Part 3

41 1 0
                                    

Donny Pov

"Daddy, i want to be a singer like mommy." Sabi ni Donabelle habang nasa biyahe kami papuntang concert.

"Really?" Sabi ko. Nilingon ko siya saglet at tumingin na ulet sa daan.

"Opo! Gusto ko rin po ma watch ako ng maraming tao mag perform!" Masaya niyang sabi.

"Okay. You can pursue that. Daddy will support you." I smiled and tap her head.

"Yey! Thank you, Papa!"

She's so cute when she's smile.

Nang makarating kami ay nag park lang ako bago siya sinuotan ng hat. Sa bandang gitna kami puwesto dahil may mga bantay ang mommy ni Belle sa paligid ng theater.

Naghiyawan agad ang mga tao ng simulan ng patayin ang ilaw at tanging sa stage na lang ang maliwanag.

Nilingon ko si Donabelle ng kalabitin ako nito. Sumenyas siya na yumuko ako at ginawa ko naman.

"Papa, can i cheer mommy? Like sasabihin ko po yung word na mommy?" Bulong niya saken at natawa naman ako pero umiling ako sa kanya.

"No. Hindi pwede, baby. Maraming reporter ang nakapaligid saten dito."

"Oh.." Disappointed niyang sabi. "Okay po." Malungkot niyang sabi.

"Pwede mo parin naman siya i cheer eh. But in a different name."

"How?"

"Ate Belle ang isigaw mo." Bulong ko sa kanya.

"Really? Pwede ko yun gawin?" Nakangiti niyang sabi at tumango naman ako. "Let's go, Ate Belle!!" Malakas na sigaw niya. Napangiti naman ako.

Ang supportive niya sa mommy niya. Sana ganiyan den siya suportahan ng mommy niya.

Natapos ang concert na masaya si Donabelle. At ang saya ko rin para sa kanya dahil walang sumira ng masayang araw niya.

Pagkauwi dumeretso agad siya sa kwarto niya para ilagay ang souvenir na bracelet na nakuha niya sa concert. Pati ang headband na may mukha ng mommy niya.

I was about going to bathroom when my phone ring. Kinuha ko yun at tiningnan kung sino. Belle is calling. Hindi na ko nagulat at sinagot na lang.

"I saw you." Bungad niya saken.

"I'm sorry. Masyadong mapilit ang bata na manood ng concert mo." Paghingi ko ng paumanhin.

Masyado kang iniidolo ng anak mo. To the point na ginaganahan siya sa lahat ng pinapagawa sa kanya basta marinig lang ang pangalan mo. Sana alam mo yun.

"Don't worry it won't happen again."

Dahil aalis na rin kami dito. Plano ko sa U.S na pag aralin si Donabelle. Gusto na rin siya makasama ng mga tita at lola niya. Okay na siguro yung dito siya lumaki ng konti. Nakita at nakilala niya ang mommy niya.

Nag suot ako ng rob shower tyaka lumabas ng kwarto at pumunta ng veranda.

"Nah.. I want to ask you a favor.. If okay lang?" Mahihimigan sa boses niya ang hiya.

"Ano yun?" Walang ganang sabi ko.

"C-Can you meet me? Kasama siya?" Nauutal niyang sabi.

"Bakit?" Takang sabi ko. Rinig ko naman ang buntong hininga niya. "Tell me, Belle. What do you want?"
Seryoso kong tanong.

"Sa next concert ko.. Please, pumunta kayong dalawa. Don't worry about the tickets. Magpapadala ako ng dalawa para sa inyo. Hmm.. It's my last kaya sana.. pumunta kayo."

Para siyang hirap na hirap magsalita.

"Last? What do you mean?"

"Basta. Ipapaliwanag ko na lang kapag nagkita tayo."

Naguguluhan ako sa kanya. The last time na nakita niya kami sa concert niya. Pinagtabuyan niya kami kaya nakakapagtaka at siya pa mismo ang nagsasabi ngayon na pumunta kami.

"Sabihin mo na ngayon."

"H-Huh? Ano.."

"Ano?"

"I.."

"Papa, I want to sleep na po."

Napalingon ako sa likod ko ng sumulpot si Donabelle. Kinukusot niya pa ang kanang mata niya gamit ang isang kamay niya. Sa kabila naman ay bitbit niya ang manika niyang si princess belle.

"Is that her?" Tanong ni Belle saken sa linya.

Even the name of her daughter hindi niya alam. Tsk.

"I'll hang up. Bye."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at binaba na ang tawag.

Binuhat ko si Donabelle na inaantok na. Agad naman niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Who are you talking, daddy?" Tanong niya habang naghihikab.

It's your mom, baby.

"Where's tita mama? You should be with her na." Pag iiba ko ng usapan.

"I don't know, papa."

"Do you want to go to bed na?"

Nang hindi ako makatanggap ng sagot ay sinilip ko siya at nakitang nakapikit na. Natutulog na.

Hinalikan ko siya sa tuktok ng ulo at sinuklay ang buhok niya ng dahan dahan.

"Antok na talaga ang baby ko." Nakangiti kong sabi.

Hinalikan ko ulet siya sa ulo bago dinala sa kwarto niya. Nilapag ko siya ng dahan dahan at kinumutan.

"I'm sorry, baby. Kung hindi mo kasama ang mommy mo." Bulong ko. "I'm sorry kung mas pinili niya ang pangarap at pangalan na binibuo niya kesa saten. I'm so sorry." Mabilis kong pinahid ang luhang nabuo sa mata ko. Hinalikan ko siya sa ulo, sa noo, sa ilong at pisngi. "I love you, baby. Dad will always here for you. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari." Nakangiti kong sabi.

Nang masigurong maayos na ang lagay niya ay lumabas na rin ako ng kwarto niya.

"Tulog na ba?"

Nagulat ako nang makita si Nics sa labas ng kwarto ni Donabele.

"Bakit hindi ka pumasok?"

"Narinig kong nagdadrama ka eh kaya hinintay na lang kita lumabas." Sabi niya at nag iwas naman ako ng tingin sa hiya.

"Saan ka pala galing?" Tanong ko at naglakad pababa. Sumunod naman siya.

"Sa likod lang. Nag sampay ng damit."

"Gusto mo ba kumuha tayo ng katulong para hindi ka na mahirapan sa paglalaba?" Tanong ko at pumasok sa kusina para uminom ng tubig.

Dumeretso ako sa ref at kumuha ng tubig. Pagharap ko may inabot na sa aking baso si Nics. Tinanggap ko naman. Kita ko ang pag iling niya saken habang nagsasalin ako ng tubig.

"Hindi na kailangan. Kaya nga ko nandito para asikasuhin kayo ni Donabelle eh. Ano na magiging silbi ko kung kukuha ka ng katulong diba?" Seryoso niyang sabi.

"You're not our maid!" Inis na sabi ko.

"Oo na, hindi na. Galet ka naman agad diyan." Sabi niya at inirapan ako. "Pero wag ka na nga kumuha. Kaya ko naman yung mga gawaing bahay."

"Whatever, Nics." Sabi ko. Hindi na nakipag talo sa kanya. "Pero kapag hindi mo na kaya sabihin mo lang."

"Noted po, Sir." Malambing niyang sabi habang nakatingin saken. Nang aasar.

"Stop that, Nics.". Sabi ko at natawa naman siya.



Her DreamWhere stories live. Discover now