Part 5

39 0 0
                                    

Donny Pov

Nakatitig lang ako kay Donabelle  habang mahimbing siyang natutulog. Hinahaplos ko rin ang buhok niya.

[Flashback before Donabelle fall asleep]

"Daddy, promise me na hindi ka po magagalet kay mommy." Mahinahon niyang sabi.

"Donabelle.." Hinaplos ko ang pisngi niya ng makitang naiiyak na naman siya.

"I know mommy doesn't want that to happen. Kaya please wag ka po magalet sa kanya, okay?"

Hindi na niya nahintay ang sasabihin ko. Pumikit na siya para matulog. Pero nakita kong may pumatak na luha sa mata niya.

ang saket

Napatitig ako doon na halos mamaga na sa kakaiyak niya kanina. Ngayon lang siya tumigil sa pag iyak. Sobrang takot na takot siya kanina and i don't know what to do.

"I won't promise, baby. Hindi ko na kakayanin kapag naulet to sayo." Naiiyak kong sabi.

[End of Flashback]

Halos isang oras pa ako nag stay sa kwarto niya hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog ako. Nagising lang ako ng maramdaman ko siyang gumalaw. Akala ko ay nagising siya pero tumagilid lang pala siya at niyakap ang manika niyang si princess belle.

Tumayo nako at hinalikan siya sa noo.

"Good night, baby. Sweet Dreams."

Palabas na ko ng kwarto ni Donabelle nang mag ring ang phone ko. Sinilip ko si Donabelle kung nagising siya sa ingay. Nang makitang tulog pa rin siya ay sinara ko na ang pinto at tyaka sinagot ang tawag.

"What now?" Bungad ko.

"I'm here in front of your house." Mahina niyang sabi.

Pagkasabi niya nun ay sumilip ako sa bintana. Nasa labas nga siya. Nakatayo siya malapit sa kotse niya. Binaba ko ang tawag at mabilis akong naglakad palabas.

Paano niya nalaman kung saan kami nakatira?

"What are you doing here?!" Madiin kong sabi pagkalapit ko sa kanya.

"D-Donny.. I-I'm sorry.." Yumuko siya at umiyak sa harap ko.

"Yan lang ang sasabihin mo?"

"I'm sorry.. H-Hindi ko alam na ganoon ang mangyayari—"

"Alam mo bang natrauma ang anak ko sa nangyari?! Alam mo ba kung gaano katagal bago siya naka recover?!" Galet na sigaw ko.

I'm sorry, baby. Hindi kayang pigilan ni daddy ang galet na nararamdaman niya ngayon.

"I'm sorry.."

Wala siyang ginawa kundi ang mag sorry at humagulgol sa harap ko. Napahilamos ako sa mukha dahil pilit ko pinipigilan ang sarili ko magalet pero hindi ko talaga kaya.

I can't stop my anger dahil naaalala ko ang mukha ni Donabelle kung gaano siya katakot kanina.

"Tangina, Belle! Kahit ayaw ko pumunta doon sa concert mo pumupunta ko dahil yun ang gusto ng anak ko!" Galet na sabi ko. "Sinasamahan ko siya dahil doon siya masaya! Dahil isa ka sa nagpapasaya sa kanya! P-Pero.." Nababasag ang boses ko dahil pinipigilan ko ang sarili ko. I really tried. "Pero kung ganito lang den naman ang ibibigay mo sa kanya. Kung ganito lang den ang mangyayari sa kanya. Wala na kong pake kahit magalet siya saken. Basta hinding hindi ko na siya ulet dadalhin sayo!" Malakas na sigaw ko. "Hinding hindi ko na siya ilalapit sayo!"

Naghahalo saken ang galet at saket. Galet dahil hinayaan kong mangyari to at saket dahil kailangan ko ng ilayo si Donabelle sa kanya.

"For a second, Akala ko magiging okay kung mapapalapit siya sayo. Yung tipong kahit hindi literal na malapit. Yung matatanaw ka lang niya. Basta makikita ka lang niya. Kasi nakikita kong doon siya masaya eh. Pero sana pala hindi ko nalang yun hinayaan. Sana hindi ko na lang yun ginawa. Dahil trauma lang ang binigay nun sa anak ko, Belle!"

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong emosyon. Umiiyak na rin ako.

"Donny.. I'm so sorry.."

Nagulat ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"A-Anong ginagawa mo? Tumayo ka diyan." Sabi ko pero parang wala siyang narinig.

"Please, Donny. Bigyan mo pa ko ng isang pagkakataon.. I promise itatama ko ang lahat. Gagawin ko ang lahat para bumalik kayo saken. Please, Donny."

"Bumalik? Ngayon ka pa babalik kung kailan sirang sira na ang lahat? Kung kailan sobrang hirap na ibalik ng lahat? 11 years, Belle." Hirap na hirap kong sabi. "Kung gaano katagal ng nabubuhay ang anak naten ganun den katagal kang nawala saken. Samin."

"Nung panahong kailangan na kailangan ng anak naten ng isang ina. Wala ka. Nung panahong hirap na hirap ako patulugin siya.. Iniisip ko noon.. siguro kung nandoon ka sa tabi ko hindi ako mahihirapan patulugin siya. Iniisip ko na kantahan mo lang siya makakatulog na siya.. kasi sobrang sarap sa tenga ng boses mo eh."

"Babawi ako.. Please, Donny.."

"Nung mga panahong kailangan na kailangan ka namin wala ka! Wala ka, Belle!" Malakas na sigaw ko sa kanya at mas lalo naman siyang humagulgol. Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulet.

"Tapos sasabihin mo saken ngayon gusto mo bumalik? Ano? Ganoon na lang yun? Tingin mo ganun kadali yun, Belle?" Tanong ko sa kanya. "Ano ba kami para sayo, Belle? Isang bagay na kapag hindi mo gusto basta mo na lang iiwan tapos kapag gusto mo na ulet babalikan mo?"

"No.. Donny.. Please.."

"Tama na, Belle. You chose that dream of yours over us so just focus on that and to your new family. Wag na naten guluhin ang buhay ng isa't isa." Hirap na hirap kong sabi. "Kahit para na lang sa kapakanan ng anak naten."

Tumalikod na ko sa kanya nang hindi na makayanang tingnan siya.

"Tumayo ka na diyan at umuwi sa pamilya mo." Kalmado kong sabi at tyaka siya iniwan doon.

Her DreamWhere stories live. Discover now