Mayaman .. sikat.. nirerespeto.. at hinahangaan.. yan ang buhay na meron ako ngayon..
Hinigitan ko na ang mga taong nagaapi saakin noon.. mga taong tingin sakin ay basura.. mga taong ipinararamdam saakin na Hindi ako nararapat mamuhay kasama nila..
Pero naging masaya nga ba ako??
Nakamit ko nga lahat ng pinapangarap ko noon pero nawala ko naman ang buhay ko
Nawala ko ang babae mahal na mahal ko..
Ang babaeng nasaktan ko ng dahil sa pangarap ko.. ang babaeng gusto kong pakasalan.. nawala ko na sya..***
"Lian??? Lian!! " sa sobrang saya ko niyakap ko sya ng mahigpit...
"Para kang baliw Nathaniel bakit ba?" Pinakita ko ang papel na hawak ko...
"Lian grabe! Nakapasa ako!! Woooooooooohhh! Akala ko di ako makakapasa! Grabe! Kinabahan pa ako habang hinihintay ung resulta ng exam ko.."
"Scholarship sa London??" Nagtatakang tanong nya...
"Ay! D ko papala nasabi sayo.. nag exam ako dun sa scholarship na sinasabi ni Ben .. akala ko Hindi ako makakapasa... woooooohh sobrang saya ko.."
"............"
Natigilan ako ng Hindi sya umiimik....
"OK ka lang lian??"
"Nathan uuwi na ako baka hinahanap na ako ni lola"
Tumalikod nasya at humakbang palayo saakin hinawakan ko ang kamay nya para pigilan-.
"Ayaw mo ba??"
".........."
"Lian?"
"Oo. Nathaniel naman ! Ok na yung scholarship mo sa university na papasukan ko diba?? Bat nag take ka pa ng scholarship sa iba! At ang malala sa ibang bansa pa!!" Umiiyak na sya..
"Lian Alam mong pangarap ko to di ba? Sagot nila lahat ng gagamitin ko.. tapo....."
"Kelan ang alis mo?"
Napahawak ako sa batok ko..
"Lian sabi kasi kela....."
"Kelan ang alis mo!??"
"Next week"
"........."
"Saglit Lang ako dun ..."
"Saglit??? Saglit sayo ang 5 years?!? "
" lian para din to saatin."
" para saatin nga ba? O para sa sarili mo"
"Oo ! Para sa akin! Para sa pride kong paulit ulit na sinasampal pag ipinamumuka ng mga kaibigan mo na Hindi tayo bagay! Alam mo bang durog na durog na ung pride ko sa dahil sa panduduro saakin ng Lola mo. Sobrang sakit nito. " tinuro ko ang dibdib ko. "Yung birthday mo .. Alam mo bang isinangla ko pa ang camera ng tatay dahil sa wala akong maipambili ng regalo para sayo?? Alam mo ba kung gano kasakit sa pagkalalaki ko yon! Na sa twing may gusto kang bilhin Hindi ko mabili dahil ni pamasahe kulang ang pera ko!! Lian! Mahirap lang ako! Wla na akong magulang.. pride nalang ang meron ako nawala pa.. eto na e. Mababangon ko na ang pride ko!! Please naman lian.. limang taon lang para maging karapat dapat ako sayo.. para mabigay ko ang gusto mo! At Para matanggap na ako ng Lola mo"
Kasabay ng pagluhod ko sa harap nya ang pagbaksak ng Luha ko..."......." umiiyak na din sya... lian naman! Wag mo akong pahirapan ng ganto.. mas nasasaktan ako ..
"Bat kasi naging mahirap Lang ako e. Bat kasi hindi tayo bagay? " tumayo na ako at umalis na..
Lian babalik ako! At pagbalik ko pwede na ung 'tayo' .. maipagmamalaki mo na ako... pangako...