Donny Pov
May anak akong lalaki? May isa pa akong anak..
"M-May kakambal ako?" Natutuwang tanong ni Donabelle.
"Oo, Donabelle." Nakangiting sabi ni Belle.
"H-How? Walang sinabi saken ang doctor na kambal ang anak naten." Naguguluhang tanong ko.
"Dahil inutusan ni Darren ang doctor na sabihin sa inyong lahat na isa lang ang anak naten. Para maitago niya ang isa pang anak naten. Para may maiwan saken kahit isa lang sa kanila."
"N-Naguguluhan ako. A-Akala ko ayaw ng mommy mong magkaanak ka dahil maiisue ka at masisira ang pangalan mo pero bakit parang tanggap niya yung kapated ni Donabelle?"
"Dahil nagsinungaling kami sa kanya. Pinalabas namin ni Darren na anak namin si Danny at pineke namin ang birth certificate ni Danny. Tinago ko lahat ng mga tunay na papel at yung pekeng papel ang pinakita namin kay mommy. Pinalabas namin na mas bata si Danny ng dalawang taon kay Donabelle para hindi siya maghinala. Yun lang ang paraan na naisip namin para maitago si Danny kay mommy."
"B-Bakit hindi mo na lang rin siya binigay saken nung malaman mong may isa pa pala tayong anak na tinago ni Darren?"
"Dahil gusto ko rin ang sinabi ni Darren. Gusto ko may maiwan saken kahit isa sa mga anak ko. Gusto ko may maiwan saken na alam kong magpapabalik sa dating tayo."
"Belle.."
"Ayoko mawalan ng connection sayo, Donny. Ayokong mawala kayo ng tuluyan sa buhay ko. Dahil hindi ko kakayanin yun."
"Mommy.."
Umiiyak na lumapit sa kanya si Donabelle para yakapin siya.
"I love you, baby." Rinig kong sabi ni Belle at napangiti naman ako.
Ang saya nilang tingnan.
Humiwalay si Donabelle sa kanya at pinahid ang luha sa mga mata niya. Pagkatapos ay hinawakan niya ang pareho naming kamay ni Belle.
"Let's go na po. Baka makalayo pa ang kakambal ko. Kailangan na naten siyang sundan." Sabi niya at sabay naman kaming tumango ni Belle. "Sana mabuo na tayo bago kami mag 18th birthday ng kambal ko next month." Nakangiti niyang sabi.
Hindi na kami nag aksaya pa ng oras at sumakay na sa kotse para hanapin ang kapated niya. Pero halos tatlong oras na kami paikot dito hindi parin namin siya makita. Tinatry na rin siya tawagan ni Belle.
"Cannot be reach pa rin."
Konti na lang susuko na siya. Halata rin sa mukha niya na pagod na siya. Although pare pareho lang kami.
"Sa bahay nyo kaya?" Tanong ko sa kanya.
"Oo nga pala." Sabi ni Belle nang marealize ang sinabi ko. Kinuha niya ang phone niya para sabihin saken ang address ng bahay nila. Agad naman kaming umalis nang maibigay na niya saken ang address.
----
Danny pov
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanila. Nang hindi sila sumagot ay si mommy ang tinanong ko. "Mommy, bakit dinala mo sila dito?"
"Danny, pinapunta ko sila dito para makapag usap kayo." Mahinahong sabi ni mommy.
"Wala kaming dapat pag usapan." Matigas kong sabi at naglalakad papasok ng bahay. Sinundan ako ni mommy at kita ko rin ang pagsunod ni Daddy at Donabelle.
She stopped me by holding my hand.
"Danny, please makinig ka muna. Alam mo naman na yung totoo diba? Sinabi ko naman na sayo lahat."