Prologue
Hmmm.
"Ano may naaalala ka na?"
Hmmm.
"Ayan, meron na?"
"Wag ka maingay, Kuya!"
Hmmm.
Ano bang naaalala ko? Masarap yung almusal namin. Ano pa ba?
Hmmm. Isip dali isip!
"Wala talaga akong matand-d-d-d..."
*KRINGGGG*
*KRINGGGG*
"S-sino k-kayo? Anong ginagawa ko dito?" Halos pasigaw kong sabi sa dalawang taong kaharap ko.
Palapit na sakin ang dalawang taong nasa harapan ko ng bigla kong mapansin ang alarm clock at sketchbook na nasa lamesa. Nang mapansin nilang tinititigan ko iyon ay sumilaw sa kanilang mukha ang lungkot.
"Taiga, kami ito!"
"Talaga bang wala kang matandaan?"
"W-wala p-po." Bigla kong naramdaman ang yakap ng mga ito.
Umiiyak sila...
P-pero b-bakit?
"Taiga, may amnesia ka.."
AKOOOOOO? MAY AMNESIA?