Chapter 7

1 0 0
                                    

Chapter 7

"Rage"

Kahit na pilit kong ipikit ang aking mga mata ay hindi ko parin ito magawa dahil sa naririnig kong pagsinghot at mahihinang hagulhol ni Ria. Parang sinasaksak din ang aking puso habang pinapakinggan ko ang pagdurusa nito.

Hindi ako nakatiis kaya naman bumangon ako't lumapit sa kan'ya. Nakaharap siya sa dingding kaya't hindi ko makita ang kanyang mukha.

"Ria.." tawag ko.

Hindi ito lumingon o sumagot man lang. Patuloy parin ang kanyang iyak. Alam kong naririnig na kami sa kabilang silid dahil sa lakas ng kan'yang pag-iyak. Banayad kong hinaplos haplos ang kanyang likod.

"Putangina nila." Mahinang mura niya.

Kinaumagahan ay namamaga ang mata nito at namumula. Kahit anong gawin kong pagpapatahan sa kan'ya ay hindi parin ito humihinto.

"Alice." Tawag niya sa akin.

Agad naman akong lumapit sa kanya at mapait na ngumiti. Nanghihina ang kanyang katawan. Kulay na puti ang kanyang labi.

"Bakit?"

"Hindi ka naman nagsisinungaling sa akin, diba?" Mahinang tanong niya. Umiling-iling naman ako't tumingin sa kan'yang mga mata para siguraduhin na hindi ako nagbibiro. "Sana'y nagbibiro ngalang talaga ako."

Lumipas ang oras na walang iyak ang aking narinig mula sa kaniya. Tanging luha na tumutulo lamang sa kanyang mga mata at ang paghinga niya ang aking naririnig at nakikita.

"Alice, Magbabayad sila. Gayong nandito na tayo sa palasyo ay magagawa na natin ang gusto natin."

Ang salitang sinabi ni Ria sa akin ay siyang nagpasiklab lalo sa aking kalooban na sumunod sa aking kagustuhan. Dati'y binalewala ko lamang ito't iniisip ang magiging kapalaran ng aking pamilya at bayan.

Ngunit ano ba ang nararapat? Ang maging alipin at sunod-sunuran sa mga bampira o ang maghiganti sa kanila?

Nasa silid ako ngayon ng Prinsipe. Aniya'y marami pa daw siyang aasikasuhin. Maiiwan muli ako silid niya at bilin niyang linisin ko daw ang mga kalat niya. Nagtaka naman ako dahil wala namang kalat ang silid niya.

"Huwag kang lalabas. Maraming masasamang loob ang palasyong ito." Huling paalala niya bago umalis.

Nakaka bagot na namang araw ang haharapin ko. Wala na yata akong ginagawa dito kun'di ang maghintay sa aking makakain sa tuwing sasapit ang tanghalian at hintaying mag alas singko para makabalik muli ako sa aking silid.

Lahat ng mga katulong ay kailangang pumasok sa iisang silid pagkatapos ng kanila trabaho at hihintayin ang pag katok ng orasan. Samantalang ako, dahil nga sa prinsipe lamang ang aking trabaho ay pinapanatili niya lang ako sa kan'yang silid. Naiintindihan ko naman ang patakaran ng palasyo.

Natatakot na silang maubusan ng pinagkukunan nila ng mga dugo. Kapag nawala ang mga mortal ay siguradong mawawala din sila. Kahit anong kabagsikan nila'y naiisip parin nila ang bagay na 'yon.

Muling pumasok sa aking isipan ang aking kuwentas. Nakakainis mang isipin ay pilit ko nalang iwinawala iyon sa aking sarili. Mahalaga iyon sa akin. Mahalaga ang nagbigay noon sa akin.

Ngunit papaano ko ba makukuha iyon?

Bakit nga ba nabuhay pa ang tulad niya? Sakit lamang siya sa ulo.

Kalahati na ang buhangin sa lalagyan nito. Malapit nang magtanghali. Mabuti naman.

Tumitig ako sa bintana. Hindi naman ako pinagsabihan o pinagalitan ng prinsipe na pakialaman ang bintana niya kaya pwede ko naman sigurong ulitin ang ginawa ko.

Bagot na bagot ako buong araw. Nais kong lumabas pero natatakot akong maging biktima nila.

Tatlong araw ganoon ang aking gawain. Sa tuwing papasok ako sa silid ng Prinsipe Loala ay siya ding pag-alis nito. Mga babala at paalala niya. Sa tuwing babalik naman ako sa silid ko ay ganoon parin. Iyak o kaya naman ay galit ang nararamdaman ko sa silid kasama ang babae..

Nabalitaan kong kalat na sa buong palasyo ang pangyayari. Lahat ay natatakot para sa magiging kapalaran nila. Ingat na ingat kami sa tuwing lalabas sa silid.

Linggo na araw ngayon. Lahat kami'y nasa kan'ya kan'ya lang na silid namin.  Ibig nitong sabihin ay araw na pamamahinga namin.

Nasa gilid ako ng bintana. Nagmumuni-muni. Pinagmamasdan ang Harden sa labas. Walang imik kaming dalawa ni Ria habang naka sentro lamang ang isipan sa ibang bagay.

Pagsapit ng alas dose ay hinatidan kami ng pagkain. Ayun sa patakaran ng palasyo ay bawal makipag usap ang mga tao sa bampirang trabahador. Heto't si Ria na walang pakialaman ay ginawa parin nitong makipag usap.

Hawak hawak ko ang bandeha habang nakatayo sa gilid ng pintuan. Nang aakit na ngumiti ang babae habang namamawis naman ang bampira. Aakmang aalis na ito nang higitin ni Ria ang kamay nito't nilagay sa kanyang dibdib.

"Ria!" Sita ko't lumapit sa kanila.

Hindi nakagalaw ang lalaki sa ginawa nito sa kan'ya. Gulat itong napatingin sa babae na tila sobrang laking pagkakamali ang ginawa niya. Alertong hinablot ko ang babae bago pa man ito masaktan ng guwardiya.

"Ano ba?!" Galit na sambit niya.

Pilit ko parin siyang iniintindi dahil sa sitwasyon niya. Alam kong may masama itong binabalak. Habang maaga pa'y kailangan ko siyang pigilan.

"Ria.. Itigil mo na 'yang binabalak mo. Kong ano man iyan isipin mo ang bayan natin. Lahat sila'y madadamay." Mahinang bulong ko.

Naroon parin sa kan'yang galit at paghihiganti. Umagos ang luha sa mga mata nito. Hinawakan ko siya pero agad niyang iwinaksi iyon.

Wala pang isang minuto ay dumating na ang mga guwardiya at agad lumapit sa amin. Hindi ako nakailag sa pagsuntok kaya napatumba ako. Sobrang sakit ng pisngi kong tinamaan habang pinagmamasdan ang kasama.

Dalawang guwardiya ang nagsisipa sa kan'ya. Lumukot lamang ang kanyang katawan habang tinatanggap ang mabibigat nilang paa. Tinayo ako ng isa kaya napabalik ulit ako sa aking ulirat.

Bago pa man niya ako mahila ay agad ko nang hinawakan ang pulsuhan nito't tinulak ang balikat. Sinipa ang tuhod sanhi ng pagluhod nito. Mabilis ang aking galaw kaya hindi niya magawang makipag laban.

Agad namang sumugod sa akin ang isa pang guwardiya. Umilag ako sa suntok nito. Kahit pa man kinakabahan ay pilit ko paring nilalabanan ang takot.

"Ah!" Daing ko nang masugatan ako.

Nanlaki ang mata naming dalawa.

Lumunok ito ilang beses at umatras ganoon din ang kasamahan niya. Hindi mabisa ang kuwentas na sinusuot sa amin kong nakikita na ang dugong umaagos sa amin.

Ang huling narinig namin bago sumara ng malakas ang pinto ay ang kanilang malakas na paghinga at mahihinang pagmumura.

A Girl In A Red HoodWhere stories live. Discover now