MESMERIZE

2 0 0
                                    

(Ito ang kwento ng magkakaibigan, magpipinsan, magkakapatid, magkakaklase, magbabarkada, na nabuhay panahong labing walo limang po't walo.

Kwento nina Mesmerize, Chuck, Janson, Gerdi. At kuwento ng kani-kanilang mga pangarap, pagsusumikap, pagsubok sa buhay, kamusmusan, at tagumpay.

Ano kaya ang magiging kapalaran nila.)

YEAR 1851

-

Umaga ngayon, palabas na 'ko kaso
Lalabas kaya sya?

humakbang ako pasulong, lumapit ako sa bintana namin, tiningnan ko ang may bintana nila. May hagdanan kasi ang bahay nila, kaya mataas.

Ilang sandali nagbabakasakali, kung titingin rin sya, natawa ako 'don. Kung ano ano na lang maiisip ha.

Wala talaga e baka 'di nanaman sya palalabasin, maaga pa e hapon kadalasan ang gala nya. Kaya tumalikod na 'ko, pabalik sa salas.

[POV; CHUCK]

Ang init ngayon, naisipan 'kong sumilip sa bintana nang mapansin 'ko

"Maze" Paalis na sya e, tatawagin ko sana.

***

"Maze!" Lumingon ako sa tumawag

"Chuck, o pasok" Bukas na yung Pintuangbayan kaya pumasok sya.

"Tara guhit, may dala ako" Pinakita nya ang mga pang guhit papel at krayola.

"Sige ba" sa balkonahe kami naglalaro kaya 'don na lang.

***

"Ano ba ginagawa mo kanina?"

"nag pi-piyano" sagot ko habang nakatuon kami saaming ginuguhit. "pero nagliligpit na lang ng mga gamit kaya, naabutan mo ko dito (sa balkonahe)"

"ahh, ganoon pala, uy ganda ipaghalo ang mga kulay na 'to o" tiningnan ko 'yon.

"Oo no. Masubukan"

"walang gayahan"

"kulay lang naman Hindi pa natin puede ipakita sa isat-isa ang ating ginuguhit."

"mabuti"

"sya nga pala" Naghihintay sya sa aking sasabihin. "saan galing ang mga ito at mukhang bago pa?"

"Binigay ng aking Ina, regalo nya na. Nais ko kasi talaga alam mo 'yon hindi ba"

"oo naman, pangarap mo nga ay maging Alagad ng Sining."

"at Gumawa ng bahay"

"bahay?"

"hm" tumango tango sya "at pag nagawa yun, bibigyan kita ng pera, Ililebre kita palagi" Natawa ako.

"katuwa ka naman" Naiisip nya ako sa hinaharap, kakatuwa. "Kanina nga pala, tumingin ako sa bintana nyo ngunit wala ka"

Lumingon sya sa 'kin. Nagtatanong ang tingin 'ko.

"tumingin rin ako sa bintana nyo kanina, ngunit, paalis ka na" medyo namangha ako

"talaga.. kung gayon Nagkasalisi, totoo ba 'yan?? Kanina.."

"Oo nga.. kanina, tatawagin sana kita e"

Di lang pala ako, katuwa talaga. Tinuloy na namin ang pag pinta.

...

Naalala 'ko tuloy, (no'ng una kami Magkakilala)

"Opo! Teka!" may narinig ako mula sa likuran, nang papasok na sana ako sa loob ng bahay.

Tiningnan 'ko sya. Tumingin rin sya nang mapansin ako. Kilala 'ko sya ngunit 'di gaano. Tiningnan 'ko lang ang galaw nya. Kumaway na lang sya bigla, at nag
"Kumusta!"

"kumusta?" tumango ako marahan,

"oh Iha, mauna na ako" biglang tawag ni mister Jones, galing sya sa loob. Nilingon 'ko naman sya.

"sige po, mister Jones." Mas lumapit ako upang mag mano. Tumingin muli ako sa labas kung saan 'yong bata kanina.

Bigla na lang nawala?
Sya nga pala. Si mister Jones ay kapitbahay namin, wala na akong Lolo kaya tinuring 'ko na rin syang Lolo, Kaso nasanay na akong mister Jones ang tawag sakanya. Gayon rin ang iba saamin rito "Saan ka po ba paroroon?"

"ahh, sa bahay muna, at ako'y mag se-syesta. Medyo antok alam mo na apo. Matanda na" ngumiti sya. Kaya napangiti rin ako.

Kumaway sya no'ng naglakad na paalis, kinawayan 'ko sya pabalik at, Tuluyan na sya naglakad paalis.

Nang wala nang tao, naisip 'kong maglaro na lang sa salas nang may sumilip, sa gilid ng mata 'ko alam 'kong may tao
"ikaw uli. Ba't ikay umalis?" hindi sya sumagot no'ng una, may naisip ako. ahh baka. "takot ka ba kay mister Jones?"

Saglit natahimik sya at tumango. Pakiramdam ko'y nahihiya lang sya.
"huwag ka matakot ..mabait 'yon." Parang hindi sya kumbinsido sa mukha nya.

Sa bagay, medyo matapang kasi kung tingnan ang mukha ni mister Jones. Marami ring ilag sakanya pagkat dati syang sundalo, mali lang sila nang akala na sya'y nakakatakot. Mabait sya talaga kahit istrikto sa mga batang pasaway.

Ngumiti lang sya, nang may tumawag sakanya. Kumaway sya muli sa akin na pahiwatig ng nagpapaalam. Umalis na rin sya agad, sinundan 'ko sya nang tingin.

"kilala 'ko sya e, tss" natuwa ako sa asta nya "si Chuck

________________________________

Hapon na.

"tingnan mo 'to. Ganda hindi ba?" mas lumapit ako sakanya.

"Oo nga ..kanino 'yan?" Tinutukoy 'ko ay ang bago n'yang libro na dala-dala.

"Binili ni Pa-pa para sa akin, natutuwa ako sa mga larawan at," ngumiti sya sa akin "gusto 'ko ipahiram saiyo"

"sa akin?" tumango sya.

"hm, marami kang matututunan. Alam 'kong mahilig ka mag basa kaya ayan" inabot nya yun sa 'kin. Natuwa naman ako

"uyy, salamat ah. Hayaan mo ibabalik 'ko"

"kahit huwag muna-"

"Oo nga! Oh bukas ah," may biglang nagsalita. napatingin kami ni Chuck sakanya. Natuwa ako't nakauwi na Sila.

Tumayo ako "Janson!" Lumingon sya, si Chuck naman ay nakapanatiling nakaupo.

"ate? Ohh," kinausap nya muna 'yong ka-klase nya ata "sige kita na lang tayo bukas! Paalam"

Naglakad na sya papasok. "Nandito ka pala ah Chuck" tiningnan sya ni Chuck, parang naiilang

"Oo pinahiram nya nga ako ng libro" Sagot 'ko. Hindi sumagot si Chuck, patuloy sa pagtingin ng mga larawan sa libro.

"hay, nako.. " Umalis na rin si Janson agad, papunta 'yon sa kwarto nya. ganon naman lagi. Ewan 'ko ba

Ayaw n'yang may kaibigan akong lalake. O ganon lang ang mga kapatid na lalake, bukod sa pasaway. Mapangasar.
"hayaan mo na 'yon, bahala sya. Tara labas na lang muna tayo't maglakad-lakad sa tabing ilog" tumayo sya agad

"Sige! Baka may mga ibon roon ngayon."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

\\ THE DAY WE WERE YOUNG //Where stories live. Discover now