"Kailan mo pa kami niloloko? Kailan mo pa tinatago sa'min ang totoo? Jusko! Dreams, halos ipagmayabang ka na namin dito sa buong barangay natin dahil akala namin ng nanay mo e talagang nagtratraining ka at hindi magtatagal ay magiging ganap ka ng nurse. Tapos ngayon, uuwi ka at sasabihin na buntis ka?"
Napapikit ng bahagya si Dreams nang magulat siya sa paghampas ng kanyang tatay Dong ang mesa na malapit sa kanya. Kaagad siyang inawat ng asawa na si Dessa habang nakayuko't nilalamon ng konsensya si Dreams sa sofa. Magkatabi sila ni Kaiden roon na parehas na kinakabahan at nilalamon ng takot. Inaasahan na ni Dreams na magiging ganon ang reaksyon ng kanyang mga magulang ukol sa pagsisinungaling niya. Mas doble 'yong sakit na nararamdaman nito kaysa sa guilt niya.
"Pa.."
Hindi alam ni Dreams kung ano ang paliwanag na kanyang gagawin. Mas naunahan na siya ng takot at hiya sa kanyang ginawa. Noon pa man ay alam na niya kung paano siya ipagmayabang ng kanyang mga magulang. Kulang na lang ay ipabillboard siya ng mga ito nong grumaduate siya ng nursing. At masakit sa kanya na nabigo niya ang mga ito dahil inaakala nila na nagtratraining siya sa Manila para maging ganap ng nurse.
"Huminahon ka nga, Dong, baka nakakalimutan mong buntis ang anak mo."
Sinubukan siyang pakalmahin ng asawa upang hindi na lumala ang sitwasyon pero nagmatigas ito. Akma niya itong pagbubuhatan nang kamay nang mabilis siyang inawat ng mga anak na lalaki na naroon sa gilid. Mabilis na niyakap ni Kaiden si Dreams upang iligtas sa nais gawin ng ama nito sa kanya.
"Mas matatanggap ko kung sinabi mo sa amin ang totoo hindi 'yong pinagmukha mo kaming tanga, Dreams. Asang-asa kami, kung alam mo lang. Umasa kami na kapag naging nurse ka na ay magiging maganda na ang buhay natin. Alam mong nagpakahirap kami sa bukid kakatrabaho para lang makapagtapos ka ng pag-aaral tapos ito lang ang isusukli mo sa amin? Nagpabuntis ka lang?"
Rinig na rinig sa kuwadradong sala ang hikbi ni Dreams dahil sa walang humpay na panenermon ng kanyang ama. Mangiyak-iyak na rin ito sa galit at handang-handa ang mga kamao nito na sumuntok. Para itong tigre na galit na galit. Hindi lang basta guilt ang nararamdaman ni Dreams kundi awa na rin. Alam niya kung paano nagpakahirap ang kanyang mga magulang para sa kanyang pag-aaral ng kolehiyo. Ang buhay nila ay mas mahirap pa sila sa daga pero dahil sa ambisyon niyang maging nurse ay nagpakahirap sila para sa kanya. Ang kinakatakutan niya na hindi siya magtagumpay sa kanyang pangarap ay tuluyan ng isinampal ng reyalidad.
"Sir, ang totoo niyan, may mas malalim pong dahilan si Dreams kaya hindi niya kaagad si--"
"Huwag kang sumabat dyan! Hindi ikaw ang kinakausap ko!" Singhal ng ginoo sa kanya at sa takot ay pinili na lamang ni Kaiden ang itikom ang bibig at huwag ng magsalita.
Sa labis na sakit na nararamdaman ni Dong ay nagwalk out ito. Hindi nag-abala si Dreams upang habulin ang ama dahil napagdesisyunan nyang bigyan muna ito ng oras para makapagpalamig ng ulo.
"Mama, sorry po."
"Shh! Tahan na! Kahit bugbugin ka namin, nandyan na 'yan." Kumalas si Kaiden sa pagkakaakbay kay Dreams ay umusog palayo upang bigyan ng space ang nanay nito na yumakap sa babae. "Bakit kasi hindi mo na lang sinabi sa'min kaagad? Alam mo naman na lahat kaya naming intindihin ng Papa mo kaysa 'yong nagsinungaling ka pa."
"Ma, nahihiya kasi ako sa inyo e. Alam ko 'yong hirap na pinagdaan niyo para makapagtapos ako. Pinili ko na itago na lang at mag-isip ng paraan para itama 'yong pagkakamali ko. Patawarin niyo po ako, Mama."
Hindi naging madali kay Dreams na paamuhin ang kanyang ama ukol sa nangyari. Umiiwas ito sa kanya at hindi iniimik kahit magkalapit sila. Ramdam niya 'yong galit nito sa kanyang mga mata. Kung may isang tao na lubos na nasaktan, 'yon ay ang kanyang tatay. Ito ang nagtulak sa kanya na mag-aral ng nursing. Ito ang nagtulak sa kanya na mangarap ng mataas kahit wala siyang pakpak. Ang tatay niya ang nangarap sa kinabukasan nila na sinira niya.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Novela JuvenilDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...