Enjoy Reading...
Psyché Vivoree
Ang paghampas ng sariwang hangin sa 'king mukha at ang nanunuot na amoy ng maalat na dagat ang nagpapalakas ng loob kong lakbayin ang aking kapalaran sa labas ng baryong aking kinalakihan.
May agam-agam man sa aking dibdib dahil sa aking pag-alis sa lugar kung saan malaya ang mga ibon, masagana ang lamang-dagat, at mayabong ang mga puno't halaman ay dumating na ang aking pagsibol.
Kailangan kong makipagsapalaran kung saan sa tingin ko ay ako ay uunlad.
"Mag-iingat ka sa Maynila, Psychè. Huwag mo kaming alalahanin ng iyong Amain dito sa isla. Mag-aral kang mabuti roon at alagaan ang iyong sarili," bilin sa akin ni Inay habang inaayos ang aking mga gamit. Ilang sandali na lang ay sasakay na ako sa barko upang maglayag papuntang Maynila.
Iiwan ang isla kung saan ako namulat. Sabi nga nila hindi mo makikita kung gaano kalawak ang mundo kung hindi ka aalis sa iyong lupang kinagisnan.
"Opo, Inay. Kayo ho ang pag-iingat dito. Huwag niyo pong hayaan na palaging lasing si Ama lalo't baka masunog na po ang baga niyan, hindi na makaakyat sa entablado kapag po ako ay nakapagtapos na ng kolehiyo," tumatawang sabi ko kaya naman natawa na rin si Inay.
Nakita kong masamang tumingin sa akin si Ama kaya patay malisya akong umiwas ng tingin sa kan'ya habang tinatago ang ngiti ko.
"Aba ikaw, Psyché! Malakas pa ang iyong Amain! Kaya ko pa ngang buhatin ang iyong Inay at ibato sa ere!" malakas na sabi ni Ama kaya naman agad siyang sinuntok ni Inay kaya napailing na lang ako at napatingin sa kapatid kong lalaki na si Adonai.
"Magtigil ka nga r'yan, Pulgoso!" sigaw ni Inay kaya naman mas lumakas ang tawa ko lalo't ayaw na ayaw ni Ama na tinatawag siya sa kan'yang palayaw.
Gusto niyang Adonis na lang ang itawag sa kan'ya ni Inay lalo't pogi raw pakinggan.
Muling nagbangayan ang mga magulang ko kaya naman napailing na lang ako at tumingin sa aking tatlong kapatid.
Ito ang mga dahilan kung bakit kailangan kong magsikap sa buhay lalo't pangarap kong makapagtapos kaming apat sa aming pag-aaral.
Si Adonai ang sumunod sa akin. Tatlong taon ang pagitan naming dalawa. Sa edad na disisais ay talagang sakit siya sa ulo nila Inay. Lalo't lumalaking chick-boy.
Sumunod naman ang kambal na sina Hera at Helios. Sila ay miracle babies at talaga namang aming swerte sa pamilya. Si Helios ay pinanganak na may autism. Sa edad na lima ay talagang ang laki ng pagkakaiba nilang dalawa ni Hera. Si Hera kasi ay nakakapagsulat, salita, at nakikipagsalamuha sa mga batang nandito sa isla subalit si Helios ay hirap sa pagsasalita at hirap na makisalamuha.
Nahihirapan din itong iparating sa 'min ang kan'yang dinadamdam.
Minsan lang namin siya napatingin sa isang espesyalista lalo't wala naman kaming sapat na pera. Kailangan ko talagang makatulong upang mapasok namin si Helios sa isang pribadong eskwelahan para sa mga batang katulad niyang may special needs.
"Huwag matigas ang ulo mo rito, Ado," bilin ko sa aking kapatid lalo't siya lang naman ang sakit sa ulo.
"Opo, Ate Psyché. Ako na po muna ang tatayong panganay para sa kambal," nakangiting sabi niya kaya naman napangiti ako at ginulo ang maayos niyang buhok.
BINABASA MO ANG
The Introverted Psychopath - ON HOLD
General FictionFor Dutch Remington- killing a person is like in pretense of cleansing the society...