Chapter 10.2 A Bite of Her Past (Part 2)
"Kyle...."
I looked at him with pleading eyes.. Please... Not now...
"I never thought you can do this. Masyado bang madali para sa'yo ang kalimutan si Liann?" Kyle said that in a cold but firm voice while staring right into my eyes...
Gusto kong umiyak but I'm afraid of showing my weakness in front of them.
"Kyle.. Please.. Sumbatan mo ako! Yell at me! Criticize me! Do what you want! Wag lang ngayon... Please..." Pagmamakaawa ko sa kanya..
I don't want them to see me in my weakest point. Ayoko.. Not now Kyle please... It's enough that Shan knows. I don't want any other people to know about my past. Ayoko...
"Hah. So kelan naman yun? Kapag nakikita kita, umiiwas ka. Now, paano ko mapapalabas ang lahat ng galit ko sa'yo kung palagi mo kong iniiwasan?! At ngayong nakita na kita, you will still plead 'Not now'? Kailan pa ba ang panahon na yun, Ellaine?!" Malakas na sabi ni Kyle.
"Kyle...not now.." Tanging sambit ko..
"Not now? Just look on what you're doing! Nagagawa mo pang makipagholding hands? At dito pa talaga sa teritoryo ko?"
Napadako ang tingin ko sa magkahawak na kamay namin ni Sid. Sinubukan kong bumitaw but Sid didn't let go of my hand. Instead mas lalong humigpit ang hawak niya. I looked at him but he just gave me an assuring smile.
"You were just enjoying your life all this time while we are grieving because of LJ's lost?"
I look at Kyle. His eyes are full of emotions.
Sadness...
Loneliness...
Nahihirapan siya..
At kasalanan ko...
'I'm sorry Kyle.. Nang dahil sakin, nagdusa kayo..at ikaw ang labis na nasaktan. Patawarin mo ko...'
Yun na lang ang nasambit ko sa isip ko.
Gusto ko ng umiyak. Pag nakikita ko si Kyle na nagkakaganito, mas lalo lang nadadagdagan ang guilt na nararamdaman ko.
"Stop it Kyle! It won't bring back the past kaya tigilan mo na ang pinsan ko!"
Napalingon ako kay Shan na ngayon ay nakatayong nakaharap kay Kyle with a closed fist.
'Shan.. Wag mo ng idamay ang sarili mo rito.'
"Pinsan? And now you are recognizing her as your cousin? Hindi ba't dati'y pinagtatabuyan mo pa siya? You can't even accept her as Liann's best friend before! What change your mind, then?" Kyle said while gritting his teeth.
"I'm not like you, Kyle. I'm not the one who always cling on the past. Hindi ginusto ni Ellaine ang nangyari at pinagsisisihan ko na sinisi ko siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa." Mahinahon na sabi ni Shan.
"Hindi siya? Then who?" Sid asked angrily.
"Walang may kasalanan sa nangyari. Hindi ikaw. Hindi ako. Hindi si Ellaine at Hindi rin ang mga kaibigan mo. WALANG DAPAT SISIHIN." Pagdidiin ni Shan.
"Hah! Wala? Kung meron mang dapat sisihin sa nangyari kay Liann, si Ellaine yun! Siya lang! Simple lang ang hiling sa kanya ni Liann- ang tawagin niya itong ate. Pero anong ginawa niya? Ipinagsawalang bahala lang niya yun! Kung ginawa niya yun, eh di sana humaba pa ang buhay ni Liann!" Sumbat ni Kyle habang nakaturo sa'kin.
Napayuko na lang ako. Masakit na. Sobra. Ayoko ng marinig. Tama na. Tumigil na kayo.. Pakiusap..
"Now what Kyle?! Sisisihin mo na naman ba si Ellaine?! Hindi niya ginustong magkasakit si Liann at hindi rin madali para sa kanya ang tanggapin ang katotohanan! Isa pa, tawagin mang 'Ate' ni Ellaine si Liann, mamamatay at mamamatay rin siya!" Pagtatanggol ni Shan.
BINABASA MO ANG
Alta Casta Academy
Mystery / ThrillerCuriosity killed the cat. So STOP BEING CURIOUS!!!! Being a transferee, Ellaine Dina Altamira begins her new journey as she travels around the buildings of Alta Casta, finding the endangered secrets that caused the mysterious deaths of her schoolmat...