Kasalukuyan akong nandito sa aming town plaza ng aming lugar malapit sa bahay kung saan ako nakatira, nakaupo at nagmumuni-muni. Dito ang naging tambayan ko mula noong nakilala ko SIYA.
Masarap ang hangin dito medyo malakas nga lang ang paghampas nito sa akin kaya malaya nitong tinatangay ang aking buhok at napupunta iyon sa aking mukha. Magandang mamalagi dito dahil sa mga mga lilim na gawa ng mga malalagong sanga ng puno na nakatanim.
Parang paraiso, nakaka-relax at nakakawala ng problema.Pinagmamasdan ko ang iilang bata na naglalaro ng habulan at batong bola, bakas sa kanilang mga inosenteng mukha ang kawalan ng problema. Buti pa sila. Pinagmasdan ko din ang langit, ang payapang inihahatid nito sa akin at sa kanya, dulot ng asul na kulay nito. Napansin ko ang mga ulap na para bang gumagalaw sa kung saan dahil sa pagtangay ng hangin, napangiti ako dahil sa mga kakatuwang bagay na nabubuo nito, may hugis pusa, icecream, payong, dragon, at... mukha NIYA. Yong mukha niyang maamo at cute na cute na katulad ng mukha ng isang bata, mala-anghel at inosente.
Bigla akong nalungkot, naalala ko na naman siya, nami-miss ko na naman siya, naiisip ko na naman siya. Parang kailan lang noong kasama ko pa siya dito, kasama ko siyang makipag-habulan na kasama ng mga bata, kakulitan at siya lang ang handang makinig sa mga kwento ko at sa mga kadramahan ko sa buhay, siya lang talaga. Ako ang lola Basyang niya at siya ang aking matiyagang taga-pakinig. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. Siya lang ang nagpaparamdam sa akin na may nagmamahal pa pala sakin at kahit di man niya sabihing "Andito lang ako, mahal na mahal kita at handa akong ipagtanggol ka kahit na buhay ko pa ang kapalit." Ipinagtanggol nga niya ako pero buhay naman niya ang kapalit. Wala na siya. Wala na ang Bestfriend, yong bestfriend ko na mahal na mahal ko.
'Yong best of bestfriend ko na siya pa rin yong nakaharap sa akin kahit na ang lahat ng mga tao ay nakatalikod na sa akin.
Nag-unahan nang tumulo ang mga luha ko sa namumula kong pisngi na agad ko namang pinunasan. Hindi ko tinigilan ang pagpunas sa mga butil na yaon gamit ang aking mga kamay hangga't di yon tumigil sa pagtulo. Agad akong umayos ng upo, niyakap ko ang aking mga binti at tinago ang aking ulo sa mga tuhod ko.Napahagulhol ako ng iyak, agad ko din namang pinigil iyon kaya't impit na lang na ungol ko ang naririnig dahil sa pag-iyak.
"A-aray!" agad akong napahawak sa ulo ko ng may bumato sa ulo ko ng bola. May maliliit na tunog na hakbang ang nagmamadaling lumapit sa akin. "Ate, ate? Ayos ka lang po ba? Pasensya ka na po. Di po namin sinasadya. W-wag ka pong magalit ah." Tuloy-tuloy na may halong kaba sa kanyang pananalita. Bigla akong napaangat ng aking ulo nang marinig ko ang pamilyar na boses na yon. "ku-kulit?" mahinang sambit ko, halatang-halata sa boses ko ang paghikbi ko. "A-ate ganda?" nagtatakang tanong nong bata.
"A-ano pong nangyari sayo? Bat may mga pasa ka po sa mukha at sa buong katawan? Asan po si E-Eyyysh Bat di nyo po siya kasama?" nagtatakang sunod-sunod na tanong niya. Siya yong batang kala-kalaro namin ni Ace. Kulit lang talaga ang tawag ko sa kanya kasi kasing-kulit siya ni Ace. "Si Ace?" ulit ko, bigla na lang ulit akong nalungkot, parang anumang oras babagsak na ulit yong mga luha ko. Tumango na lang yong bata. Tinapik ko yong tabi ko kung saan ako naupo agad di naman siyang umupo sa tabi ko at rumihestro sa mukha niya ang makulit na ngiti na may bahid ng pag-aalala. Huminga ako ng malalim at tumingin sa lupa.
"W-wala na siya, w-ala na si Ace.I-iniwan na niya tayo." Pagkasabing-pakasabi ko ng mga katagang yon ay parang on queue nang nag-unahan sa pagbagsak ng aking mga luha. Napatingin din ako sa bata katabi ko ngayon at ganun din ang naging epekto ng mga katagang yon sa kanya. Napahagulhol siya ng iyak, agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit.
"Si Ace, yong AsKal na yon, kulit, alam kong masaya na siya sa kung nasaan na siya ngayon at sigurado akong binabantayan na niya tayo ngayon." Hinaplos ko ang kanyang likod nang mapatahan siya at ganon din naman siya dahil parehas kaming humahagulhol ng iyak. "Sssh.Tahan na ha, tahan na." Sabi ko na lang habang siya ay abalang umiiyak pa rin at talaga namang pinupunas pa ng makulit na to ang uhog niya sa damit ko. Mahirap 'to baka mapagkamalan ako na ako ang nagpaiyak sa batang na ito. Kumalas na siya. Hindi ko siya masisisi sa maikling panahon na nagkakilala sila ng aso kong si Ace ay napalapit na talaga siya. Yong tipong siya yong second best of friend at ako ang first bestfriend ni Ace.
Si Ace, ang asong yon ang namimiss ko at iniiyakan ko mula kanina pa. Wala sigurong segundo na hindi ko siya naalala at namimiss. Halos isang buwan na nang siya ay walang-awang pinatay ng mga lasenggong muntik nang magsamantala sa akin. Napamahal na siya sa akin at sa batang ito na ngayon ay kandong-kandong ko, nakatulog na sa kakakaiyak.
•﹏••﹏••﹏•
"Oo tama po kayo ng basa, ASO po si Ace. Aso ang tinutukoy ko kanina. Bakit porket ba may namimiss ako at iniiyakan, boypren agad ang dahilan? Hmmp. Nakakatampo kayo ah.Hahaha. Akala niyo love story to noh? Love story naman talaga to noh...namin ni Ace. Kung paano magmahal ang magkakaibigan. Maraming salamat sa pagbabasa! -Bestfriend ni Ace, Mika.