Misteryosong kabag hatid ng paruparo sa tyan

32 1 0
                                    

"Dear Maya..." Punit ng papel

Mali mali...

"Dearest Maya,

Shit, pano ba?" Sabay yukot ng papel

Labas bahay, lakad, yosi, puff, exhale, puff, exhale, bili softdrinks, puff, buga, bigay bayad, puff, kuha soft drinks, buga.

"Thank you po!"

Napaupo sa bangko sabay labas ni manang sa tindahan

"Aba't malalim nanaman iniisip mo iho?"

"Opo manang e, di nagana ng maayos utak ko ngayong araw."

"Baka kulang ka lang sa tulog?"

"Nang? Noong araw ba, pinahirapan nyo si tatang sa panliligaw?"

"Eh ginusto nya yun eh, *chuckles* wala naman akong magawa. Type ko din sya nun eh"

*tawanan*

"Sana magustuhan nya 'to, lalakad ho muna ako manang! Salamat sa softdrinks."

"Sige iho.."

Kompiyansa, lakas ng loob at konting barya. Ilan sa mga kailangang bala sa pagsabak sa digmaang makuha ang bandilang maglalagay ng titolong boyfriend - girlfriend. Di naman siguro. Pero sa ngayon, kailangan ko ng tatlong mga bagay na ito upang una; kompiyansa- para pumogi ng mga dalawang porsyento. Pangalawa; lakas ng loob- upang maibigay ang sulat ng hindi nagpapadala sa mga nagpupumiglas na ahas sa loob ng dibdib at pangatlo; konting barya- paano, nanjan sya ngayon sa tamaraw's net shop. Kasama yung mga kaibigan nyang dota player. Walang connect? Malamang. Para sa akin yan barya na yan. Kailangan ko ng candy. Di ko alam kung bakit pero di ako nakabili ng candy kay manang na pinagbilhan ko ng softdrinks. Kailangan ko nyan saka mouthwash... Ang mahal ng mouth wash, 27 pesos. Ngayon ko lang naman gagamitin.
Nasa tapat lang ako ng tamaraw's, soundtrip. Tambay. Baka sakaling anjan pa sya sa loob ng comp shop. Nagiisip ng mga scenarios na maaring mangyari. Tuloy tuloy ang pagiisip kasabay ng pag awit ni chinchin detera, tatlong kanta ni jomal panay ang buga ng salita ni franco.

Shit! Shit anjan na sila, pano 'to? Yung tatlong bagay! Yung tatlong bagay! It's now or never!

"MAYA!" Sabay lapit sa dalaga "Pwede ba kitang makausap?" Kanyang pag anyaya

"Oo naman!" Tugon nya at nagpaalam na sila sa mga kasama ng dalaga

"San tayo punta?" Usisa ng dilag

"Pasok tayo samin."

"Bawal tiga labas jan sa inyo diba?"

"Ako bahala." Pagbanggit nya sa dalaga na may pahabol na ngiti

"Ano? Importante ba yang sasabihin mo?" Galitgalitan

"Mejo." Sabi ng nangingiting binata

"Ano nga?" Pabebe

"Galit naman to agad, jan ka lang."

Umalis ang binata at tinawag ang kanyang mga kaibigan para matulungan sya kanyang plano.

Maya maya lang ay bumalik silang magkakasama.

Bago pa man sila makarating sa lugar na pinag iwanan ng binata sa dalaga ay napansin naman nya ang dalagang may binabasang sulat. Kinabahan sya't kinapa ang mga bulsa. Wala ang hinanda nyang liham para sa dalaga. Diskumpiyado na sya. Nawala din ang inipong lakas ng loob at parang binato ng mga barya ang ulo nya ng lumingon sa kanya ang dalaga. Hindi maganda ang pinakitang reaksyon ng dalaga. Bigla itong tumayo at umalis.

Natulala ang binata. Mgavilang segundo rin. Naalala nyang kasama nya pa pala ang mga kaibigan nya ng biglang magsalita ang isa tungkol sa biglang pag-alis ng dalaga.

KAIBIGAN, KA IBIGANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon