“Anak gising na may pasok ka pa”. Gising sakin ni mama pero hindi ko pinansin ang pag tawag niya dahil antok na antok talaga ako dahil puyat kaka-scroll sa tiktok kagabi. Nakailang yugyog pa sa akin si mama pero hindi ko talaga kayang dumilat.
“Aiko alas siyete na, ano ba!?” napadilat ako bigla hindi dahil sa lakas ng sigaw ni mama kundi dahil 7am na! Shit 15 minutes na lang simula na ni Professor Ada. Ang pinaka terror naming prof.
Dali dali akong bumangon at dumiretso sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush. Pagkatapos ko sa banyo ay nag uniform na ako hindi na ako naligo dahil male-late talaga ako dahil babyahe pa. Hays nakakainis ang pangit talaga sa pakiramdam na mag uniform ng hindi naliligo pero wala akong choice!
Tangina ka talaga Aiko tiktok pa! bulong ko sa sarili. Lagi kong minumura sarili ko pag ka lagi akong nale-late ng gising. Gusto ko mang sisihin si ano dahil lagi akong napupuyat sa gabi kakanood ng videos nya pero wala naman akong masisi kundi sarili ko. Hays!
Shit naman oh ang tagal ng ejeep! Kung kailan late ka na saka ka pa walang masakyan badtrip. Hay sana naman lagnatin muna si Ms. Ada kahit ngayon lang, char haha!
7:40 na ng makarating ako sa school at kung sinuswerte ka nga naman absent si Prof Ada. Umupo na ako sa desk ko. "Hoy babaeng ubod ng eyebags ang mukha! late ka na naman. Pasalamat ka may lagnat si Ms. Ada" napalingon ako sa sigaw ng kaibigan kong si Zein. Shocks! May lagnat si Ms? kasalanan ko yata kung bakit. Bad Aiko!
"WTF wag ka ngang sumigaw diyan, nagulat ako sayo!" sigaw ko sa kanya. Nakakainis yung may bigla bigla na lang sisigaw sa tainga mo.
"Eh sumisigaw ka rin naman ah!" sigaw nya pabalik sakin. Tss kahit kailan talaga ang ingay ng bunganga ng babaeng to. "May basura ba diyan sa bag mo?" tanong ko kay Zein. "Huh? Bakit?" tanong niya. "Isusubo ko diyan sa bibig mo ng manahimik ka!" bulyaw ko. "Sadista ka!" natatawang aniya.
Dumating na ang susunod naming Professor kaya nabusy na kami at nag tuloy tuloy ang daloy ng klase. "HAAAAY sa wakas uwian na!" malakas sigaw ni zein sa room kaya napatingin mga classmate namin sa kanya. "Pwede ba Zein tigil tigilan mo ang kasisigaw nakakarindi ka!" inis kong sabi. "HAHA! Ang init ulo ng natin ah? bakit puyat ka na naman no? Tsk tsk sinasabi ko na nga ba pinanood mo na naman tiktok ni ano!". Lumungon ako sa kanya "What the heck are you saying?" sabi ko "Sus kunyari ka pa!" pang aasar nya pero hindi ko na siya pinansin at lumabas na ng room.
"Hoy ulikba" habol nya sakin ng makalabas na ako sa gate ng school. "Ano?" tanong ko ng hindi sya nililingon. "Debut mo na sa friday ah anong balak mo?" aniya. Kaya napalingon ako sa kaniya "Wala" tipid kong sagot. "Anoo!!?? Wala ka man lang balak i-treat ako ha!?" sigaw niya. Hindi ko na siya pinansin at pinara ko na yung paparating na ejeep. Magkaiba kami ng way ni Zein kaya hindi kami sabay pumasok at umuwi dahil sa kabilang barangay pa siya.
----
Lumipas ang tatlong araw at friday na. 18 na ako dahil birthday ko na, shit naman oh ayoko pang tumanda huhu. Hindi na ako pinapasok ni mama sa school dahil delikado raw umalis at pumunta kung saan-saan ang may birthday dahil pwede raw ito maaksidente at isa pa February 13 ang birthday ko at friday ngayon. Malas raw ang araw na friday the 13th kaya natatakot si mama na lumabas ako ng bahay dahil baka mabalitaan nya raw bigla na patay na pala ako. Tss kalokohan.
Simpleng handaan lang ang naging ganap ng debut ko ngayon at si Zein lang ang inimbita ko dahil siya lang naman ang kaibigan ko. 7pm na ng matapos ang kainan at kantahan sa bahay kaya pinauwi na rin ni mama si Zein dahil gabi na.
Umakyat na ako sa kwarto ko dahil gusto ko manood ng tiktok ng crush kong si Sean. Oo! Inaamin ko na kaya ako puyat lagi kaka-tiktok dahil kay Sean lagi kong pinapanood at inaabangan mga uploads niya. Minsan nga ay hindi ko namalayan tumulo na pala laway ko habang pinapanood ang sexy dance tiktok niya. Kyaah bwhaha ang sarap talaga nya. At ang laki ng bakat ng ano niya waahh. Char!
Hindi ko namalayan 11pm na pala. Nakaramdam ako ng uhaw kaya agad akong bumangon, paglabas ko ng kwarto ko napatingin ako sa kwarto nila mama. Hindi ko alam kung bakit may kung anong pwersa ang humihila sakin papunta sa kwarto nila.
Pumasok ako at nakita kong mahimbing na ang tulog nilang dalawa ni papa. Napatitig ako sa natutulog na si mama ewan hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako bigla ng lungkot at galit ng titigan ko si mama. Hindi ko na yon pinansin at bumaba na ako para uminom ng tubig.
Pagbaba ko ay agad akong uminom ng tubig hindi ko alam kung bakit parang uhaw na uhaw naman yata ako at halos maubos ko na ang isang litrong tubig na iniinom ko. Umakyat na ako at hindi ko namalayan na may hawak akong kutsilyo at papunta ako sa kwarto nila mama. Shit kinabahan ako bakit may hawak akong kutsilyo? Wala akong natatandaan na kinuha ko ito sa baba. At bakit hindi ko makontrol ang sarili ko? Omygaad anong nangyayari sakin? Waaahh. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto nila at tinignan ko si mama na payapang natutulog.
Madilim ang kwarto dahil ayaw ni mama ng bukas ang ilaw pag natutulog pero naaaninag ko naman sila kasi kahit papaano tumatagos yung liwanag ng buwan sa bintana. Lumapit ako sa gilid ni mama at biglang nanindig ang mga balahibo ko ng may bigla akong marinig na boses sa likuran ko! No way! may bumubulong sa likuran ko pero hindi ko maintindihan dahil malabo yung boses. Shit sino tong na sa likod ko? sino? halos maluha na ako sa takot, tangina ayoko talaga sa multo kyaah.
Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko pero wala namang tao, Luminga linga ako sa likuran ko at maya-maya pa ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng may sumigaw naman sa harap ko, lalo akong kinilabutan ng isigaw nya ang salitang "Patayin mo yang nanay mo! Patayin mo Aiko!" hindi ko magawang lumingon paharap dahil natatakot ako kung sino yung nasa harap ko.
Maya-maya pa muli syang sumigaw ng "Saksakin mo na!" automatic akong humarap kay mama at itinaas ang kamay kong may hawak ng kutsilyo. "MAMATAY KA NA!" malakas na sigaw ko kay mama at akmang saksakin ko na si mama ng biglang may humila kay mama paalis sa higaan. Natauhan lang ako ng makitang yung kama yung nasaksak ko. Napalingon ako sa takot na takot at gulat na mukha nila mama sa kabilang side ng kama. Nabitawan ko bigla yung kutsilyo at bumuhos ang luha ko.
"A-anak anong nangyayari sayo? b-bakit may hawak kang k-kutsilyo?" tanong ni papa sakin at bakas sa kanyang boses ang pag-aalala at takot. "Anak b-bakit mo s-sasaksakin si mama?" maluha-luhang tanong ni mama sakin. Tumingin ako ng diretso sa mata ni mama at hindi ko talaga alam kung bakit galit na galit ang nararamdaman ko para sa kanya.
Dali dali akong tumakbo palabas ng bahay at minaneho ko ang kotse ni papa hindi pa ako ganon karunong mag maneho pero wala akong choice dahil gusto kong umalis ng bahay. Nakita ko pang hinabol ako nila papa palabas ng bahay pero pinaandar ko na yung kotse.
Galit na galit ako kay mama gusto ko syang mawala, gusto ko syang saktan at hindi ko talaga alam kung bakit ko ito nararamdaman. Ano bang nangyayari? Sino yung bumulong sakin? Multo ba? Oh baka naman kulto? Whaaat pano naman nagkaroon ng kulto sa bahay? Shit si manang kaya? Baka may lahi syang kulto at gusto nyang patayin ko si mama dahil may gusto sya kay papa? Aaaaa sumasakit na ulo ko sa dami ng tanong na naiisip ko!
"Kingina nababaliw ka na Aiko! nababaliw ka na!" umiiyak kong sigaw sa loob ng sasakyan. Sa sobrang iyak ko ay nanlalabo na yung paningin ko at hindi ko namalayan na may paparating na Truck. Naramdaman ko na lang na sumalpok na ako at unti-unti ng dumidilim ang paningin ko, pero bago pa ako mawalan ng malay naaninag ko pa na biglang nagbago yung paligid ko, maraming tao at kaka-iba yung dating ng mga suot nila p-parang naging m-makaluma. Hindi ko na alam yung sumunod na nangyari dahil tuluyan ng na dilim ang lahat.
---
BINABASA MO ANG
Trapped In My Past
Исторические романыAno ang iyong gagawin matapos ang isang aksidente at nagising ka na lang sa ibang katawan ng babaeng nag mula sa taong 1898?