Salamat ang salitang iyan ay hindi sasapat
Salamat sa oras na iyong inilaan
Para saakin at sa munting usapan
Pero gaya nga ng sabi nila ang lahat ay may hanggananNaalala moba ang una nating usapan?
(Ika dalawamput isa ng hulyo sa ganap na labing isa at tatlumput walo)
Nangamusta ka at tinanong mo kung komportable ba ako sayo
Akong si tanga sumagot ng oo
Sabi ko noon hindi na ako muling mahuhulog
Bakit ganon ang aking puso'y tila naalogSa araw araw nating pag uusap
Sa mga bungad na pag bati tulad ng "magandang umaga", "jwu", "kumain kana ba?" Hanggang sa "magandang gabi"
ang mga katagang iyan ang nagbalik ngiti saaking labi
At nag mimistulang tangang hindi mapakaliHindi ko akalaing kinain ko ang aking sinabi
Ang pusong inaakalang naging bato
Napalambot ng mga pagbati mo
Salamat saiyo, samaiksing panahon nahanap ko ang kaligayahan ko.-ᜂᜎᜈ᜔-
