Chapter 20

7 0 0
                                    

Genie

Maaga ako papasok nang school ngayon

Ewan ko ba ang gaan ng pakiramdam ko kanina pagkagising ko

Kaya bumangon na ako agad

Nagtaka nga yung mga kasambahay ni Lolo dahil sa akin

Ang normal kasing routine ay nauuna si Prinsesa Janna at ang mga Prinsipeng sila Michael at nahuhuli ako

Ako na feeling prinsesa

Eh bakit pa ang hirap hirap kayang gumising nang hindi mo alam kung para saan ang pagising mo

Nung dati ay ako ang unang nagigising para gising ko sila mama at papa

Pero ngayon kailangan kong gising ang sarili ko at sa pagkakaalam kong wala na sila mama at papa

"Ay Miss Genie sorry po hindi pa po kasi natatapos yung pagluto nila pero promise po sandali na lang po iyon ito yung gatas niyo sandal na lang po"-sabi nung isa sa mga kasambahay

"Ay sige po hindi naman po ako nagmamadali masyado pa naming maaga kaya ok po"-may ngiting sabi ko sa kanya

Umupo ako sa dining table at kinabasado ko yung lyrics na kakantahin ko para sa event sa school. Ngayon na kasi iyon

Nakakatuwa nga dahil halos lahat nang tao ay pinag-uusapan iyon, mas kinakabahan tuloy ako

"Ang aga mo naman yatang gumising"

Nagulat ko pa ako nang marinig ko yung boses niya. Grabe ano ba tong nararamdaman ko hindi ko na maiintindihan



"Ah hindi kasi ako makatulog nang maayos kaya sumuko na ako at hindi na natulog"-sabi ko kay Michael


at napangiti naman siya, hala kung makangiti akala mo nangjjoke ako

Ang totoo naman niyan ay napasarap nang tulog ko dahil sa kanya pinuri kasi niya yung kanta ko kagabi kaya ayun inspire ang ate ninyo


Umupo si Michael sa tabi ko at kasabay naman nun ang pagdating nang mga pagkain at hinanda na nila iyon


Grabe naman sila tarantang-taranta siya parang natatakot sila. Ngayon ko lang napansin dahil ngayon lang naman nabuhay itong kaisipan ko


Yung mga normal na araw lagi lang akong nakakulong sa kwarto ko at kapag nagrereklamo sila tita na hindi daw ako nakakalanghap nang hangin at lulumabas ako at pumupunta sa bahay ni Grace


Hindi ako nakakatiis na tumambay sa sala o kahit saang lugar dito sa mansion kundi sa kwarto lang at hindi ko pinapansin ang mga tao dito


Tinignan ko si Michael habang napinangsisilbihan siya nakita kong hindi man lang siya nakikipag-tinginana sa mga ito na parang walang kwenta ang mga ito


Habang ako ay ngiti nang ngiti kapag may nilalagay silang bagay sa harap ko

Grabe ganito ba talaga dito?

Dumating na din si Prinsesa at ang mga prinsipe


Nag-goodmorning yung mga kasambahay sa kanila pero hindi man lang pinansin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAYO, KAMI, KAYO O SILA [BOOK 1] ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon