Donabelle Pov
Pagkauwi namin galing groceries ay humiga agad ako sa kama para matulog.
"Namiss kita ng sobra, mommy." Nakangiti kong sabi at dahan dahang pumikit hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog ako.
Kinabukasan nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumingin ako sa wall clock ko. 10am na pala. Tumayo na ko at dumeretso sa banyo para maligo at mag toothbrush.
Nagbibihis na ko nang biglang mag ring ang phone ko. Sino naman kaya ang tumatawag? Ang aga naman. Lumapit ako sa kama at kinuha ang phone ko.
Unknown? Nag aalangan man ay sinagot ko pa rin.
[Hello?]
[Donabelle? Ikaw ba yan?]
[M-Mommy?] Gulat kong sabi.
[Oo, Donabelle.]
[B-Bakit po kayo napatawag?]
[Hindi ba gusto mo ako tumawag kaya mo binigay saken yung calling card mo?]
Oo nga pala! May binigay pala ko sa kanyang calling card.
[Ah.. Mommy kasi—]
Muntik ko nang mabitawan ang phone na hawak ko ng biglang may kumatok.
"Donabelle! Are you awake? Bumangon ka na diyan. Handa na ang breakfast."
Si Daddy!
Napatingin ako sa phone ng biglang ibaba ni mommy ang tawag. Mukhang narinig niya ang boses ni Daddy.
"O-Opo. Bababa na po." Sabi ko at hinagis sa kama ang phone at binilisan ang pagbibihis. Nag suklay lang ako ng buhok tyaka bumaba.
Sure akong napagod rin sila daddy kahapon kaya ngayon lang den sila nagising. Usually kasi 6am pa lang gising na sila ni tita mama at nagbebreakfast.
Tahimik akong umupo sa harap ni Daddy. Kinuha ako ni tita mama ng plato at nilagyan yun ng pagkain.
"Here." Inabot niya saken ang plato at kinuha ko naman.
"Thank you tita mama." Nakangiti kong sabi. Susubo pa lang ako nang magsalita si daddy.
"Mamayang 1pm na ang interview mo ha. Be ready." Paalala niya.
"Opo."
"Oo nga pala." Sabi niya at lumingon saken. "Aalis muna ko this morning."
"Where are you going?" Tanong ko habang sa pagkain nakatingin.
"May business meeting lang akong kailangan puntahan." Sabi niya at nilingon ko naman siya.
"Daddy.. Alam mo naman na ayaw ko magpa interview kapag wala ka." Nakasimangot kong sabi.
Hindi ako sanay nang wala si Daddy kapag iniinterview ako kasi siya lang ang may kayang pakalmahin ako. Kapag hindi ko siya nakikita habang iniinterview ako hinahanap ko talaga siya. Ewan ko. I just feel calm and chill basta nakikita ko siya sa paligid.
"Sandali lang naman yun eh. Pagbalik ko kasama ko na yung mag iinterview sayo."
"Kapag 12:30pm wala ka pa. Hindi na ko magpapa interview." Nakanguso kong sabi.
"I promise. Babalik agad ako."
"Promise yan ha!"
"Opo." Nakangiti niyang sabi at ginulo pa ang buhok ko.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat agad ako sa kwarto. Nilock ko ang pinto at hinanap ang phone ko. Nang makita ko ay sinave ko ang number ni mommy bago siya tinawagan.