy parin ito sa kanyang ginagawa.

"Alam mo na ba ang silid ng mahal na Prinsipe?"

Umiling-iling ako.

"Hindi." Nakatungangang sagot ko naman.

Hayss...

Dahil sa pangyayaring iyon ay pareho kaming tahimik na dalawa habang naglalakad sa pasilyo. Magaan lang ang dinadala kong mga papeles. Nais niya pa sanang dalhin iyon kaso nagpumilit ako na ako ang magdadala.

Huminto kami sa kulay itim na silid. Dragon ang busol nito. Hindi na kumatok ang Prinsipe at agad niya na itong binuksan na walang paalam. Naghintay lang ako sa labas.

"Harvey Evette, you have to wake up now. There's someone waiting at you."

Dahil nga hindi ko maintindihan ang sinasabi nito ay parang tanga lamang akong pilit intindihin. Sa sobrang tagal niya yatang gisingin ang kapatid ay halos mag iisang bilyon na minuto akong naghintay sa labas.

"Ano ba?!" Naiinis na binuksan ni Prinsipe Evette ang kan'yang silid. Humikab pa ito habang kinukusot ang kanyang mata. Kahit pa man kakagising niya palang ay hindi mo parin maipagkakaila na guwapo parin siya. Pero ubod naman ng kasamaan ang budhi.

Pagkamulat ng kanyang mga mata ay agad ko itong nagkatagpo. Nagulat pa ito na nakita akong kaharap niya. Hindi ko alam kong saakin ba talaga siya nagulat o sa mga papeles na dala ko. Agad niyang sinara ang kanyang pinto. Sa lakas nito'y umalingawngaw sa loob ng palasyo.

A Girl In A Red HoodWhere stories live. Discover now