"Ladies and Gentlemen, we are now beginning our final descent. Please fasten your seatbelts and remain seated." Boses ng pilot ang pumunit sa katahimikan ng gabi at gumising sa mga pasahero ng Flight MH 709.
Nilingon ko si Katherine. Gising na rin siya at nakatingin sa bintana. Madilim pa rin ang langit sa labas, pero maaaninag mo na ang mga ilaw ng siyudad sa ilalim ng eroplano. Ang 5am sa Kuala Lumpur ay napakadilim, parang alas 3 ng madaling araw sa Pilipinas. Katunayan, ang alas-siete ng gabi ay katumbas ng liwanag mga bandang alas-sinko sa Maynila, papalubog pa lang ang araw.
Mula sa himpapawid, malaking malaki ang pagkakaiba ng city lights ng Kuala Lumpur kesa sa Maynila. Hindi ko maipaliwanag, pero kahit night view, parang mas organized ang pagkakasalansan ng mga bahay at gusali ng Kuala Lumpur kesa sa Metro Manila. Epektibo ang urban planning ng Kuala Lumpur, bagay na wala sa Pilipinas. Nung nag-take off ang eroplano mula sa NAIA, kahit madilim pansin na pansing overcrowded ang Maynila.
"Napansin mo? Maganda ang pagkakasalansan ng mga building at bahay?" Bungad ko kay Katherine.
Tumingin sya sa akin at marahang tumango.
"Ano yun?" Turo nya sa isang maliwanag na building sa baba. Malapit na kaming lumapag.
"Mosque." Sagot ko. "Marami nyan dito."
"Ang ganda kahit gabi. Halatang hindi nila tinipid. Tsaka bukas ang mga ilaw overnight?"
"Oil producer ang Malaysia. Bukod tanging Oil producer sa South East Asia. Kaya mababa ang presyo ng kuryente at langis dito." Paliwanag ko.
"Magkanong diperensya?"
"Uhmm, ang isang litro ng gasolina ay more or less 2 Ringgit. Mga 25 pesos."
"Wow. Ang mura."
Napansin kong naka-recline pa rin ang upuan nya kaya inalalayan ko sya habang binabalik sa upright position ang sandalan. Ngumiti siya ng bahagya.
Natahimik kami saglit. Parang may dumaang anghel sa pagitan namin.
"Anong oras pala ulit ang connecting flight mo?" Tanong ko ulit maya-maya.
"Mga 10am pa."
"Nyay, 5 hours kang tatambay sa airport." Protesta ko.
"Oo nga eh. Di naman ako pwede lumabas ng airport. Matulog na lang siguro ako sa waiting area."
"Cabin crew. Prepare for landing". Boses ulit ng piloto sa PA system.
"Brace yourself, it's gonna be bumpy." Paalala ko sa kanya. Umupo siya ng tuwid at sumandal. Pinakikiramdaman ang aktuwal na paglapag ng eroplano sa runway.
Hindi kagaya sa NAIA, mahaba ang runway ng KLIA 1 kaya mas mababa ang approach angle ng eroplano. Swabeng swabe ang paglapat ng gulong at hindi pasudsod. Halatang beterano ang piloto namin. Sino kaya sa apat na nakita namin ang piloto?
Nakakalapag na ang gulong sa lupa pero patuloy pa rin sa pagtakbo ang eroplanong sinasakyan namin.
"Ang haba ng runway." Napansin nya.
Ngumiti lang ako bilang pagkumpirma sa sinabi nya.
"Selamat Datang ke Kuala Lumpur." Bati ko sa kanya sa Bahasa Melayu nung nakalabas na kami sa eroplano.
"Ano yun?"
"Welcome to Kuala Lumpur."
"Marunong ka na mag-Malaysian?"
"Konti. pero karamihan ng mga alam ko lang na words eh yung mga ginagamit kapag oorder ka ng pagkain, magbibigay ng direksyon sa taxi, tsaka pag hahanap ka na ng CR."
"Hahaha. OK."
"You need that to survive. Dapat alam mo paano basahin ang menu para alam mo kung ano yung ingredients."
"Sabagay."
Mahaba-haba ang walkway ng airport. May nakita kaming CR at nagpaalam siyang pumasok. Nag-CR na rin ako.
Paglabas ko, wala pa siya. Sumandal ako sa pader and then I prayed in my heart:
"Lord, you know, I like her. Sayang. Akala ko pa naman may poreber na. Minsan, hopia ka rin eh. Joke lang po. I submit to your will."
Natawa pa ako sa sarili ko pagkasabi ng maikling dasal na yun at naabutan nya akong nakangiti.
"Bakit ka nangingiti diyan?" bati nya.
"Wala. Di pa rin kasi ako maka-move on sa seat numbers natin."
"Ah oo nga." Biro nya.
Nagkatinginan kami pero walang nagsalita. Kapansin-pansin ang pananahimik naming dalawa. Nagpapakiramdaman marahil.
Naglakad pa kami hanggang makarating sa junction kung saan kakaliwa ako para kunin ang baggage at siya naman ay kakanan patungong Terminal 2. May Sky Train na nagko-connect sa Terminal 1 at Terminal 2 ng Kuala Lumpur International Airport.
"Sasamahan na kita hanggang sa sky train." Sabi ko.
Tumango lang siya.
Ilang saglit pang paglalakad ay narating na namin ang station ng Sky Train.
"Dito ka sasakay. End to End lang ito so pagdating sa kabila bababa ka na. I wish I can still accompany you sa kabilang terminal, pero magbubukas na ang Belt J." Nilingon nya ang LCD display na nagi-indicate kung saang belt kukunin ang mga luggage ng Flight MH 709. Mga 5-10 minutes na lakad pa bago ako makarating doon.
"Oo nga, baka mawala ang luggage mo." Sang-ayon nya.
Tinitigan ko ang mukha nya. Hindi kagaya kanina na maaliwalas at nakangiti, ngayon ay parang malungkot. Siguro dala na rin marahil ng pagod at puyat.
O, nalulungkot rin kaya siya kagaya ko dahil maghihiwalay na kami?
Katahimikan ulit.
Tumingin siya sa mata ko. Wari may gustong sabihin pero pinipigilan lang. Sa likod ng makapal na frame ng salamin, maaaninag mong malamlam ang mga mata nya. Tinitigan ko siya sa huling pagkakataon. Kinabisado ang profile ng mukha ng babaeng nakilala ko sa NAIA. Ang almond shaped eyes, mahabang pilikmata. Lampas balikat na buhok. Magandang ngiti.
Parang may nakabikig sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung paano magpapaalam.
Nilingon ko ang papalapit na tren sa di kalayuan.
"Here's your train. I really have to go na rin." Basag ko sa katahimikan namin.
"Yeah, you should." Sagot niya habang nakatingin sa LCD. Bukas na ang Belt J. Lalabas na ang mga luggages.
"It's a very nice experience to meet you." sabi ko habang inaabot ang kanang kamay para makipag-shake hands.
"Thank you ha. Thank you for making my first flight hassle free and memorable." Sabay abot ng kamay.
"Don't mention it."
"See you when I see you."
"Yup. I'll add you up in Facebook."
"Goodbye."
"Bye."
Tumalikod na ako ng tuluyan at lumakad palayo. Mabilis akong naglakad para maabutan ang luggage.
Kagaya ng inaasahan, bagahe ko na lang ang natira.
Kinuha ko ang luggage at napansin ang name tag ko.
Tsaka ko lang naalala, hindi ko naibigay sa kanya ang pangalan ko!
BINABASA MO ANG
Chance Encounter
Romance"Do you believe in coincidence?" "No, I don't believe in coincidence." I looked at her eyes and paused. "But I believe in serendipity." Coincidence is merely a product of random chance. Serendipity follows a pattern. It follows a design. Naniniwala...